Pasko
|
---|
|
Ibang tawag
| Noel
Nativity
Yule
Xmas
|
---|
Ipinagdiriwang ng
| Mga
Kristiyano
Maraming mga hindi-Kristiyano
[1]
|
---|
Uri
| Kristiyano
,
kultural
|
---|
Kahalagahan
| Tradisyonal na kaarawan ni
Hesus
|
---|
Mga pamimitagan
| Mga seremonya sa simbahan, pagbibigay regalo, mga pagtitipong pampamilya at iba pang pagtitipong panlipunan, simbolikong pagdedekorasyon at iba pa
|
---|
Petsa
| Disyembre 25 (Sa ibang Kristiyano ay Enero 6, 7 o 19)
[2]
[3]
(
tingnan sa ibaba
)
|
---|
Kaugnay sa
| Christmastide
,
Noche Buena
,
Adbiyento
,
Annunciation
,
Epipanya
,
Pagbibinyag ng Panginoon
,
Yule
|
---|
Tungkol sa araw ng pagdiriwang ng kapanganakan ni Hesus ang artikulo na ito. Para sa araw ng paggunita ng muling pagkabuhay ni Hesus, tingnan ang
Pasko ng pagkabuhay
.
Ang
Pasko
(
Ingles
:
Christmas
, na may tuwirang salin na "Misa ni Kristo";
Yule
, at
Yuletide
) ay isang araw ng pangilin sa kalendaryong Kristiyano, na kadalasan ay ipinagdiriwang tuwing Disyembre 25 at sa ilang mga denominasyong Kristiyano ay tuwing Enero 6 na orihinal na araw ng pasko sa
Silangang Kristiyanismo
. Sa araw na ito ipinagdiriwang ng karamihang
Kristiyano
ang araw ng kapanganakan ni
Hesus
. Ang ilang mga denominasyong Kristiyano gaya ng
mga Saksi ni Jehova
at
Iglesia ni Cristo
ay hindi nagdiriwang ng pasko.
Sa mga Kristiyanong bansa, ang Pasko ay isa sa pinakamalaking araw ng pagdiriwang kung ang usapang pang-ekonomiya ang paguusapan. Nakilala ang pasko bilang araw ng pagpapalitan ng regalo o handog sa mga kasambahay, at mga sorpresa mula kay
Santa Claus
, pangangaroling, pagdedekorasyon at iba pa.
Ang lokal at pangrehiyon na tradisyon patungkol sa Pasko ay karaniwang nagkakaibaiba, sa kabila ng impluwensiya ng mga Amerikano at Ingles na motifs.
Ang wikang Ingles ang salitang "Christmas" ay pinaikling "Christ's Mass" o may tuwirang salin na "Misa ni Kristo." Hango ang mga ito sa lumang Ingles na "Cristes mæsse" na tumutukoy sa relihiyoso at sagradong seremonya ng misa. Ito ay kadalasan na dinadaglat o pinapaiksa sa pormang "Xmas", dahil ang "X" o "Xt" ay kadalasan na tumutukoy kay "Kristo" Ang mga titik na X as Alpabetong Ingles at Filipino, ay kahalintulad ng titik X (chi) sa Alpabetong Griyego. Ito ang unang titik ng salitang "Christ" sa Griyegong salin na Χριστ??, na may tuwirang salin na Christos. Ang salitang Crimbo naman, ay isang impormal na kasingkahulugan nito sa Ingles. Ang salitang Xmas ay binibigkas bilang "Christmas", gayumpaman, may ilan na gumagamit ng bigkas na "X-mas" o (eksmas) exmas.
Pagdiriwang
Ang araw ng
Pasko
ay ipinagdiriwang bilang isang malaking pista at pampublikong holiday (pangingilin) sa maraming bansa sa buong mundo. Ang mga paraan ng pagdiriwang ng pasko sa iba't ibang panig ng mundo ay iba iba na sumasalamin sa mga iba't ibang tradisyong pambansa at pangkultura.
Kabilang sa mga bansang ang Pasko ay hindi isang pampublikong holiday ang
Afghanistan
,
Algeria
,
Azerbaijan
,
Bahrain
,
Bhutan
,
Cambodia
,
Tsina
(maliban sa
Hong Kong
at
Macao
),
Comoros
,
Iran
,
Israel
,
Japan
,
Kuwait
,
Laos
,
Libya
,
Maldives
,
Mauritania
,
Mongolia
,
Morocco
,
North Korea
,
Oman
,
Pakistan
,
Qatar
,
Sahrawi Arab Democratic Republic
,
Saudi Arabia
,
Somalia
,
Tajikistan
,
Thailand
,
Tunisia
,
Turkey
,
Turkmenistan
,
United Arab Emirates
,
Uzbekistan
,
Vietnam
, at
Yemen
.
