Si
Margaret Hilda Thatcher, Baronesa Thatcher
,
LG
,
OM
,
PC
,
FRS
(ipinanganak noong 13 Oktubre 1925 - namatay noong 8 Abril 2013) ay isang politikong
Ingles
na kasapi ng
Partidong Konserbatibo
, ang pinakamahabang naglingkod (1979-1990) na Punong Ministro ng
Nagkakaisang Kaharian
noong ika-20 dantaon, at ang kaisa-isang babaeng humawak ng posisyong iyon.
[1]
Isang mamahayag na
Sobyet
ang nagbansang sa kanya bilang
Iron Lady
(Babaeng Bakal), isang palayaw na ikinabit sa kaniya dahil sa uri ng kanyang pamumuno. Ang bansag ay ibinigay sa kaniya ng isang mamamahayag na mula sa
Unyong Sobyet
.
[2]
Bilang Punong Ministro, nagpatupad siya ng mga polisiyang konserbatibo na kilala sa tawag na
Thatcherismo
.
Noong 1982, inatasan ni Thatcher ang mga tropa ng
Hukbong Panlupa ng Britanya
na bumalik sa
Kapuluang Falkland
magmula sa
Arhentina
. Nakuha ng Arhentina ang Kapuluang Falklands sa loob ng maiksing panahon habang nagaganap ang
Digmaan sa Falklands
. Nagkaroon si Thatcher ng katayuan bilang pangalawang may pinakamahabang isang termino o tagal ng pagganap sa tungkulin bilang punong ministro sa kasaysayan. Kasal siya kay
Denis Thatcher
, at nagkaroon sila ng mga anak na kambal: ang isa ay lalaki na si
Mark Thatcher
at ang isa pa ay babae, si
Carol Thatcher
.
[3]
Nahirapan siya dahil sa malakas na pagsalungat noong naganap ang isang
strike
(pagwewelga) ng mga mangmimina noong 1984 at noong 1985, isang kaganapan na nagtanggal ng kapangyarihang pampolitika mula sa unyon ng mga minero ng uling. Nagkaroon din ng kontrobersiya nang ipakilala niya sa Britanya ang
poll tax
(isang uri ng buwis na ipinapataw sa bawat isang tao, ayon sa sensus). Nagsanhi ito ng mga kaguluhan (mga
riot
) sa maraming mga lugar sa bansa. Ang mga panggugulong ito ang naging dahilan kung napalitan si Thatcher ni
John Major
noong 1990. Noong 1992, siya ay naging Baronesa Thatcher ng Kesteven, at nasali sa
Kabahayan ng mga Panginoon
.
[4]
Noong kapanahunan ng mga taon na nanunungkulan si Thatcher bilang punong ministro, tumaas ang antas ng mga taong walang mga trabaho, na dumoble noong unang termino niya, at umabot sa 3 mga milyon noong 1982. Nagsimula itong bumabang muli noon lamang sa pagsapit ng hulihan ng dekada ng 1980, at magmula noong kalagitnaan ng dekada ng 1990, nananatili na ang antas sa Britanya ng mababang dami ng tao na walang hanapbuhay, kapag inihambing sa Europang kontinental. Ang mga tagasuporta ni Thatcher ay umaangkin na ito ay resulta ng kaniyang repormang pangkayarian ng pamilihang pangmanggagawa, bagaman sumasang-ayon sa pananaw na ito ng mga sumasalungat.
Malawakang naaalala si Thatcher sa
Nagkakaisang Kaharian
(United Kingdom o UK) dahil sa hindi niya pagkagusto ng kilusan ng
Kaisahang Pangkalakalan
- mas makapangyarihan ang mga
trade union
noong dekada ng 1970, at maraming nagawa si Thatcher upang mabawasan ang impluwensiya ng mga kilusang ito sa katayuan ng industriya sa Britanya.
Sa panghuling mga taon ng kaniyang buhay, nagsimula siyang makaranas at maghirap dahil sa
dementia
at umurong siya magmula sa mga pakikilahok sa madla magmula noong 2002.
[5]
Namatay siya dahil sa isang
stroke
(atakeng serebral) noong 8 Abril 2013.
[6]
Si Margaret Thatcher ang tanging babae na humawak ng mga puwestong pangtungkulin na Punong Ministro at pinuno ng Partidong Konserbatibo (
Conservative Party
).