Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang
wikang pasenyas
o
wikang pakumpas
ay isang
sistema ng komunikasyon
na ipinamamalit ang mga kilos ng kamay o mga bahagi ng katawan para sa pagsasalita, na natatanging ginagamit ng mga
bingi
at
pipi
. Karamihan sa iba't ibang mga bansa ay may kani-kaniyang mga wikang pasenyas. Halimbawa, ginagamit sa
Pilipinas
ang
Pilipinong wikang pasenyas
, habang ginagamit naman sa
Estados Unidos
ang
Amerikanong wikang pasenyas
. Marami sa mga nakakarinig na mga tao ang makapipili na matuto ng wikang pasenyas - minsan upang makausap ang mga taong bingi, minsan dahil mayroon silang kaibigang bingi o may isang binging taong kasapi sa kanilang mag-anak, o nabighani lamang sila sa wikang pasenyas. Maaaring matutunan ang wikang pakumpas sa pamamagitan ng pagpunta sa isang
klase
at matutunan ito mula sa isang pangkat ng mga tao. May ibang mga tao na maaaring matuto ng wikang pasenyas mula sa isang aklat, na maaaring may kasamang interaktibong DVD upang mabigyan ng kakayanang mapag-aralan ng mga estudyante ang wikang pasenyas.
Maaaring maunawaan ng mga taong hindi makarinig ang pagsasalita sa pamamagitan ng pagtingin sa mga galaw ng mga labi ng taong nagsasalita, kung nasa piling sila ng mga taong may pandinig na hindi gumagamit ng wikang pakumpas. Tinatawag itong
pagbasa ng labi
. Kung minsan, nagbabasa ng mga labi ang mga taong nakakarinig kapag sinusubok nilang makakuha ng kabatiran subalit wala sila sa kaparehong silid.
Ang lathalaing ito na tungkol sa
Wika
ay isang
usbong
. Makatutulong ka sa
Wikipedia
sa
pagpapalawig
nito.