Republika ng Korea
大韓民國
大韓民國
Daehan Minguk
|
---|
|
Salawikain:
(弘益人間)
"Kabutihan sa lahat ng sangkatauhan"
|
Awiting Pambansa:
Aegukga
(愛國歌)
"Makabayang awit"
|
|
Kabisera
at pinakamalaking
lungsod
| Seoul
|
---|
Wikang opisyal
| Koreano
|
---|
Opisyal na sistemang pansulat
| Hangul
|
---|
Katawagan
| Timog Koreano, Koreano
|
---|
Pamahalaan
| Republikang
pampanguluhan
|
---|
|
| Yoon Suk-yeol
|
---|
| Han Duck-soo
|
---|
|
Lehislatura
| Pambansang Asemblea
|
---|
|
|
? Kabuuan
| 100,210 km
2
(38,690 mi kuw) (Ika-108)
|
---|
? Katubigan (%)
| 0.3
|
---|
|
? Pagtataya sa 2010
| 48,875,000
[1]
(Ika-24)
|
---|
? Densidad
| 491/km
2
(1,271.7/mi kuw) (
Ika-21
)
|
---|
KDP
(
PLP
)
| Pagtataya sa 2010
|
---|
? Kabuuan
| $1.457 trilyon
[2]
|
---|
? Bawat kapita
| $29,790
[2]
|
---|
KDP
(nominal)
| Pagtataya sa 2010
|
---|
? Kabuuan
| $986.256 bilyon
[2]
|
---|
? Bawat kapita
| $20,165
[2]
|
---|
Gini
(2007)
| 31.3
[3]
katamtaman
|
---|
TKP
(2010)
| 0.877
[4]
napakataas
· Ika-12
|
---|
Salapi
| Won ng Timog Korea
(\) (
KRW
)
|
---|
Sona ng oras
| UTC
+9
(
Pamantayang Oras sa Korea
)
|
---|
| UTC
+9
(
hindi inoobserba
)
|
---|
Ayos ng petsa
| yyyy年 mm月 dd일
yyyy/mm/dd (
CE
)
|
---|
Gilid ng pagmamaneho
| kanan
|
---|
Kodigong pantelepono
| 82
|
---|
Internet TLD
| .kr
|
---|
- Mobile phone system CDMA, WCDMA, HSDPA and WiBro
- Domestic power supply 220V/60 Hz, CEE 7/7 sockets
|
Ang
Timog Korea
[5]
, pantungkulin
Republika ng Korea
[5]
(
Internasyonal
:
Republic of Korea
,
Hangul
: 大韓民國,
Daehan Minguk
), ay isang
bansa
na matatagpuan sa
Silangang Asya
, sa katimugang kalahati ng
Tangway ng Korea
. Karaniwang tinatawag na
Hanguk
(bansang Han; 韓國) o
Namhan
(Timog Han; 南韓) ng mga taga-Timog Korea. Tingnan ang
mga pangalan ng Korea
.
Seoul
(서울) ang
kapital na lungsod
nito. Sa hilaga, matatagpuan ang
Hilagang Korea
, na nabuo bilang
isang bansa
hanggang noong 1945.
Ang Korea ay may mahabang kasaysayan na umaabot ng 4,000 taon, kasama na ang pagbagsak ng mga kaharian at dinastiya. Simula nang sumibol muli bilang isang republikang bansa noong 1948 pagkatapos ng
Ikalawang Digmaang Pandaigdig
, ay naharap ito sa maraming mga pagsubok: ang
Digmaang Korea
, and deka-dekadang pamamahalang awtoritaryan, at pagpapalit ng saligang batas nang limang beses.
Ang ekonomiya ng Timog Korea ay mablis na umangat simula noong 1961 at ngayon ay
ika-15 na pinakamalaki sa buong mundo (halagang nominal)
.
Sa
wikang Koreano
, ang Timog Korea ay tinatawag na
Daehan Min-guk
(Hangul:大韓民國 pakinggan (help·info), Hanja:大韓民國, kahulugan "Dakilang Bansa ng Mamamayang Han"), o Hanguk (韓國) kung paiikliin.
