The
Dekada 2010
ay isang
dekada
ng
kalendaryong Gregoryano
na nagsimula noong 1 Enero 2010, at nagtapos noong 31 Disyembre 2019.
Nagsimula ang dekada sa gitna ng isang
pandaigdigang krisis sa pananalapi
at mga sumunod na mga internasyunal na resesyon na nagsimula noong huling bahagi ng
dekada 2000
. Ang nagresultang krisis ng soberanong-utang sa Europa ay mas naging malakas sa maagang bahagi ng dekada at nagpatuloy na makaapekto sa posibilidad ng isang pandaigdigang pagbawi sa
ekonomiya
. Nagdulot ang mga isyung ekonomiko, tulad ng pagkamahigpit,
implasyon
, at pagtaas sa presyo ng bilihin, ng pagkabagabag sa maraming bansa, kabilang ang 15-M at mga kilusang Pag-okupa.
[1]
Lumago ang mga pagkabagabag sa ilang mga bansa?partikular sa mundong
Arabe
?sa mga sosyoekonomikong krisis na nagdulot ng mga rebolusyon sa
Tunisia
,
[2]
Ehipto
, at
Bahrain
gayon din ang mga digmaang sibil sa
Libya
, Sirya, at
Yemen
sa isang laganap na hindi pangkaraniwang bagay na tinutukoy bilang Primaberang Arabe. Nakita ng paglipat ng mga kaugaliang panlipunan ang malaking pag-unlad ng mga karapatang
LGBT
at representasyon ng
kababaihan
noong dekada na ito, partikular sa Kanluran at ilang bahagi ng
Asya
at
Aprika
.
Nagpatuloy ang
Estados Unidos
sa katayuan nito na pandaigdigang napakamakapangyarihang bansa o
superpower
habang ang
Tsina
, kasama ang malawak na inisyatiba pang-ekonomiya at repormang
militar
, ay naghangad na palawakin ang impluwensya nito sa
Dagat Timog Tsina
at sa
Aprika
, na pinapatibay ang posisyon nito bilang isang umusbong na pandaigdigang napakamakapangyarihang bansa; nagsanib ang pandaigdigang kompetisyon ng Tsina at Estados Unidos sa isang "pagpigil" at isang digmaang
kalakalan
.
Umunlad ang
impormasyong teknolohiya
, sa paglaganap ng mga
smartphone
. Nakita ng
Internet
ng mga bagay (
Internet of things
) ang malaking paglago noong dekada 2010 dahil sa mga kaunlaran sa mga kagamitang
wireless networking
, teleponyang mobil, at
cloud computing
. Napahintulot ng mga kaunlaran sa pagproseso ng datos at ang paggulong ng 4G broadband ang pagkalat ng
datos
at
impormasyon
sa mga dominyo at tulin na hindi pa nakikita.
Pumatok sa takilya ang mga pelikulang superhero (pinakakilala ang
Marvel Cinematic Universe
) at
animasyon
sa dekada ng industriyang sine. Bumama ang bilang ng tagasubaybay ng kaybol habang lumipat ang mga nagkansela ng kanilang subskipsyon sa mas mababang presyong
online streaming
tulad ng
Netflix
, Amazon Prime, Hulu and Disney+. Ang globalismo at ang pagdami ng pangangailangan at personalisasyon sa pagharap ng mg serbisyong
streaming
sa musika tulad Spotify ay naglikha ng maraming sub-tipo. Dumaluyong ang sayaw, hip-hop, at musikang pop sa dekada 2010, kasama ang EDM na natamo ang malawak na tagumpay sa komersyo. Nilagpasan ang benta ng CD ng musikang dihital noong 2012. Patuloy nagdomina ang industriya ng
larong bidyo
ng
Nintendo
,
Sony
, at
Microsoft
; ang
Minecraft
ay ang pinakamabentang laro sa lahat ng panahon. Ang pinakamabentang aklat ng dekadang ito ay ang
Fifty Shades of Grey
.
Ang mga nasa baba ay ang mga pinakamahalagang kaunlarang siyentipiko sa bawat taon, batay sa taunang gawad na Tagumpay ng Taon o
Breakthrough of the Year
ng
American Association for the Advancement of Science
sa talaarawang
Science
.
- 2010: Ang unang makinang kuwantum
[3]
- 2011: Paggamot sa HIV bilang pag-iwas (HPTN 052)
[4]
- 2012: Pagtuklas sa
Higgs boson
[5]
- 2013: Inmunoterapiya kontra
kanser
[6]
- 2014: Kometang misyon na
Rosetta
[7]
- 2015: Kaparaanang pagbabago ng genoma na CRISPR
[8]
- 2016: Ginawa ng
Laser Interferometer Gravitational-Wave Observatory
ang unang pagmasid ng mga alon ng
grabidad
, na isinasakatuparan ang prediksyon ni
Einstein
[9]
- 2017: Kosmikong pagtatagpo: Pagsasama ng bituing nyutron (GW170817)
[10]
- 2018: Pagbuo ng
selula
sa pamamagitan ng selula
[11]
- 2019:
Nakunan
sa unang pagkakataon ang isang
itim na butas
[12]
[13]
Ang
robotika
, partikular ang mga drone, ay nagkaroon ng isang malawak na paggamit at aplikasyon. Nakita ang malaking paglago ng teknolohiya at benta ng de-kuryenteng
kotse
.