Kapanganakan ni Hesus ayon sa Bibliya
Ang kuwento ng kapanganakan ni Hesus ay matatagpuan lamang sa dalawang ebanghelyo na
Ebanghelyo ni Lucas
at
Ebanghelyo ni Mateo
. Gayunpaman, ang parehong Lucas at Mateo ay may salungatan tungkol sa kapanganakan ni Hesus. Sa Mateo, sina Jose at Maria ay orihinal na mula sa Bethlehem at si
Maria
ay nanganak kay Hesus sa kanilang bahay sa
Bethlehem
kung saan sila ay dinalaw ng mga
mago
(Mateo 2:1-7) at pagkatapos ay kinailangang nilang tumakas sa
Ehipto
dahil sa banta ni
Dakilang Herodes
ni patayin ang sanggol na si Hesus(Mateo 2:13). Pagkatapos mamatay ni Dakilang Herodes noong ca. 4 BCE, ang ama ni Hesus na si
Jose ng Nazareth
ay naglayong bumalik sa kanilang tirahan sa Bethlehem sa Judea ngunit binalaan sa isang panaginip na huwag ditong pumunta at sa halip ay tumungo sa
Galilea
sa
Nazareth
dahil si
Herodes Arquelao
ay namumuno sa
Judea
at ito ay upang matupad ang isang hula na si Hesus ay tatawaging isang
Nazareno
(Mateo 2:21-23). Salungat sa Mateo, sa Lucas 2:4-6, sina Jose at Maria ay orihinal na mula sa
Nazareth
sa Galilea at tumungo sa
Bethlehem
dahil sa
Censo ni Quirinio
(ca. 6 CE) dahil siya ay mula sa angkan ni
David
(Lucas 1:27; 2:4) at sa Bethlehem ay ipinanganak si Hesus sa isang
sabsaban
dahil wala silang mahanap na kuwarto na mapapanganakan ni Hesus. Pagkatapos dalhin nina Jose at Maria ang sanggol na Hesus sa
Ikalawang Templo sa Herusalem
para sa ritwal ng puripikasyon, sila ay bumalik sa kanilang tirahan sa
Nazareth
sa
Galilea
(Lucas 2:39). Ayon sa
Ebanghelyo ni Juan
7:41-42, naniwala ang mga Hudyo na si Hesus ay hindi nagmula sa
Bethlehem
kundi sa
Galilea
at "walang
propeta
na manggagaling sa Galilea"(Juan 7:52)
Ayon sa Lucas, isinugo ng
diyos
ang
anghel
na si Gabriel sa isang birhen na si Maria sa Nazareth, Galilea na nagsasabi na siya ay maglilihi at manganganak ng isang lalake na tatawaging Hesus. Nang tanungin ni Maria kung paano ito mangyayari gayong isa siyang birhen, sinabi ng anghel na siya ay liliman ng banal na espirito. Nang manganganak na si Maria, siya at si Jose ay naglakbay mula sa Nazareth, Galilea sa tahanang pang-ninuno ni Jose na
Bethlehem
upang magpatala sa censo ni Quirinio. Nanganak si Maria kay Hesus at dahil wala nang lugar para sa kanila sa bahay-tuluyan ay inilagay ang sanggol sa sabsaban. Dinalaw ng anghel ang mga pastol na nagdadala ng mabuting balita ng malaking kagalakan na sa siyudad ni
David
sa Bethlehem ay ipinanganak ang
mesiyas
ang tagapaglitas. Ang mga pastol ay tumungo sa sabsaban sa Bethlehem kung saan nila natagpuan si Hesus kasama nina Jose at Maria. Pagkatapos nito ay tumungo sina Maria at Jose kasama si Hesus sa Herusalem upang isagawa ang ritwal ng pagdadalisay ayon sa batas ni Moises at pagkatapos na isagawa ang kautusan ni Moises ay umuwi na sila sa kanilang bayan na Nazereth, Galilea.
Ayon sa Mateo, si Maria ay nakatakdang mapangasawa ni Jose. Ngunit bago pa sila nagsama, si Maria ay natagpuang nagdadalang-tao sa pamamagitan ng Banal na Espiritu. Ang isang anghel ay nagpakita kay Jose sa isang panaginip. Sinabi ng anghel na huwag mangamba si Jose na tanggapin si Maria na kanyang asawa dahil ang dinadala ni Marya sa kaniyang sinapupunan ay sa Banal na Espiritu. Siya ay manganganak ng isang lalaki na papangalanan niyang Hesus. Ayon sa may akda ng Mateo, ito ay naganap upang matupad ang sinabi ng propeta na
"ang isang dalagang birhen ang magdadalang-tao at manganganak ng isang lalaki. Tatawagin nila siyang Emmanuel na ang ibig sabihin ay: Ang Diyos ay sumasaatin.
" (Mat. 1:23) Ito ay pinapakahulugan ng mga skolar na isang reperensiya sa
Aklat ni Isaias
7:14 ng saling Griyegong
Septuagint
. Sa ilang mga ikalima at ikaanim na siglo CE mga manuskrito ng Ebanghelyo ni Mateo sa Mat. 1:23 ay mababasa ang "Isaias ang propeta".