Sa
Wikang Ingles
, ang bansang ito ay kadalasang tinatawag bilang "Korea", na nagmula sa Dinastiyang Goryeo (minsan ay nakabaybay na Koryo), na nanggaling naman sa pangalan ng sinaunang Kaharian ng Goguryeo.
Ang
pamahalaan
ng Timog Korea ay nahahati sa tatlong sangay, ang ehekutibo, lehislatibo at hudikatura. Pangunahing operasyon ng ehekutibo at lehislatibo ang pambansang pamahalaan, ngunit ang ibang sangay ng ehekutibo ay maaari rin magkaroon ng operasyon sa mga lokal na pamahalaan.
Ang mga tuklas ng mga arkeolohiko ay nagsasabi na ang
Tangway ng Korea
ay tinitirahan na ng mga tao noong pang panahon ng
Unang Paleolitiko
.
Ang Korea ay nagsimula nang mabuo ang Joseon (ang pangalang
Gojoseon
ay mas kadalasang ginagamit upang hindi malito sa isa pang Dinastiyang Joseon na nabuo noong ika-14 na dantaon; ang unlaping Go- ay nangangahulugang 'Luma' o 'Sinauna') noong 2333
BCE
ni
Dangun
.
[6]
Ang Gojoseon ay lumawak hanggang sa makontrol na nito ang kabuuan ng tangway ng Korea at ilang bahagi ng
Manchuria
. Pagkatapos ng maraming mga digmaan laban sa Tsinong
Dinastiyang Han
, ang Gojoseon ay bumagsak, at nagsimula ang Panahon ng
Tatlong Kaharian ng Korea
.
Sa unang dantaon ng Pangkaraniwang Panahon, ang
Kaharian ng Buyeo
,
Okjeo
,
Dongye
, at ang konpederasyon ng
Samhan
ay ang mga sumasakop sa tangway ng Korea at sa katimugang bahagi ng Manchuria. Sa mga maliit na mga estado nito, ang
Goguryeo
,
Baekje
, at ang
Silla
ang lumago at kumontrol sa tangway bilang
Tatlong Kaharian ng Korea
. Ang pag-iisa ng Tatlong kaharian sa pamamagitan ng
Pinag-isang Silla
noong 676 ang nagpasimula ng Panahong Hilagag-Timog Estado, kung saan ang karamihan sa tangway ng Korea ay kontrolado ng
Pinag-isang Silla
, samantalang ang
Balhae
ang sumakop sa hilagang bahagi ng Goguryeo. Sa Pinag-isang Silla, ang tula at sining ay pinaunlad, at ang kulturang Budhista ay pinalaganap. Ang relasyon sa pagitan ng Korea at Tsina ay nanatiling mapayapa sa mga panahong ito. Subalit ang Pinag-isang Silla ay humina dahil sa mga panloob na kaguluhan, at sumuko sa
Goryeo
noong 935. Ang
Balhae
, Ang kalapit ng Silla sa hilaga, ang sumakop dito at naging Goguryeo. Noong panahon ng kanilang kaunlaran, kontrolado ng Balhae ang halos lahat ng bahagi ng Manchuria at ilang bahagi ng Rusya. Ito ay bumagsak sa mga Khitan noong 926.
Pagkatapos ng Hilaga-Timog na Panahon, ang mga sumunod na estado dito ay lumaban para sa pamamahala noong huling bahagi ng panahon ng Tatlong Kaharian. Ang tangway ay lumaong pinag-isa ni
Wan Geon
ng
Goryeo
. Gaya ng Silla, ang Goryeo ay isang mataas na estadong kultural at nabuo ang
Jikji
noong 1377, gamit ang pinalumang bakal na gumagalaw na palimbagan.
