Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang
eroplano
ay isang uri ng
sasakyang panghimpapawid
ngunit mas mabigat kaysa
hangin
. May
pakpak
ang lahat ng mga salipawpaw.
Glayder
,
palutang
,
patangay
,
salimbay
, o
salibad
[1]
ang tawag sa mga eroplanong walang
makina
o motor, sapagkat sumasabay at nagpapatangay lamang sa ihip ng hangin. Bagaman isang uri ng
salimpapaw
ang salipawpaw, minsang tinatawag din itong
salipawpaw
o
salimpawpaw
sa mapangkamalawakang diwa ng salita.
Isang eroplanong walang lulang tao, na pinapaandar ng singaw at may timbang na 9 na libra
[2]
, ang nilikha ni
John Stringfellow
noong 1848. Nakakalipad ito sa pamamagitan ng sarili lamang na hindi kinakailangang ihulog mula sa himpapawid. Bago ito, mayroon nang mga glayder, ngunit kailangang itulak ang mga ito mula sa isang gusali o
burol
upang mapalipad.
Naganap ang unang pagpapalipad ang isang tao ng isang eroplanong pinapagana ng motor noong 1903 sa Kitty Hawk,
Estados Unidos
na isinagawa ni
Orville Wright
. Pumailanlang si Wright mula sa lupa, minaneho ang salipawpaw, at pinalapag ito pabalik sa lupa. Subalit hindi lubos na makontrol ang eroplanong ito na tinaguriang
Flyer 1
(katumbas ng "Manlilipad 1" o "Tagalipad 1").
[3]
Ang
Brasilenyong
si
Alberto Santos Dumont
ang nag-imbento ng unang eroplanong may makina, nakokontrol, at napapanatili ang kapangyarihan ng pagkontrol, noong 1906 sa
Paris
,
Pransiya
.
- ↑
English, Leo James
(1977).
"Salimbay, salibad"
.
Tagalog-English Dictionary
(sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer.
ISBN
9710810731
.
{{
cite ensiklopedya
}}
: CS1 maint: date auto-translated (
link
)
- ↑
High Hopes for Replica Plane
, BBC News, Inglatera, UK, BBC.co.uk, 10 Oktubre 2001
- ↑
"Telegram from Orville Wright in Kitty Hawk, North Carolina, to His Father Announcing Four Successful Flights, 1903 Disyembre 17"
.
World Digital Library
. 1903-12-17
. Nakuha noong
2013-07-21
.
{{
cite web
}}
: CS1 maint: date auto-translated (
link
)
Ang lathalaing ito ay isang
usbong
. Makatutulong ka sa
Wikipedia
sa
pagpapalawig
nito.