Ang
Ungriya
(
Hungaro
:
Magyarorszag
) ay bansang walang pampang sa
Gitnang Europa
. Hinahangganan ito ng
Eslobakya
sa hilaga,
Ukranya
at
Rumanya
sa silangan,
Serbiya
at
Kroasya
sa timog,
Eslobenya
sa timog-kanluran, at
Austria
sa kanluran. Sumasaklaw ito ng lawak na 93,030 km
2
at may populasyon na 9.7 milyon. Ang kabisera at pinakamalaking lungsod nito ay
Budapest
.
Pagkatapos ng sunod-sunod na paghahalinhinan ng mga Celt, Romano, Hun, Slav, Gepid, at Avar, ang mga pundasyon ng Unggarya ay naitatag noong ika-siyam na siglo ni Prinsipe Arpad sa katapusan ng
Honfoglalas
("pagsakop-sa-lupang-sinilangan"). Naging Kristiyanong kaharian ang Unggarya nang naging pinuno ang kaniyang apo-sa-tuhod na si Stephen I noong 1000 CE. Sa pagdating ng ika-12 siglo, naging isang panggitnang kapangyarihan ang kaharian sa Europa. Pagkatapos ng Labanan sa Mohacs nooong 1526 at isa't kalahating siglo ng di-lubusang panankop ng mga Ottomanong Turko (1541-1699), napasailalim sa kontrol ng mga Habsburg ang Unggarya, at naging bahagi ng Austro-Unggaryong Imperyo.
Ang mga hangganan ng Unggarya ay itinakda sa
Tratado ng Trianon
(1920) pagkatapos ng
Unang Digmaang Pandaigdig
, kung saan nawala sa Unggarya ang 71% ng lupain nito, 58% ng populasyon nito, at 32% ng mga Unggaryo. Nakipag-alyansa ito sa mga Axis Powers noong
Ikalawang Digmaang Pandaigdig
. Napasailalim ito ng kontrol ng Unyong Sobyetiko pagkatapos ng digmaan, at naitatag rito ang apat-na-dekadang diktaturyang komunista (1947-1989). Natanyag ang bansang ito dahil sa Himagsikan ng 1956 at sa pagbubukas nito ng mga hangganan sa Austria nooong 1989, na nagpabilis sa pagbagsak ng Silangang Harang.
Noong 23 Oktubre 1989, naging isang demokratikong parliamentaryong republika muli ang Unggarya. Isang sikat na destinasyon ng mga turista ang Unggarya, na may bumisitang 10.675 milyong turista kada taon (2013). Dito matatagpuan ang pinakamalaking sistema ng bukal at ikalawa sa pinakamalaking mainit na lawa sa daigdig (Lawa ng Heviz), ang pinakamalaking lawa sa Gitnang Europa (Lawa ng Balaton), at pinakamalaking damuhan sa Europa (Hortobagy National Park).
Ilan sa pinakamalalaking lungsod sa Unggarya ay and
Budapest
,
Debrecen
,
Szeged
,
Miskolc
, at
Pecs
.
[1]
Ang Budapest ay may tinatayang higit na tatlong milyon ng populasyon sa 23 distrito nito. Parte ng populasyon ay binubuo rin ng maraming turista at mga imigrante.
Ang lathalaing ito ay isang
usbong
. Makatutulong ka sa
Wikipedia
sa
pagpapalawig
nito.