[7]
Ang
pananakop ng mga Mongol
noong ika-13 dantaon ay labis na nagpahina sa Goryeo. Subalit, ang Goryeo ay napanatiling mamuno sa Korea bilang alyadong sangay ng mga Mongol. Pagkatapos ng pagbagsak ng Emperyong Mongolia (
Dinastiyang Yuan
), ang Goryeo ay nagpatuloy sa pamumuno. Pagkatapos ng maraming kaguluhan at mga sumunod na pananakop, Ang Goryeo ay pinalitan ng
Dinastiyang Joseon
noong 1388 pagkatapos ng rebelyon ni Heneral
Yi Seong-gye
. Inihayag ni Heneral Yi na ang bagong pangalan ng Korea ay Joseon bilang pagkilala sa
Gojoseon
, at inilipat ang kabisera sa
Seoul
. Ang unang 200 taon ng Dinastiyang Joseon ay kinakitaan ng kapayapaan at ang pagkabuo ng
hangul
ni Haring
Sejong
noong ika-14 na dantaon at ang paglaki ng impluwensiya ng
Confucianismo
.
Sa huling bahagi ng ika-16 na dantaon, ang bagong nagkakaisang Hapon ay sinakop ang Joseon. Noong panahon ng
Pananakop ng mga Hapon sa Korea (1592?1599)
, ang ilang dantaon ng kapayaan ay nagdulot sa dinastiya ng hindi kahandaan sa pananakop, at ang kakulangan sa teknolohiya at mahinang pamumuno mula sa
pamahalaang Joseon
at ng mga heneral ang nagdulot ng pagkawasak ng Tangway ng Korea. Subalit, ang patuloy na pagiging dominante ng mga Koreano sa karagatan na pinamumunuan ni
Admiral Yi
, ang paglakas ng mga lokal na sandatahan, at ang pakikialam ng
Tsinang Ming
ay nagdulot sa Hapon ng matinding agam agam at pagsuko noong 1598.
Ngayon, Si Admiral Yi ay pinagdiriwang bilang isa sa pinakadakilang bayani ng Korea at ang kanyang mga barkong pagong, ay matagumpay na nagamit laban sa mga Hapones, at kinonsidera bilang pinakaunang labanang barkong may baluting bakal sa buong daigdig, subalit ang kakulangan sa matibay na katibayan ukol sa mga bakal ay nagdulot ng maraming debate.
Noong huling bahagi ng Dinastiyang Joseon, ang polisiyang isolasyonista ang umani ng pangalang "
Hermit Kingdom
", bilang proteksiyon laban sa kanluraning
imperyalismo
bago ito napilitang magbukas ng kalakalan na nagpasimula rin sa panahon nang pamumunong Kolonyal ng Hapon.
Pagkatapos ng
Ikalawang Digmaang Pandaigdig
, ang mga tropa ng
Unyong Sobyet
at
Estados Unidos
ay kinontrol ang kalahating hilaga at kalahating timog ng bansa.Ang dalawang magkalaban sa
Cold War
ay bumuo ng pamahalaang simpatetiko sa kanilang mga sariling mga ideyolohiya, na nagdulot sa Korea upang mahati sa dalawang pampolitika na bansa; ang
Hilagang Korea
at Timog Korea.
Kahit na nagkaroon ng planong pag-isahin ang Korea noong 1943 ayon sa
Deklarasyon ng Cairo
, ang tumitinding
Cold War
ang nagdulot upang mabuo ang dalawang magkahiwalay na pamahalaan: ang komunistang Hilaga at kapitalistang Timog. Sa Hilaga, isang dating gerilyang laban sa Hapon at mga aktibistang komunista, si
Kim Il-Sung
[8]
at sa Timog, isang pinunong pampolitika na Koreano, si
Syngman Rhee
, ang inilagay bilang mga pangulo.
[9]
Noong 25 Hunyo 1950, nilusob ng
Hilagang Korea
ang Timog na nagdulot ng
Digmaang Koreano
. Binoykot ng Unyong Sobyet ang
Nagkakaisang mga Bansa
noon, kaya walang veto, ay nakapagpahintulot sa UN na pumagitna ito nang maging malala na ang malakas na sandatahang kommunista na maaring madaling masakop ang buong bansa. Ang Unyong Sobyet at ang Tsina ay tumangkilik sa
Hilagang Korea
, at noong huli ay ang pagsali ng angaw na mga tropang sandatahang Tsino. Pagkatapos ng malaking paglusob ng magkadalawang panig, ang digmaan ay lumaon at walang nagwagi. Ang kasunduan noong 1953, na hindi nilagdaan ng Timog Korea, na humati sa tangway sa gitna ng isang pook na walang sandahatang lakas o
demilitarized zone
na malapit sa orihinal na hangganan ng dalawang bansa. Wala talagang kasunduang pangkapayapaan ang nilagdaan, at ang dalawang bansa ay masasabi pa ring na sa digmaan.