[4]
Ang Isa. 7:14 na
Septuagint
ay nagsalin ng salitang Hebreo na ???? (almah o isang dalaga) sa salitang Griyego na
parthenos
(birhen) at pinaniniwalaan ng mga iskolar na ang Septuagint ang pinaghanguan ng Mateo upang suportahan ang pananaw ng kapanganakang birhen ni Hesus. Ang mga iskolar ay umaayon na ang almah ay walang kinalaman sa isang birhen. Ang Isa. 7:14 ayon sa mga iskolar ay hula sa haring Ahaz na ang isang dalaga ay manganganak ng Immanuel at ang mga kaaway ni Ahaz ay wawasakin bago malaman ng batang ito ang pagkakaiba ng mabuti at masama. Ang may akda ng Mateo ay nag-iba rin ng tatlong detalye ng Septuagint ng Isa. 7:14: ang paggamit ng hexei kesa sa l?psetai; ang 'tatawagin mo (isahan)' sa ikatlong personang pangmaramihan 'tatawagin nila', at ang ibinigay na interpretasyon ng Emmanuel bilang 'ang diyos ay nasa atin'
[5]
Ang mga paliwanag ay iminungkahi sa pinagmulan ng mga salaysay sa Mateo at Lucas ng kapangakang birhen ni Hesus. Ayon kay
Stephen L Harris
, ang mga ito ay isinulat upang sagutin ang mga paninira ng mga Hudyo tungkol sa hindi lehitimong kapanganakan ni Hesus na may ebidensiya mula sa ika-2 siglo CE.
[6]
[7]
Ayon sa skolar na si
Helmut Koster
, ang mga salaysay ng kapanganakang birhen ni Hesus ay nag-ugat sa mitolohiyang
Helenistiko
.
[8]
Ang mga tagasunod ng
Psilanthropismo
na umiral sa mga sinaunang pangkat
Hudyong-Kristiyano
gaya ng mga
Ebionita
ay nangatwiran laban sa kapanganakang birhen ni Hesus at nagsaad na si Hesus ay isang
mesiyas
ngunit "
isa lamang tao
".
[9]
Kanila ring itinakwil si
Apostol Pablo
bilang isang tumalikod.
[10]
[11]
Noong ika-4 na siglo CE, ang
Kredong Niseno
ay tumakwil sa katuruang si Hesus ay isa lamang tao.
[12]
Noong ika-2 siglo, ang paganong anti-Kristiyanong pilosopong Griyego na si
Celsus
ay sumulat na ang ama ni Hesus ay isang sundalong Romano na si
Panthera
.
[13]
[14]
May mga pagkakasalungat sa parehong ebanghelyo. Ang parehong Mateo at Lucas ay nagbibigay ng magkaibang
heneolohiya
ni Hesus. Sa Mateo, si Hesus ay binisita ng mga
Mago
. Sa Lucas, si Hesus ay binisita mga pastol. Ang
Ebanghelyo ni Mateo
ay nagsasaad na si Hesus ay ipinanganak bago mamatay si
Herodes
(na namatay noong Marso 4, BCE).
[15]
Gayunpaman, ito sinasalungat sa
Ebanghelyo ni Lucas
na nagsasaad na si Hesus ay ipinanganak sa panahon ng
Censo ni Quirinius
(Lucas 2:1-7) na ayon sa Hudyong historyan na si
Josephus
ay naging gobernador ng Syria noong 6?7 CE. Ang talatang ito sa Lucas ay matagal nang itinuturing ng mga skolar ng
Bibliya
na problematiko dahil inilalagay nito ang kapanganakan ni Hesus sa panahon ng censo noong 6/7 CE samantalang ayon sa Mateo ay ipinanganak si Hesus pagkatapos ng paghahari ni Herodes na namatay noong 4 BCE o mga siyam na taon bago ang censo ni Quirinius.
[16]
Sa karagdagan, walang mga sangguniang historikal na nagbabanggit ng kinontrol ng Romanong pandaigdigang censo na sumasakop sa buong populasyon. Ang censo ni Augustus ay sumasakop lamang sa mga mamamayang Romano
[17]
at hindi pagsasanay sa mga censong Romano na atasan ang mga tao na bumalik sa bayan ng kanilang mga ninuno.
[18]
Dahil sa kamaliang ito sa Lucas, ang mga skolar ay nagbigay konklusyon na ang may akda ng Lucas ay mas umuukol sa paglikha ng simbolikong salaysay kesa sa isang historikal na salaysay,
[19]
at walang kamalayan o walang pakielam sa kahirapang kronolohikal na ito. Ang Lucas ay nag-uugnay rin ng kapanganakan ni Hesus kay
Juan Bautista
na pinaniniwalaang nabuhay mga sampung taon bago ang paghahari ni Herodes.
[20]
Ang parehong may-akda ng Lucas ay nag-ugnay ng censo ni Augustus kay
Theudas
sa
Mga Gawa ng mga Apostol
na naganap noong 46 CE ayon kay Josephus. Ang kamatayan ni Hesus ay karaniwang inilalagay noong 30?36 CE sa pamumuno ni
Poncio Pilato
na gobernador ng Judea mula 26 hanggang 36 CE.
