Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang
Dekada 1990
(pinapaikli bilang "ang
dekada
'
90
") ay isang
dekada
ng
kalendaryong Gregoryano
na nagsisimula ng Enero 1, 1990, at natapos ng Disyembre 31, 1999.
Nakita ng dekada 1990 ang pag-unlad ng kamalayan sa multikulturalismo na nagsimula noong
dekada 1980
,
[1]
gayon din ang pag-unlad ng alternatibong midya. Kumalat sa buong mundo ang mga kilusan tulad ng
grunge
, ang
rave scene
at
hip hop
, na tinulungan ng bagong
teknolohiya
noon tulad ng
telebisyong
kaybol at ang
World Wide Web
.
Isang kombinasyon ng kadahilanan, kabilang ang patuloy na panlahat na pagpapakilos ng mga merkadong kapital sa pamamagitan ng neoliberalismo, ang pagkatunaw at wakas ng
Digmaang Malamig
na tumagal ng dekada, ang simula ng malawak na paglaganap ng bagong midya tulad ng
Internet
mula sa gitna ng dekada hanggang lampas nito, ang pagtaas ng pag-aalinlangan sa
pamahalaan
, at ang pagkabuwag ng
Unyong Sobyet
, ay naghatid sa isang muling pag-aayos ng ekonomiko at pampolitikang kapangyarihan sa buong mundo at sa loob ng mga bansa. Nagdala ang bulang dot-com noong 1997?2000 ng kayamanan sa ilang negosyante bago ito bumagsak sa pagitan ng 2000 at 2001.
Nakita ng dekada 1990 ang matinding pagsulong sa teknolohiya, kasama ang
World Wide Web
, ang unang pagsubok ng terapewtika ng
hene
, at unang taga-disenyo ng mga
sanggol
[2]
na lahat umusbong noong 1990 at lahat ay pinabuti at pinasulong sa buong dekada.
May bagong etnikong hidwaan ang sumulpot sa
Aprika
, sa
Balkan
, at sa
Kaukasya
, na naidulot ng dalawang nauna sa
henosidyo
sa
Rwanda
at
Bosnia
, ayon sa pagkakabanggit. Ang mga palatandaan ng kahit anong kalutasan sa mga tensyon sa pagitan ng
Israel
at
mundong Arabe
ay nanatiling mailap sa kabila ng pagsulong ng Pagkakasundo sa
Oslo
, bagaman nahinto ang
The Troubles
sa
Hilagang Irlanda
noong 1998 sa Kasunduang Biyernes Santo pagkatapos ng 30 taon ng karahasan.
[3]