[10]
Noong 1960,
isang pagkilos ng mga mag-aaral
ang nagdulot sa pagbitiw ng autokrata at mandarambong na Pangulong si
Syngman Rhee
. Sinundan ito ng panahon ng pagkagulo sa politika, na dulot ng
kudeta
na pinumunuan ni Heneral
Park Chung-hee
laban sa mahina at hindi mabisang pamahalaan noong taong iyon. Si Park ang naging pangulo hanggang siya ay pinaslang noong 1979. Sa kanyang pamumuno, kinakitaan ng mabilis na pag-unlad ng ekonomiya sa sektor ng
export
ang Timog Korea at pati na rin ang matinding pagsupil sa kalayaang pampolitika. Matindi ang naging pagbatikos kay Park bilang isang walang awang militar na diktador, subalit umunlad ang ekonomiyang Koreano noong panahon ng kanyang pamumuno.
Ang mga taon pagkatapos paslangin sa Park ay muling kinakitaan ng kaguluhang pampolitika dahil ang mga dating pinuno ng tagasalungat ay nangampanya upang maging pangulo. Noong 1980, nagkaroon muli ng kudeta, na pinamunuan naman ni Heneral
Chun Doo-hwan
laban sa pamahalaan transisyunal ni Choi Gyu Ha, ang pangulong pansamantala at ang dating punong ministro sa ilalim ni Park. Si Chun ay naging pangulo, at ang kanyang kudeta noong Disyembre 12 ay ang nagpasiklab ng mga protesta sa buong bansa na nagnanais ng
demokrasya
lalo na Lungsod ng Gwangju.
Pinapanatili ng Timog Korea ang relasyong diplomatiko nito sa mahigit 188 na mga bansa. Ang bansa ay naging kasapi ng
mga Nagkakaisang Bansa
simula noong 1991, nang ito ay naging estadong kasapi kasabay ng Hilagang Korea. Noong 1 Enero 2007, ang Ministro panlabas ng Timog Korea na si
Ban Ki-moon
ay tinalagang
Kalihim Panlahat
. Bumuo rin ito ng ugnayan sa
Samahan ng mga Bansa sa Timog-Silangang Asya
bilang kasapi ng
ASEAN Plus Three,
isang tagapagmasid na kinatawan, at sa
East Asia Summit
.
Ayon sa kasaysayan, ang Korea ay may malapit na ugnayan sa
Tsina
. Bago mabuo ang Timog Korea, ang mga lumaban para sa kalayaan ng Korea ay nakipagtulungan sa mga hukbong Tsino noong panahon ng pananakop ng mga Hapon. Subalit, pagkatapos ng
Ikalawang Digmaang Pandaigdig
, niyakap ng
Republikang Popular ng Tsina
ang
Maoismo
samantalang pinili ng Timog Korea ang maging malapit sa Estados Unidos. Tinulungan ng Tsina ang Hilagang Korea sa pagkakaroon ng suplay at sandatahan noong panahong ng
Digmaang Koreano
, at ito ang naging dahilan ng pagkakahinto ng diplomatikong relasyon ng Timog Korea at Tsina. Unti unting nanumbalik ang relasyon ng Timog Korea at Tsina nang pormal na buuin muli ito noong 24 Agosto 1992. HInangad ng dalawang bansa na pagbutihin ang relasyong bilateral at inalis ang apatnapung taong pagpipigil sa kalakalan, at
[11]
ang relasyong Timog Korea-Tsina ay napabuti simula noong 1992.
[11]
Pinutol ng Timog Korea ang opisyal na relasyon nito sa
Republika ng Tsina
(Taiwan) nang makuha nito ang opisyal na relasyon sa
Republikang Popular ng Tsina
(Tsina).