[21]
[22]
Ayon sa Lucas, nang si Marya ay manganganak, siya at si Jose ay naglakbay mula sa Nazareth tungo tahanan ng kanilang ninuno sa Bethlehem (Belen) upang magpatala sa
censo ni Quirinius
(Lucas 2:2). Ipinanganak ni Marya si Hesus at dahil wala ng lugar para sa kanila sa bahay-tuluyan, ay iniligay ang sanggol sa sabsaban. Ayon sa Lucas 2:22?40, kinuha ni Marya at Jose ang sanggol na si Hesus sa templo sa Herusalem (ang layo ng Bethlehem (Belen) sa Herusalem ay mga 6 na milya) 40 araw pagkatapos ng kanyang kapanganakan upang kumpletuhin ang puripikasyong ritwal pagkatapos ng panganganak at isagawa ang pagtubos ng panganay bilang pagsunod sa Kautusan ni Moises (Lev. 12, Exo. 13:12-15 at iba pa). Hayagang sinabi sa Lucas na kinuha nina Marya at Jose ang opsiyon na ibinibigay sa mga mahihirap (na hindi makakabili ng tupa) sa Lev 12:8 na naghahandog ng isang pares ng mga kalapati. Ang Lev. 12:1-4 ay nagsasaad na ang pangyayaring ito ay dapat gawin sa 40 araw pagkatapos ng kapanganakan ng isang anak na lalake. Pagkatapos na isagawa ang lahat ayon sa Batas ni Moises, sila ay bumalik sa Galilea sa kanilang bayan na Nazareth (Lucas 2:39). Salungat dito, ang Mateo 2:16 ay nagmumungkahi na ang pamilya ni Hesus ay nanatili sa Bethelehem nang mga 2 taon bago sila tumungo sa Ehipto. Ang pamilya ni Hesus ayon sa Mateo ay lumisan sa Ehipto at nanatili doon hanggang sa kamatayan ni Herodes (Mat. 2:15, 22?23). Ayon Mat. 2:22, Ang pamilya ni Hesus ay nagbalik sa Hudea (kung nasaan ang Bethlehem ayon sa Mat. 2:5)
[23]
mula sa Ehipto pagkatapos mamatay ni Herodes. Nang marinig ni Jose na si Archelaus ay naghahari sa Hudea at sa dahil sa isang babala sa panaginip ay umurong sa Galilea na nagmumungkahing ang Galilea ay hindi ang kanyang orihinal na destinasyon. Sa karagdagan, ang Mat. 2:23 ay nagbibigay impresyon na ang Nazareth ang bagong tahanan ng pamilya ni Hesus at hindi ang lugar kung saan sila nagmula ayon sa Lucas. Ito ay salungat sa Lucas 2:4, 39 na nagsasaad na ang pamilya ni Hesus ay nagmula sa Nazareth. Walang binabanggit sa Mateo ng anumang paglalakabay tungo sa Bethlehem kung saan isinaad sa Mateo na ipinanganak si Hesus.
Bethlehem
Ayon sa mga arkeologo, ang
Bethlehem
, Hudea ay hindi umiiral bilang isang gumagana at tinitirhang bayan sa pagitan ng 7 BCE at 4 BCE na panahong inaangking ang kapanganakan ni Hesus. Si Herodes ay namatay noong 4 BCE at ayon sa Bibliya ay ipinanganak si Hesus bago mamatay si Herodes. May mga materyal na nahukay ang mga arkeologo sa Bethlehem sa pagitan ng 1200 BCE hanggang 550 BCE gayundin sa panahon mula sa ika-6 siglo CE ngunit wala noong unang siglo BCE o unang siglo CE. Ayon sa arkeologong si Aviram Oshri, "
nakakagulat na walang ebidensiyang arkeolohikal na nag-uugnay sa Bethlehem sa Hudea sa panahon na ipinanganak si Hesus
".
[24]
Pinagmulan ng mga kuwento
Mga Mago
Ayon sa salaysay ng Mateo 2:1-9, Pagkatapos na maipanganak si Hesus sa Bethlehem ng Hudea, sa panahon ng paghahari ni Herodes, may dumating sa Herusalem na mga
mago
mula sa silangan. Sinabi nila: Saan naroroon ang ipinanganak na Hari ng mga Hudio? Ito ay sapagkat
nakita namin ang kaniyang bituin sa silangan
at naparito kami upang sambahin siya. Nang marinig ni haring Herodes ang mga bagay na ito, naligalig siya at ang lahat ng mga tao sa Herusalem. Tinipon niya ang lahat ng mga pinunong-saserdote at mga guro ng kautusan ng mga tao. Tinanong niya sa kanila kung saan ipanganganak ang mesiyas. Nang magkagayon, tinawag ni Herodes nang palihim ang mga mago. Itinanong niyang mabuti sa kanila kung kailan nagpakita ang bituin. At pinapunta niya sila sa Bethlehem. Sinabi niya: Pumaroon kayo at matiyaga ninyong ipagtanong ang patungkol sa bata. Kapag natagpuan ninyo siya, balitaan ninyo ako upang makapunta rin ako at sambahin siya. Pagkarinig nila sa hari ay tumuloy na sila sa kanilang lakad. Narito,
ang bituin na kanilang nakita sa silanganan
ay nanguna sa kanila. Nanguna ito sa kanila hanggang sa sumapit at tumigil sa tapat ng kinaroroonan ng maliit na bata. Nang makita nila ang bituin, lubos silang nagalak. Nang sila ay nasa loob na ng bahay, nakita nila ang bata, kasama ang kaniyang inang si Marya. Sila ay nagpatirapa at sinamba ang bata. Nang mabuksan na nila ang kanilang mga kayamanan, naghandog sila sa kaniya ng mga kaloob. Ang mga ito ay ginto, kamangyan at mira. At nagbabala ang Diyos sa kanila sa isang panaginip na huwag na silang bumalik kay Herodes. Kaya sila ay nag-iba ng daan pauwi sa kanilang sariling lupain.
