Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Si
Santa Juana ng Arko
(
Pranses
:
Jeanne d’Arc
,
Ingles
:
Joan of Arc
) (
Enero
[1]
1412 ? 30 Mayo 1431) ay isa sa mga pambansang
bayani
ng
Pransiya
at isang
Santo
ng
Simbahang Katoliko
. Sa
Mayo 30
ang araw ng kanyang pista.
Ipinanganak si Juana sa bayan ng Domremy (ngayo'y
Domremy-la-Pucelle
, o Domremy ng Dalagita), Pransiya noong Enero 6 o 16, 1412. Noong bata pa siya, naririnig na niya ang mga boses nina San Miguel Arkanghel, Sta. Katrina, at Sta. Margaret, at isinabi nang mga ito na ipagtanggol niya ang Pransiya mula sa pananakop ng mga
Ingles
. Sinundan niya ang utos ng mga tinig at nagbihis lalaki siya't sumapi sa Sandatahang Real ng Pransiya. Isa sa mga himalang nagawa niya ay kilalalin si Carlos, ang
Dauphin
(pagbigkas:
DOfan
) o prinsipe ng Pransiya na naging si haring
Carlos VII
. Sa isang okasyon, sa halip ng pagbihis ni Carlos sa karaniwan niyang mga damit bilang
Dauphin
ay nagdamit siya ng pangkaraniwang tao at nakipag-halubilo siya sa maraming tao. Kaagad-agad siyang nabuking ni Juana, at inalay ng dalagita ang kaniyang mga serbisyong pansandatahan sa Dauphin. Sa gulang na 17 taon, naging pinuno siya ng Sandatahang Real ng Pransiya at matagumpay na iniligtas ang lungsod ng
Orleans
mula sa mga Ingles.
Hinuli siya ng mga kalaban niya at ibinenta sa mga Ingles at pagkatapos ng isang
paglilitis
, sinunog siya sa bayan ng Rouen nang dahil sa krimen ng heresiya at pagiging mangkukulam noong 30 Mayo 1431. Si Juana ay 19 taong gulang pa lamang noong siya'y ibinitay. Isa pang paglilitis ay isinagawa pagkatapos ng kamatayan ni Juana, at idineklara siyang walang sala noong 7 Hulyo 1456. Ginawa siyang Santa ng Simbahang Katoliko ni Santo Papa
Benedicto XV
noong 16 Mayo 1920.
Dagdag pa sa kaniyang pagiging Banal sa Simbahang Katoliko at patron ng ilang mga bagay-bagay, isa siyang pambansang bayani sa kaniyang katutubong Pransiya, at isang modelo para sa mga babae. Ang isang mahahalintulad dito kay Santa Juana ay si
Gabriela Silang
, binansagang "Ang Juana ng Arko ng
Ilokos
".
May kaugnay na midya tungkol sa
Jeanne d’Arc
ang Wikimedia Commons.
Nasa ibang wika ang mga sumusunod na mga kawi (karamihan sa Ingles):
|
---|
Pandaigdigan
| |
---|
Pambansa
| |
---|
Akademya
| |
---|
Artista
| |
---|
Tao
| |
---|
Iba pa
| |
---|