[12]
Ang Timog Korea ay hinahati sa walong
lalawigan
, isang espesyal na
lalawigan
, anim na lungsod, at isang espesyal na lungsod. Ang pangalan sa baba ay naka
Ingles
,
Hangul
, at
Hanja
.
Kilala ang Timog Korea sa densidad ng populasyon nito, na nasa 487 bawat kilometro parisukat na 10 ulit na mas mataas kaysa sa pandaigdigang pamantungan. Karamihan ng mga Timog Koreano ay nakatira sa mga pook urban, dahil sa mabilis na migrasyon mula sa kayanunan noong mabilis na pagpapalawak ng ekonomiya noong dekada '70, '80 at '90.
[13]
Ang kabiserang lungsod, pinakamalaking lungsod at pangunahing sentro ng industriya ay ang
Seoul
. Ayon sa senso noong 2005, Ang Seoul ay may populasyon na 9.8 milyon. Ang
Kalakhang Seoul
ay may 24.5 milyon nananahan na naging dahilan upang ito ay maging ikalawang pinakamalaking pook metropolitan sa buong daigdig. Ang iba pang pangunahing lungsod ay ang
Busan
(3.5 milyon),
Incheon
(2.5 milyon),
Daegu
(2.5 milyon),
Daejeon
(1.4 milyon),
Gwangju
(1.4 milyon) at
Ulsan
(1 milyon).
[14]
Ang populasyon ay hinubog din ng migrasyong internasyunal. Pagkatapos ng pagkakahati ng tangway ng Korea pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, may tinatayang apat na milyon katao mula Hilagang Korea ang tumawid sa hangganan patungong Timog Korea. Ang kalakarang ito ay nabaligtad naman pagkatapos ng apatnapung taon dahil naman sa paglabas ng mga nananahan dito patungo sa ibang bansa, lalo na sa
Estados Unidos
at
Canada
. Ang populasyon ng Timog Korea noong 1960 ay nasa 25 milyon.
[15]
Ang kasalukuyang populasyon ng Timog Korea ay tinatayang nasa 49,540,000.
[16]
Ang lipunang Timog Koreano ay magkakatulad na may 98 bahagdan ng mga nananahan dito ay may etnisidad na
Koreano
.
[17]
Datapwat maliit, ang bahagdan ng mga hindi Koreano ay tumataas.
[18]
Noong 2009, mayroong 1,106,884 banyagang residente ang Timog Korea, doble kung ihahambing sa kabuuang bilang noong 2006. 56.5% ng mga ito ay mula sa
mga migranteng galing sa Republikang Popular ng Tsina
, ngunit karamihan sa kanila ay mga
Joseonjok
, o mga mamamayan ng RPT na may lahing Koreano.
[19]
Ang tinatayang 33,000 mga
migranteng Mongolian
ay pinaniniwalaang pinakamalaking komunidad ng mga mamamayang Mongolian sa ibang bansa
[20]
[21]
Isa pang kilalang pangkat ay ang mga babae mul sa
Timog Silangang Asya
na bumubuo sa 41% ng bagong kasal sa mga magsasakang Koreano noong 2006.
[22]
Mayroon din 31,000 tauhang militar ng Estados Unidos sa Timog Korea.
[23]
Dagdag pa dito, may 43,000 mga guro ng Ingles mula sa Estados Unidos, Canada, Australia, New Zealand, United Kingdom, Ireland, at Timog Aprika na pansamantalang naninirahan sa Korea.
[24]
Ang antas ng panganganak sa Timog Korea ay pinakamababa sa buong mundo.
[25]
Kung ito ay magpapatuloy, ang populasyon ay inaasahang bumaba ng 13 bahagdan at aabot sa 42.3 milyon pagdating ng 2050,
[26]
Ang taunang antas ng panganganak sa Timog Korea ay halos nasa 9 na pinapanganak sa bawat 1000 katao.