Ang Griyegong
magoi
(μ?γοι) na ginamit sa
Ebanghelyo ni Mateo
ay hinango mula sa
Lumang Persian
na
magu?
mula sa
Avestan
magauno
, i.e. ang kasteng relihiyoso kung saan ipinanganak si
Zoroaster
.
[25]
Ang terminong ito ay tumutukoy sa
kasteng
saserdote
(pari) ng
Zoroastrianismo
.
[26]
Ayon sa historyan ng
Kristiyanismo
na si Sebastian Brock, "walang duda na sa mga naakay sa
Zoroastrianismo
na...ang ilang mga alamat ay nabuo sa Mago ng mga Ebanghelyo".
[27]
Ayon kay Anders Hutgard, ang kuwento ng mago sa ebanghelyo ay naimpluwensiyahan ng alamat na
Iranian
nauukol sa
mago
(magi) at isang bituin na nauugnay sa mga paniniwalang Persian sa paglitaw ng bituin na humuhula sa isang pinuno at sa mga
mito
na naglalarawan ng manipestasyon ng isang pigurang diyos sa apoy at liwanag.
[28]
Ang sinaunang Mago (Magi) ay isang namamanang pagka-
saserdote
ng
Medes
na may malalim at ekstraordinaryong kaalamang pang-
relihiyon
. Ang Sinaunang relihiyong ito ng Medes ay isang anyo ng bago-ang-
Zoroastrianismong
Mazdaismo
o pagsamba kay
Mithra
. Ayon kay
Herodotus
, may anim na mga tribong Medes
[29]
:
Kaya tinipon ni
Deioces
ang
Medes
sa isang bansa at tanging namuno sa kanila. Ngayon, ito ang mga tribo na bumubuo nito: ang
Busae
, ang
Paretaceni
, ang
Struchates
, ang
Arizanti
, ang
Budii
, at ang
Mago
.
Pagkatapos na ang ilang Magong Persian na nauugnay sa korteng Medes ay napatunayang eksperto sa mga interpretasyon ng panaginip, itinatag ni
Dakilang Darius
ang mga ito sa ibabaw na relihiyon ng estado ng Persia. Binanggit ni
Herodotus
ang
Mago
ng Medes bilang tribong Medes na nagbibigay ng mga saserdote (pari) para sa parehong mga Medes at Persian. Ang mga ito ay may
kasteng
saserdote na nagpapasa ng katungkulan mula sa ama tungo sa anak na lalake. Ang mga Mago na Medes ay gumampan ng isang mahalagang papel sa korte ng haring Medes na si
Astyages
na sa kanyang korte ay may ilang mga tagapayo, nagpapakahulugan ng mga panaginip at mga manghuhula. Ang mga historyan ng klasiko ay pangakalahatang umaayon na ang Mago (Magi) ay mga saserdote (pari) ng pananampalatayang
Zoroastrianismo
. Mula sa mga personal na pangalan ng Medes gaya ng itinala ng mga Assyrian (noong ika-9 hanggang ika-8 siglo CE), may mga halimbaw ng paggamit ng salitang Indo-Iranian na
arta-
("katotohana") na pamilyar mula sa parehong
Avestan
at Lumang Persian at mga halimbawa rin ng mga
pangalang teoporiko
na naglalaman ng w
Ma?dakku
at ang pangalang "
Ahura Mazda
".
[30]
Disyembre 25
Ang petsang
Disyembre 25
ng kapanganakan ni
Hesus
ay hindi matatagpuan sa
bibliya
. Noong ika-4
siglo
CE nang gawin ng
Kanluraning Simbahan
ang pasko sa petsang Disyembre 25.
[31]
[32]
[33]
Ang petsang ito ay maaaring pinili upang tumugma sa petsa ng
katimugang solstice
o ang
Romanong
taglamig na solstice
dahil sa itinuturing ng ilang mga Kristiyano na si Hesus ang "araw ng katwiran" ayon Malakias 4:2.
