Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang
Enero
ay ang unang araw ng taon sa sa
kalendaryong Gregoryano
at
Juliyano
at ang una sa pitong buwan na may habang 31 araw. Kilala ang unang araw ng buwan bilang ang
Araw ng Bagong Taon
. Ito ang, sa katamtaman, ang pinakamalamig na buwan ng taon sa karamihan sa
Hilagang Emisperyo
(kung saan ito ang ikalawang buwan ng
tagniyebe
) at ang pinakamainit na buwan ng taon sa
Timog Emisperyo
(kung saan ito ang ikalawang buwan ng
tag-araw
). Sa Timog Emisperyo, ang Enero ay ang katumbas na panahon ng Hulyo sa Hilagang Emisperyo at ang kabaligtaran nito sa isa't isa.
Hinango ng
Tagalog
ang "Enero" mula sa
Kastila
na "Enero" na mula sa medyebal na Kastilang "janero" na mula bulgar na Latin na j?nu?ir?. Sa orihinal na Latin,
Ianuarius
ang Enero na ipinangalan kay Jano, ang diyos ng mga simula at mga transisyon sa
mitolohiyang Romano
.
[1]
Sa tradisyon, binubuo ang orihinal na kalendaryong Romano ng 10 buwan na may kabuuang 304 araw, na tinuturing ang tagniyebe bilang panahon na walang buwan. Noong mga 713 BC, ang semi-mitikong kahalili ni
Romulus
, si Haring
Numa Pompilio
, ay diumanong dinagdag ang mga buwan ng Enero at
Pebrero
, upang masasakop ng kalendaryo ang pamantayang taon na lunar (354 araw). Bagaman
Marso
ang orihinal na unang buwan sa lumang kalendaryong Romano, naging Enero ang unang buwan ng taon sa kalendaryo alinman dahil sa ilalim ni Numa o sa ilalim ng Desenbirato noong mga 450 BC (magkakaiba ang mga manunulat na Romano).
Granate ang
birthstone
o batong-kapanganakan ng Enero, na kinakatawan ang katatagan.
[2]
Ang bulaklak-kapanganakan ay ang kulay rosas na
Dianthus caryophyllus
,
galanthus
o tradisyunal na
klabel
.
[3]
[4]
Ang mga senyas ng
sodyak
ay
Capricornio
(hanggang Enero 19) at
Acuario
(Enero 20 pataas).
Hindi kinakailangan ang talang ito na magpahiwatig ng aliman sa katayuang opisyal o pangkalahatang pagdiriwang.