[27]
Ang pamantungan inaasahang haba ng buhay noong 2008 ay nasa 79.10 gulang,
[28]
kung sa an ika-40 sa buong mundo
[29]
|
|
Ranggo
|
Pangalan
|
Lalawigan
|
Pop.
|
Ranggo
|
Pangalan
|
Lalawigan
|
Pop.
|
|
Seoul
Busan
|
1
|
Seoul
|
Seoul
|
9,904,312
|
11
|
Yongin
|
Gyeonggi
|
971,327
|
Incheon
Daegu
|
2
|
Busan
|
Busan
|
3,448,737
|
12
|
Seongnam
|
Gyeonggi
|
948,757
|
3
|
Incheon
|
Incheon
|
2,890,451
|
13
|
Bucheon
|
Gyeonggi
|
843,794
|
4
|
Daegu
|
Daegu
|
2,446,052
|
14
|
Cheongju
|
Hilagang Chungcheong
|
833,276
|
5
|
Daejeon
|
Daejeon
|
1,538,394
|
15
|
Ansan
|
Gyeonggi
|
747,035
|
6
|
Gwangju
|
Gwangju
|
1,502,881
|
16
|
Jeonju
|
Hilagang Jeolla
|
658,172
|
7
|
Suwon
|
Gyeonggi
|
1,194,313
|
17
|
Cheonan
|
Timog Chungcheong
|
629,062
|
8
|
Ulsan
|
Ulsan
|
1,166,615
|
18
|
Namyangju
|
Gyeonggi
|
629,061
|
9
|
Changwon
|
Timog Gyeongsang
|
1,059,241
|
19
|
Hwaseong
|
Gyeonggi
|
608,725
|
10
|
Goyang
|
Gyeonggi
|
990,073
|
20
|
Anyang
|
Gyeonggi
|
585,177
|
- ↑
"總人口, 人口成長率 : 指標詳細化면"
. Index.go.kr
. Nakuha noong
2010-10-29
.
{{
cite web
}}
: CS1 maint: date auto-translated (
link
)
- ↑
2.0
2.1
2.2
2.3
"South Korea"
. International Monetary Fund
. Nakuha noong
2010-04-21
.
{{
cite web
}}
: CS1 maint: date auto-translated (
link
)
- ↑
Gini index
Naka-arkibo
2007-06-13 sa
Wayback Machine
. CIA World Fact Book
- ↑
"Human Development Report 2010"
(PDF)
. United Nations. 2010. Inarkibo mula sa
ang orihinal
(PDF)
noong 2010-11-21
. Nakuha noong
5 Nobyembre
2010
.
{{
cite web
}}
: CS1 maint: date auto-translated (
link
)
- ↑
5.0
5.1
Andrea (tagapagsalin).
"Korea," "Hilagang Korea," "Timog Korea," "Koreano,"
mga salitang ginamit sa balitang "H.Korea, puputulin ang daang panlupa nila ng T.Korea," China Radio International - Filipino, Filipino.CRI.cn
- ↑
Kasaysayan ng Korea (Ko-Choson, Ang Tatlong Kaharian, Kaharian ng Parhae, Pinag-isang Shilla, Dinastiyang Koryo, Panahong Kolonyal, Pakikipaglaban sa Kalayaan, Pamahalaang Probisyunal ng Korea, Hukbong Sandatahng Pangkalayaan, Republika ng Korea,)
- ↑
URL_ID=3946&URL_DO=DO_TOPIC&URL_SECTION=201.html World's oldest printed Doc
- ↑
"Kim Il Sung. The Columbia Encyclopedia, Sixth Edition. 2001-07"
. Inarkibo mula sa
ang orihinal
noong 2009-06-04
. Nakuha noong
2009-03-07
.
{{
cite web
}}
: CS1 maint: date auto-translated (
link
)
- ↑
"Rhee, Syngman. The Columbia Encyclopedia, Sixth Edition. 2001-07"
. Inarkibo mula sa
ang orihinal
noong 2009-06-04
. Nakuha noong
2009-03-07
.
{{
cite web
}}
: CS1 maint: date auto-translated (
link
)
- ↑
"South Korea"
.
US Department of State
. Nakuha noong
2006-09-16
.