[34]
[35]
[36]
[37]
Ang orihinal na petsa ng pasko sa
Silangang Ortodokso
ay Enero 6 na nauugnay sa
Epipanya
(pista ng mga
Mago
). Ang Enero 6 na pasko ang petsang pinagdiriwang sa
Simbahang Apostolikong Armenian
sa
Armenia
kung saan ito ay isang publikong pista. Sa ngayon, may pagkakaiba na 13 araw sa pagitan ng modernong
Kalendaryong Gregoryano
at
Kalendaryong Huliano
. Ang mga patuloy na gumagamit ng Kalendaryong Huliano o mga katumbas nito gaya ng sa mga bansang Ethiopia, Russia, Ukraine, Serbia, Republika ng Macedonia, at Republika ng Moldova ay nagdiwang ng pasko tuwing Enero 7. Isinaad ni
Clemente ng Alexandria
(c.150CE-215 CE) ang ang iba ay nagmungkahi ng petsa ng pasko na Abril 18 Abril 19 o Mayo 28. Kanyang pinili ang Mayo 20. Si
Hippolytus
(c.170 CE-236 CE) ay nagmungkahi ng araw na Enero 2. Noong mga 220 CE, idineklara ni
Tertullian
ang kamatayan ni Hesus sa petsang 25 Marso 29 CE. Ito ay humantong sa malawakang paniniwala sa panahong ito na si Hesus ay ipinangak sa o sa mga petsang ito dahil ang paniniwalang Hudyo sa panahong ito ay ang mga propeta sa isang edad na integral sa anibersaryo ng kanilang kapanganakan o paglilihi. Noong 221 CE, iminungkahi ni
Sextus Julius Africanus
na ipinanganak si Hesus sa petsang Disyembre 25. Ang iba ay nagmungkahi ng Nobyembre 17 Nobyembre 20 o Marso 25. Gayunpaman, itinuro ni
Origen
(c. 185 CE-254 CE) na ang pagdiriwang na pang-
relihiyon
ng mga kaarawan ay nabibilang sa pagsamba ng mga diyos na
pagano
at dapat ay itakwil ng mga Kristiyano. Naniwala siya na ang mga makasalanan lamang at hindi ang mga santo ang nagdiriwang ng kanilang kaarawan.
Ang maraming mga relihiyon na lumitaw bago ang paglitaw ng relihiyong
Kristiyanismo
ay nagpaparangal sa kapanganakan o muling kapanganakan ng kanilang mga
diyos
o diyosa. Ang mga diyos na ito ay tipikal na tinatawag na "Anak ng Tao", "Liwanag ng Daigdig", "Anak ng Katwiran", "Tagapagligtas" at iba. Halimbawa nito ang sumusunod:
- Ang kulto ni Attis ay nagsimula noong mga 1200 BCE. Si
Attis
ang anak na lalake ng birheng si
Nana
. Ang kanyang kapanganakan o kaarawan ay ipinagdiriwang tuwing Disyembre 25. Siya ay inihandog nang siya ay matanda na upang magdala ng kaligtasan sa sangkatauhan. Siya ay namatay noong mga Marso 25 pagkatapos ipako sa puno at tumungo sa loob ng 3 araw sa daigdig ng mga patay. Noong araw ng linggo, siya ay umahon bilang diyos na araw para sa bagong panahon. Ang mga tagasunod ni Attis ay nagtali ng kanyang larawan sa isang puno noong araw ng "Itim na Biyernes" at binuhat ito sa isang prusisyon sa templo. Ang kanyang katawan ay simbolikong kinakain ng kanyang mga tagasunod sa anyo ng tinapay. Ang pagsamba kay Attis ay nagsimula sa Roma noong mga 200 BCE.
- Si
Osiris
ay isang diyos na tagapagligtas na tinawag na Panginoon ng mga Panginoon, Hari ng mga Hari, Diyos ng mga Diyos...Resureksiyon at ang Buhay, ang Mabuting Pastol...ang Diyos na gumawa sa mga babae at lalake na ipanganak muli...Ang kanyang mga tagsunod ay kumain ng mga keyk ng trigo na sumimbolo sa kanyang katawan. Ang pagsamba at pagdiriwang ng kapanganakan na ipinagdiwang tuwing Disyembre 25 ay kumalat sa maraming mga lugar ng imperyo Romano noong unang siglo BCE.
- Si
Mithra
na sinamba sa kulto ng
Mithraismo
ay isang diyos-tao at tagapagligtas. Ang kanyang pagsamba ay karaniwan sa buong
Imperyo Romano
lalo na sa militar. Ang
Mithraismo
ay isang katunggaling relihiyon ng
Kristiyanismo
hanggang ika-4 siglo nang ang Kristiyanismo ay maging relihiyon ng estado ng Imperyo Romano at ang Mithraismo ay sinupil at mga saserdote nito ay pinapatay o pinatapon. Si Mithra ay pinaniniwalaang ipinanganak noong Disyembre 25 ca. 500 BCE. Ang kanyang kapanganakan ay nasaksihan ng mga pastol at ng mga nagdadala ng regalong mga
Mago
. Sa kanyang buhay, siya ay nagsagawa ng mga milagro, nagpagaling ng mga karamdaman at nagpalaya ng mga demonyo. Kanyang ipinagdiwang ang Huling Hapunan kasama ng kanyang 12 alagad. Siya ay pinainiwalaang umakyat sa langit noong mga Marso 21. Ang kanyang kaarawan bilang "Anak ng Katwiran" ay ipinagdiwang tuwing Disyembre 25.
[38]
- Si
Dionysus
ay isa pang tagapagligtas na diyos na ang kaarawan ay ipinagdiriwang tuwing Disyembre 25. Siya ay sinamba sa buong Gitnang Silangan gayundin sa Gresya. Siya ay mayroong sentro ng pagsamba sa Herusalem noong ika-1 siglo BCE. Siya ang anak ni
Zeus
na Diyos Ama. Ang kanyang laman at dugo ay simbolikong kinain sa anyo ng tinapay at alak.
