Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
edit
Ang Portada ng Agham
Ang
agham
o
siyensiya
ay kapwa ang proseso sa pagtamo ng kaalaman at ang organisadong bahagi ng kaalaman na natamo sa pamamagitan ng pamamaraan nito. Ang prosesong makaagham (
scientific process
) ay ang sistematikong pagtamo ng bagong
kaalaman
tungkol sa isang
sistema
. Karaniwan, ang
pamamaraang makaagham
(
scientific method
) ay ang sistematikong pagtamo, at ang
kalikasan
at iba't ibang bahagi nito ang siyang sistema. Ang agham ay itinuturing din na ang makaagham na kaalaman na sistemikong natamo ng makaagham na prosesong ito.
Ang
alkimiya
ay isang sinaunang mala-agham na may elemento ng
kimika
,
pisika
,
astrolohiya
,
sining
,
semiotika
,
metalurhiya
,
medisina
,
mistisismo
, at
relihiyon
. Tatlo ang pangunahing layunin ng maraming alkimiko. Isa sa pinakakilala rito ay ang layuning makagawa ng ginto o ng pilak mula sa ano mang karaniwang
metal
sa pamamagitan ng
transmutasyon
(pagbabagong-anyo). Sinubukan din nilang gumawa ng isang tanging gamot na makapagpapagaling sa lahat ng sakit at magpapahaba ng buhay. Isa rito ay ang paggamit ng
bato ng pilosopo
. Ang maalamat na batong ito, na maaaring ring pulbos o likido, ay may katangian daw gawin ang dalawang nasabi. Ang paglalang ng buhay ng tao ang ikatlong layunin nito. Sinasabing ang alkimiya ang siyang pinagmulan ng makabagong agham ng
kimika
bago ang pormulasasyon ng makaagham na pamamaraan.
Ang karaniwang paniniwala na mga huwad na siyentipiko ang mga alkimiko na nagsikap makagawa ng ginto mula sa tingga, at naniwalang ang lahat ng bagay ay binubuo ng
apat na elemento
:
lupa
,
hangin
,
apoy
at
tubig
, at ang kanilang gawa ay nasasamahan ng
mistisismo
at
salamangka
. Sa kasalukuyang paningin, ang kanilang mga gawa at paniniwala ay maliit sa katotohanan; ngunit kung may matuwid tayo, ating hatulan sila sa mga pangyayari noong kapanahunan nila. Sila ang mga naunang sumubok na manaliksik sa kalikasan bago pa man dumating ang mga kagamitan at panuntunan pang-
agham
. Sa halip, sila'y sumunod sa mga karaniwang tuntunin, kaugalian, obserbasyon at mistisismo upang maipaliwanag ang mga bagay sa paligid nila.
Ang
Buwan
ang tanging
likas na satelayt
ng
Daigdig
. Wala itong pormal na pangalan at tinatawag lang itong "Ang Buwan" ngunit paminsanminsan ay tinatawag din itong
Luna
(
Latin
ng
buwan
) upang maiba sa pangkalahatang tawag na "
buwan
".
Itinatampok na Biyograpiya
Purge server cache
|