Ang
ika-21 dantaoon
sa
123
bilang ng dantaon, (taon: AD 2001 ? 2100), ay ang kasalukuyang
siglo
ng panahong
Anno Domini
o
Karaniwang Panahon
, sang-ayon sa
kalendaryong Gregoryano
. Nagsimula ito noong 1 Enero 2001 at magtatapos sa 31 Disyembre 2100.
[1]
Ang ika-21 dantaon ang unang dantaon sa
ikatlong milenyo
.
Namarkahan ang simula ng ika-21 siglo ng pagbangon ng pandaigdigang
ekonomiya
at konsumerismo sa
Ikatlong Mundo
, na pinalalim ang pandaigdigang pag-aalala sa
terorismo
at pribadong
negosyo
.
[2]
[3]
[4]
Nagpatuloy ang mga epekto ng
pag-init ng mundo
at pagtaas ng antas ng dagat, kasama ang pagkawala ng walong
pulo
sa pagitan ng 2007 at 2014.
[5]
[6]
[7]
Nagdulot ang
Arab Spring
noong unang bahagi ng dekada 2010 sa magkahalong kinalabasan sa mundong Arabe, na nagresulta sa mga
digmaang sibil
at pagpapatalsik sa mga
pamahalaan
.
[8]
Nanatili ang
Estados Unidos
bilang
pinakamakapangyarihang bansa
, habang tinuturing ang
Tsina
na umuusbong na pinakamakapangyarihang bansa.
Noong 2017, namuhay ang mga kalahati (49.3%) ng populasyon ng mundo sa "ilang uri ng demokrasya," bagaman 4.5 bahagdan lamang ang namuhay sa buong
demokrasya
.
[9]
Lumawak ng malaki ang
Unyong Europeo
na dinagdag ang 13 kasaping
estado
. Pinakilala ng karamihan sa mga kasaping estado ang isang karaniwang
pananalapi
, ang
Euro
, at kumalas ang
Reino Unido
sa pagiging kasapi ng Unyong Europeo. Noong 2020, kumalat sa buong mundo ang
pandemyang COVID-19
, na nagdulot sa malubhang pagkagambala sa ekonomiya, kabilang ang pinakamalaking pandaigdigang
resesyon
mula noong
Dakilang Depresyon
.
Nagpatuloy ang Ikatlong
Rebolusyong Industriyal
na nagsimula noong mga dekada 1950 hanggang sa huling bahagi ng
ika-20 dantaon
, at nagsimula ang transisyon nito sa Industry 4.0 at ang Ikaapat na Rebolusyong Industriyal sa simula ng ika-21 dantaon.
[10]
Sa paglaganap ng mga kagamitang
mobile
(tulad ng
teleponong selular
), nakakonekta sa
internet
ang higit sa kalahati ng populasyon ng mundo (taya noong 2018).
[11]
). Pagkatapos ng tagumpay ng
Human Genome Project
, nagkaroon ng serbisyo ng pag-
sequence
ng
DNA
at ito ay abot-kaya.
[12]
[13]
Ang
Shanghai
,
Tsina
ay isa sa mga pangunahing sentro at makabagong teknolohiya sa daigdig kasama ang
Beijing
. Maging mga lungsod sa
California
,
Bagong York
at
Massachusetts
ang mga lugar na may pinakauna at pinabilis sa mga teknolohiya at kagamitan.