Saturnalia
Ang mga aspeto ng pistang
Saturnalia
ay pinaniniwalaan ng mga skolar na pinagmulan ng mga kalaunang kagawian tuwing Pasko partikular na ang pagbibigay ng mga regalo na sinupil ng
Simbahang Katoliko
dahil sa nakita nitong mga "pinagmulang
pagano
".
[39]
Noong sinunang Romanong Saturnalia, ang isang hugis taong mga pagkain ay kinakain at ang mga masayang pag-awit ay isinasagawa na gumagawa ritong prekursor ng
taong tinapay na luya
at
pangangaroling
. Ang Saturnalia ang sinaunang Romanong pista bilang parangal sa
diyos
na si
Saturno
. Ito ay orihinal na ipinagdiwang tuwing Disyembre 17 ngunit kalaunang pinalawig ng mga pagdiriwang hanggang Disyembre 23. Ang pistang ito ay ipinagdiwang na may isang handog sa
Templo ni Saturno
sa Romanong Forum na sinundan ng pagbibigay regalo, patuloy na pananalangin, at isang atmosperong karnibal na nagpataob ng mga kagawiang panlipunan ng Roma. Ang pagsusugal ay pinayagan at ang mga panginoon ay nagbigay ng serbisyo sa mesa sa kanilang mga
alipin
. Ayon sa manunulang si
Catullus
, ito ang "pinakamahusay sa mga araw".
Ang sinaunang Romanong Saturnalia ay isinama sa
Kristiyanismo
noong ika-4 na siglo CE bilang paraan ng pag-akay sa mga Romano.
[40]
Dahil sa paganong pinagmulan nito, ang pistang Pasko ay ipinagbawal sa
Massachusetts
ng mga
Puritano
as pagitan ng 1659 at 1681 bilang ilegal na pagmamasid.
[41]
[42]
Tingnan din
Mga sanggunian
- ↑
Christmas as a Multi-faith Festival
?BBC News. Retrieved 2008-09-30.
- ↑
Several traditions of
Eastern Christianity
that use the
Julian calendar
also celebrate on
Disyembre 25
according to that calendar, which is now Enero 7 on the
Gregorian calendar
. Armenian Churches observed the nativity on Enero 6 even before the Gregorian calendar originated. Most Armenian Christians use the Gregorian calendar, still celebrating Christmas Day on Enero 6. Some Armenian churches use the Julian calendar, thus celebrating Christmas Day on Enero 19 on the Gregorian calendar, with Enero 18 being Christmas Eve.
- ↑
Ramzy, John.
"The Glorious Feast of Nativity: 7 January? 29 Kiahk? 25 December?"
. Coptic Orthodox Church Network
. Nakuha noong
2011-01-17
.
{{
cite web
}}
: CS1 maint: date auto-translated (
link
)
- ↑
Barbara Aland, et al.
Latin New Testament
1983, American Bible Society.
ISBN 3-438-05401-9
page 3
- ↑
Raymond E. Brown: The Birth of the Messiah [
ISBN 0-385-05405-X
], p. 150
- ↑
Harris, Stephen L., Understanding the Bible. Palo Alto: Mayfield. 1985.
- ↑
Brown, Raymond E., The Birth of the Messiah. Doubleday & Company. 1977, Appendix V: The Charge of Illegitimacy, p. 537
- ↑
Koster, Helmut
Ancient Christian gospels: their history and development
Edition 7, Trinity Press, 2004, pg 306
- ↑
The Westminster handbook to patristic theology
by John Anthony McGuckin 2004
ISBN 0-664-22396-6
page 286
- ↑
Angels and Principalities
by A. Wesley Carr 2005
ISBN 0-521-01875-7
page 131
- ↑
Jews, Christians and Jewish Christians in Antiquity
by
James Carleton Paget
2010
ISBN 3-16-150312-0
page 360
- ↑
The creed: the apostolic faith in contemporary theology
by Berard L. Marthaler 2007
ISBN 0-89622-537-2
page 129
- ↑
Contra Celsum
by Origen, Henry Chadwick 1980
ISBN 0-521-29576-9
page 32
- ↑
Patrick, John
The Apology of Origen in Reply to Celsus
2009
ISBN 1-110-13388-X
pages 22?24
- ↑
White, L. Michael.
From Jesus to Christianity
. HarperCollins, 2004, pp. 12?13.
- ↑
e.g. R. E. Brown,
The Birth of the Messiah
(New York: Doubleday), p. 547.
- ↑
Emil Schurer (revised by Geza Vermes, Fergus Millar and Matthew Black), The History of the Jewish People in the Age of Jesus Christ, Continuum International, 1973, Volume I page 401.
- ↑
James Douglas Grant Dunn,
Jesus Remembered
, p. 344; E. P. Sanders,
The Historical Figure of Jesus
, Penguin, 1993, p86
- ↑
Marcus J. Borg,
Meeting Jesus Again for the First Time: The Historical Jesus and the Heart of Contemporary Faith
, (HarperCollins, 1993), page 24.
- ↑
Luke 1:5?36
- ↑
White 2004, pp. 4, 104.
- ↑
http://www.infidels.org/library/modern/richard_carrier/quirinius.html
- ↑
http://bible.cc/matthew/2-5.htm
- ↑
"Archive copy"
. Inarkibo mula sa
ang orihinal
noong 2008-03-10
. Nakuha noong
2012-12-06
.