{{
cite web
}}
: CS1 maint: date auto-translated (
link
)
- ↑
11.0
11.1
"Asia Times ? News and analysis from Korea; North and South"
. Atimes.com. 2004-09-11. Inarkibo mula sa
ang orihinal
noong 2009-04-02
. Nakuha noong
2010-04-25
.
{{
cite web
}}
: CS1 maint: date auto-translated (
link
)
- ↑
South Korea
Naka-arkibo
2015-07-03 sa
Wayback Machine
. CIA World Factbook
- ↑
"South Korea"
.
CIA Country Studies
. Nakuha noong
2006-04-22
.
{{
cite web
}}
: CS1 maint: date auto-translated (
link
)
- ↑
Populations for all cities as of 2005,
"Summary of Census Population (by administrative district/sex/age)"
.
NSO Database
. Nakuha noong
2009-05-11
.
{{
cite web
}}
: CS1 maint: date auto-translated (
link
)
[
patay na link
]
- ↑
World Population Prospects: The 2006 Revision
Naka-arkibo
2020-04-21 sa
Wayback Machine
.. Source:
Population Division of the Department of Economic and Social Affairs of the United Nations Secretariat.
- ↑
"2008年 12月 31日 基準 住民登錄人口 및 世代"
.
Korea National Statistical Office
. Nakuha noong
2009-04-08
.
{{
cite web
}}
: CS1 maint: date auto-translated (
link
)
[
patay na link
]
- ↑
South Korea
Naka-arkibo
2015-07-03 sa
Wayback Machine
.. CIA ? The World Factbook.
- ↑
"
South Koreans Struggle With Race
". The New York Times. 1 Nobyembre 2009.
- ↑
"More Than 1 Million Foreigners Live in Korea"
,
Chosun Ilbo
, 2009-08-06
, nakuha noong
2009-10-18
{{
citation
}}
: CS1 maint: date auto-translated (
link
)
- ↑
"Mongolians, Koreans share ancient bonds"
,
Taipei Times
, 2003-10-13
, nakuha noong
2007-08-17
{{
citation
}}
: CS1 maint: date auto-translated (
link
)
- ↑
"Sea Breeze Helps Korea's Mongolians Speak with One Voice"
,
The Chosun Ilbo
, 2005-03-29, inarkibo mula sa
ang orihinal
noong 2008-05-29
, nakuha noong
2007-09-05
{{
citation
}}
: CS1 maint: date auto-translated (
link
)
- ↑
INSIDE JoongAng Daily
- ↑
US military figures as of 2005, from
[1]
Naka-arkibo
2010-02-09 sa
Wayback Machine
. (
Excel
file) Tim Kane Global US Troop Deployment, 1950?2003
- ↑
"Foreign Teachers Unenthusiastic Over Culture Course"
. Koreatimes.co.kr. 2009-11-26
. Nakuha noong
2010-02-18
.
{{
cite web
}}
: CS1 maint: date auto-translated (
link
)
- ↑
South Korea's birthrate world’s lowest - koreatimes.co.kr
- ↑
South Korea: Lowest Birthrate in the World - LifeSiteNews.com
- ↑
"South Korea"
.
CIA World Factbook
. 26 Hunyo 2009
. Nakuha noong
4 Hulyo
2009
.
{{
cite web
}}
: CS1 maint: date auto-translated (
link
)
[
patay na link
]
[
patay na link
]
- ↑
CIA ? The World Factbook 2008
Naka-arkibo
2014-05-28 sa
Wayback Machine
. ? Rank Order ? Life expectancy at birth
- ↑
"Archive copy"
. Inarkibo mula sa
ang orihinal
noong 2018-12-26
. Nakuha noong
2010-04-06
.
{{
cite web
}}
: CS1 maint: archived copy as title (
link
) CS1 maint: date auto-translated (
link
)
- ↑
"2015年 人口住宅總調査 全數集計結果 報道資料"
[2015 Population and Housing Census].
Statistics Korea
.
|
---|
Pandaigdigan
| |
---|
Pambansa
| |
---|
Heograpiko
| |
---|
Akademya
| |
---|
Tao
| |
---|
Iba pa
| |
---|