Slovakia

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Republikang Eslobako
Slovenska republika   ( Eslobako )
Awitin:  Nad Tatrou sa blyska
"Kidlat sa Ibabaw ng Tatras"
Kabisera
at pinakamalaking lungsod
Bratislava
48°09′N 17°07′E  /  48.150°N 17.117°E  / 48.150; 17.117
Wikang opisyal Eslobako
Katawagan Eslobako
Pamahalaan Unitaryong republikang parlamentaryo
Zuzana ?aputova
Robert Fico
Lehislatura Narodna rada
Kasarinlan  
28 October 1918
30 September 1938
Autonomous Land of Slovakia (within Second Czechoslovak Republic)
23 November 1938
14 March 1939
24 October 1945
1948
11 July 1960
Slovak Socialist Republic (within Czechoslovak Socialist Republic, change of unitary Czechoslovak state into a federation )
1 January 1969
Slovak Republic (change of name within established Czech and Slovak Federative Republic )
1 March 1990
1 January 1993
Lawak
? Kabuuan
49,035 km 2 (18,933 mi kuw) (ika-127)
? Katubigan (%)
0.72 (2015)
Populasyon
? Senso ng 2022
Neutral increase 5,460,185 (ika-117)
? Densidad
111/km 2 (287.5/mi kuw) ( ika-88 )
KDP   ( PLP ) Pagtataya sa 2023
? Kabuuan
Increase $229.584 bilyon (ika-70)
? Bawat kapita
Increase $42,228 (ika-47)
KDP   (nominal) Pagtataya sa 2023
? Kabuuan
Increase $133.044 bilyon ( ika-62 )
? Bawat kapita
Increase $24,471 (ika-43)
Gini   (2019) 22.8
mababa  · 1st
TKP   (2021) Increase 0.848
napakataas  · 45th
Salapi Euro ( ) ( EUR )
Sona ng oras UTC +1 ( CET )
? Tag-init ( DST )
UTC +2 ( CEST )
Ayos ng petsa d. m. yyyy
Gilid ng pagmamaneho kanan
Kodigong pantelepono +421
Internet TLD .sk and .eu

Ang Eslobakya ( Eslobako : Slovensko ), opisyal na Republikang Eslobako , ay bansang walang pampang sa Gitnang Europa . Hinahanggan ito ng Polonya sa hilaga, Ukranya sa silangan, Tsekya sa hilagang-kanluran, Hungriya sa timog, at Austria sa timog-kanluran. Sumasaklaw ito ng lawak na 49,000 km 2 at may populasyon na mahigit 5.4 milyon. Ang kabisera at pinakamalaking lungsod nito ay Bratislava .

Kasaysayan [ baguhin | baguhin ang wikitext ]

Namalagi at nanahanan ang mga unang mamamayan sa teritoryo ng Eslobakya mga isangdaang taon na ang nakalilipas, noong mga Kapanahunang Paleolitiko . Isang katibayan nito ang natagpuang hubog ng ulo ng isang Taong Neanderthal sa Ganovce malapit sa Poprad . Natagpuan sa Eslobakya ang pinakamatandang laruang-kariton ng isang bata. Nagmula ang laruang ginawa noong Panahon ng Tanso at nahukay mula sa isang libingan sa Ni?na My??a malapit sa Ko?ice . Marami pang ibang mga bagay na may kaugnayan sa arkeolohiyang nahukay sa Eslobakya na maiuugnay sa kalinangan ng mga mamamayang Otomano , noong mga 1,600 BC. [1]

Mga mamamayan [ baguhin | baguhin ang wikitext ]

Sa ngayon, mayroong populasyong 5,379, 455 katao ang Eslobakya na binubuo ng mga Eslobako (85.6 % ), Unggaro (10.8 % ), Romani (1.5%), Ukranyano (0.3%), Rutenyano (0.3%), at mga Aleman at Polako . [1]

Politika [ baguhin | baguhin ang wikitext ]

Sumali ang Eslobakya sa NATO noong 29 Marso 2004, at sa Unyong Europeo noong 1 Mayo 2004. Nagkaroon ng mga eleksiyon sa pagkapangulo noong 3 Abril 2004 at 17 Abril 2004.

Ang pinuno ng estado ng Eslobakya ay ang pangulo, na hinahalal sa pamamagitan ng direktong botong popular para sa isang mandato ng 5 taon. Karamihan sa kapangyarihang ehekutibo ay nakasalalay sa pinuno ng pamahalaan , ang punong ministro, na madalas ding pinuno ng pinakamalaking partido o ng pinakamalaking koalisyon sa parlamento at itinatakda ng pangulo. Ang natitira sa gabinete ay itinatakda ng pangulo sa rekomendasyon ng punong ministro.

Ang pinakamataas na katawang tagapagbatas ay ang unikameral na Sangguniang Pambansa ng Republikang Eslobako ( Narodna rada Slovenskej republiky ), na may 150 kinatawan. Hinahalal ang mga delegado sa mandato ng 4 taon base sa representasyong proporsyonal . Ang pinakamataas na katawang hudisyal ay ang Hukumang Konstitusyonal ( Ustavny sud ), na nasusunod sa lahat ng mga isyung konstitusyonal . Ang 13 na kasapi ng hukumang ito ay itinatakda ng pangulo mula sa isang tala ng mga kandidatong hinihirang ng parlamento.

Pagkahati [ baguhin | baguhin ang wikitext ]

Pangunahing artikulo: Mga rehiyon ng Slovakia , Mga kondado ng Eslobakya

Sa dibisyong administratibo, nahahati ang Eslobakya sa 8 kraj (kondado), ang bawat isa na isinasapangalan sa kanilang mga pangunahing lungsod. Sa dibisyong panterritoryo naman at sa definisyon ng nagsasariling entities , mula 2002, nahahati ang Eslobakya sa 8 vy??i uzemny celok o VUC na tinatawag na samospravny kraj (rehyong awtonomo):

  1. Bratislavsky kraj (tingnan din Bratislava )
  2. Trnavsky kraj (tingnan din Trnava )
  3. Tren?iansky kraj (tingnan din Tren?in )
  4. Nitriansky kraj (tingnan din Nitra )
  5. ?ilinsky kraj (tingnan din ?ilina )
  6. Banskobystricky kraj (tingnan din Banska Bystrica )
  7. Pre?ovsky kraj (tingnan din Pre?ov )
  8. Ko?icky kraj (tingnan din Ko?ice )

(Maaari ding palitan ang salitang kraj ng samospravny kraj sa bawat kaso.)

Nahahati rin ang kraje sa maraming okres (distrito). Kasalukuyang may 79 okres ang Eslobakya.

Mapa ng Eslobakya

Mga talababa at sanggunian [ baguhin | baguhin ang wikitext ]

  1. 1.0 1.1 Slovakia , nilipon ni Eugene Lazi??an, nilimbag sa tulong ng Ministeryo ng Ugnayang Panlabas ng Republikang Slovak, 1999, ISBN 80-88892-23-6

Mga kawing panlabas [ baguhin | baguhin ang wikitext ]