{{
cite web
}}
: CS1 maint: archived copy as title (
link
) CS1 maint: date auto-translated (
link
)
- ↑
(
Yasna
33.7: "ya sruye pare
magauno
" = " so I can be heard beyond
Magi
")
- ↑
Mary Boyce
,
A History of Zoroastrianism: The Early Period
(Brill, 1989, 2nd ed.), vol. 1, pp. 10?11
online
; Mary Boyce,
Zoroastrians: their religious beliefs and practices
(Routledge, 2001, 2nd ed.), p. 48
online
; Linda Murray,
The Oxford companion to Christian art and architecture
(Oxford University Press, 1996), p. 293; Stephen Mitchell,
A history of the later Roman Empire, AD 284?641: the transformation of the ancient world
(Wiley?Blackwell, 2007), p. 387
online.
- ↑
S.P. Brock, "Christians in the Sasanian Empire", in Stuart Mews (ed.),
Religion and National Identity
, Oxford, Blackwell,
Studies in Church History
(18), 1982, pp.1
19
, p.15; see also Ugo Monneret de Villard,
Le Leggende orientali sui Magi evangelici
, Citta del Vaticano, Biblioteca apostolica vaticana, 1952.
- ↑
Anders Hutgard, "The Magi and the Star: The Persian Background in Texts and Iconography", in Peter Schalk and Michael Stausberg (ed.s),
Being Religious and Living through the Eyes
, Uppsala, Almqvist & Wiksell International, 1998,
Acta Universitatis Upsaliensis: Historia Religionum
(14), pp. 215-225.
- ↑
Herodotus
1.101
- ↑
(
Dandamayev & Medvedskaya 2006
, Median Religion)
- ↑
[1]
Sourcebook for Sundays, Seasons, and Weekdays 2011: The Almanac for Pastoral Liturgy by Corinna Laughlin, Michael R. Prendergast, Robert C. Rabe, Corinna Laughlin, Jill Maria Murdy, Therese Brown, Mary Patricia Storms, Ann E. Degenhard, Jill Maria Murdy, Ann E. Degenhard, Therese Brown, Robert C. Rabe, Mary Patricia Storms, Michael R. Prendergast - LiturgyTrainingPublications, 26 Marso 2010 - page 29
- ↑
The Chronography of 354 AD. Part 12: Commemorations of the Martyrs
?
The Tertullian Project
. 2006. Retrieved 24 Nobyembre 2011.
- ↑
Roll, Susan K.,
Toward the Origins of Christmas
, (Peeters Publishers, 1995), p.133.
- ↑
Newton, Isaac,
Observations on the Prophecies of Daniel, and the Apocalypse of St. John
(1733). Ch. XI. A sun connection is possible because Christians consider Jesus to be the "Sun of righteousness" prophesied in Malachi 4:2.
- ↑
Robert Laurence Moore (1994).
Selling God: American religion in the marketplace of culture
.
Oxford University Press
. p.
205
.
When the Catholic Church in the fourth century singled out Disyembre 25 as the birth date of Christ, it tried to stamp out the saturnalia common to the solstice season.
{{
cite book
}}
: CS1 maint: date auto-translated (
link
)
- ↑
Merriam-Webster's Collegiate Encyclopedia
.
Merriam Webster
. 2000. p.
1211
.
Christian missionaries frequently sought to stamp out pagan practices by building churches on the sites of pagan shrines or by associated Christian holidays with pagan rituals (eg. linking -Christmas with the celebration of the winter solstice).
{{
cite book
}}
: CS1 maint: date auto-translated (
link
)
- ↑
"
Christmas
Naka-arkibo
2009-08-31 sa
Wayback Machine
.",
Encarta
Roll, Susan K. (1995).
Toward the Origins of Christmas
. Peeters Publishers. p. 130.
{{
cite book
}}
: CS1 maint: date auto-translated (
link
)
Tighe, William J., "
Calculating Christmas
".
Archived
2009-10-31.
- ↑
"Archive copy"
. Inarkibo mula sa
ang orihinal
noong 2012-10-27
. Nakuha noong
2012-12-06
.
{{
cite web
}}
: CS1 maint: archived copy as title (
link
) CS1 maint: date auto-translated (
link
)
- ↑
The Origin of the American Christmas Myth and Customs
?
Ball State University
. Swartz Jr., BK. Archived version retrieved 2011-10-19.
- ↑
KELEMEN, LAWRENCE.
"The History of Christmas"
. SimpleToRemember.com
. Nakuha noong
2 Nobyembre
2012
.
{{
cite web
}}
: CS1 maint: date auto-translated (
link
)
- ↑
Nissenbaum, Stephen (1997).
The battle for Christmas
(1st Vintage Books ed. pat.). New York: Vintage Books. pp.
3
-4.
ISBN
9780679740384
.
CS1 maint: date auto-translated (
link
)
- ↑
Joseph, Ruben (2011).
Why Are The Young People Leaving The Church
. Xlibris, Corp.
ISBN
978-1465343796
.
{{
cite book
}}
: CS1 maint: date auto-translated (
link
)
May kaugnay na midya ang Wikimedia Commons tungkol sa artikulong: