Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Si
Jiang Zemin
(17 Agosto 1926 - 30 Nobyembre 2022) ay isang politikong Tsino na nagsilbi bilang pangkalahatang kalihim ng
Partidong Komunista
ng Tsina (CCP) mula 1989 hanggang 2002, bilang tagapangulo ng Komisyong Sentral ng Sandatahan mula 1989 hanggang 2004, at bilang pangulo ng Tsina mula 1993 hanggang 2003. Si Jiang ay ang panakamataas na pinuno (paramount leader) ng Tsina mula 1989 hanggang 2002. Siya ang pangunahing pinuno ng ikatlong henerasyon ng Tsinong pamunuan, isa lamang sa apat na pangunahing pinuno kasama sina
Mao Zedong
,
Deng Xiaoping
at
Xi Jinping
.
Hindi niya inaasahan na mapapapunta siya sa kapangyarihan pagkatapos lamang ng
protesta at masaker sa Tiananmen Square noong 1989
, ito'y nangyari nang palitan niya si
Zhao Ziyang
bilang pangkalahatang kalihim ng CCP dahil sa kanyang umano'y suporta sa mga protesta.
[1]
Noong panahong iyon, si Jiang ang pinuno ng partido sa lungsod ng
Shanghai
. Habang patuloy na humihina ang pagkikipagugnayan ng "Walong Nakatatanda" sa mga pulitikang Tsino,
[2]
pinagpatibay ni Jiang ang kanyang hawak para sa kapangyarihan bilang isang "pinaka-pangunahing pinuno" ng bansa noong 1990s. Nang mahimok sa impluwensya sa mga paglalakbay ni Deng Xiaoping noong 1992 , opisyal na ipinakilala ni Jiang ang terminong "sosyalistang ekonomiya ng merkado" sa kanyang talumpati noong ika- 14 na CCP National Congress na ginanap sa huling bahagi ng taong iyon, na nagpapabilis ng "pagbukas at reporma".