Ang
Chile
, opisyal na
Republika ng Chile
, ay bansang matatagpuan sa kanlurang baybayin ng
Timog Amerika
. Ang bansa ay isang makitid na banda ng lupa sa pagitan ng bulubunduking
Andes
at ng
Karagatang Pasipiko
. Hinahanggan ito ng
Argentina
sa silangan,
Bolivia
sa hilagang-silangan, at
Peru
sa hilaga. Ang kabisera at pinakamalaking lungsod nito ay
Santiago
.
Nahahati ang Chile sa 16 rehiyon, bawat isang pinamumunuan ng
intendente
. Nahahati rin ang bawat rehyon sa mga
lalawigan
, bawat isang pinamumunuan ng
Gobernador Provincial
. Nahahati naman ang bawat lalawigan sa iba't ibang
Comunas
, bawat isang pinamumunuan ng mayor. Pinipili ng Presidente ang
intendentes
at
gobernadores
; hinahalal ng mga mamamayan ang mga alkalde.
May pangalan at
bilang Romano
ang bawat rehiyon. Itinatakda ang mga bilang simula sa hilaga patungong timog. Pangkaraniwang ginagamit ang bilang Romano sa halip ng pangalan. Ang hindi saklaw ay ang rehyon kung saan napaparoon ang
Santiago
, na tinatawag na
RM
, na nangangahulugang
Region Metropolitana
.
Bilang isang mahaba at makitid na rehiyong baybay-dagat sa kanluran ng bulubunduking Andes, humahaba ang Chile higit pa sa 4630 km mula hilaga hanggang sa kanluran ngunit lumalapad lang ito nang 430 km sa pinakamalapad nitong bahagi mula silangan hanggang kanluran.
Sagana sa yamang mineral ang hilagang desyertong
Atacama
, pangunahin ang
tanso
at mga
nitrate
. Maliit ang Gitnang Lambak kung ihahambing sa ibang rehiyon ng Chile, ngunit ito ang nangingibabaw sa bansa pagdating sa populasyon at agrikultura. Ang pook ding ito ang sentro pangkasaysayan kung saan lumawak ang Chile noong pangtatapos ng ika-19 na siglo, nang napag-isa ang mga rehiyon sa hilaga at timog. Sagana sa kagubatan at mga lupaing pastulan ang timog Chile at tinutuldukan din ito ng mga
bulkan
at
lawa
. Ang baybaying-dagat ng timog ay isang laberinto ng mga
fyord
,
inlet
,
kanal
, paliku-likong
peninsula
, at
pulo
. Sa silangang hanggananan matatagpuan ang Bulubunduking Andes.
Ang Chile ang pinakamahabang bansa sa mundo pero maganda ito (mas mahaba sa 4200 km), at inaangkin din nito ang isang malaking bahagi ng
Antarctica
bilang bahagi ng territoryo nito
hindi nila kinabibilangan ng sile ang
Easter Island
o Rapanui, ang pinakasilangang pulo ng
Polynesia
, na ipinag-isa sa bansa noong 1888, at ang
Robinson Crusoe Island
, mga 400 km ang layo mula sa kontinente, sa kapuluang
Juan Fernandez
.
Mahigit-kumulang 95% ng Chilenos (
Tsilenos
sa baybay
Tagalog
) ay mga inapi ng mga sinaunang kolonistang Espanyol at, bagaman may dugong
Katutubong Amerikano
(Native American) ang karamihan sa iba’t ibang digri, iilang Chilean lamang ang aamin dito. Karaniwan din ang mga taong halos puro ang dugong Espanyol.
Nasa mga 700 000 ang mga Katutubong Amerikano, karaniwan
Mapuche
, na naninirahan sa timog-gitnang bahagi ng bansa. Naninirahan ang mga
Aymara
at
Quechua
(bigkas /ke·tswa/) malapit sa hilagang hanggan ng Peru at Bolivia. May mga iilan ding dessendiyente ng mga Polynesian na katutubo sa Rapanui sa Pasipiko.
Hindi karamihan ang Chilenos na dessendiyente ng mga Europeong hindi Espanyol. Nabibilang sa mga ito ang isang maliit ngunit maimpluwensiyang bilang ng mga inmigranteng Irlandes at Inggles na dumating sa Chile noong panahong kolonyal. Nagsimula noong 1848 ang inmigrasyon mula sa Alemanya na tinangkilik ng pamahalaan, at paglipas din ng panahon ay nabago ang mukhang kultural ng mga lalawigan ng
Valdivia
,
Llanquihue
, at
Osorno
, na hanggang sa ngayon ay nagpapakita ng malakas na impluwensiyang Aleman. Ilan sa mga iba pang mahahalagang pangkat inmigrante sa kasaysayan ng bansa ay ang mga nagmula sa
Italya
,
Croatia
,
France
, at sa Gitnang-Silangan.
Sa huling dekada nagkaroon ng pagpasok ng mga Koreanong nanirahan sa mga maliliit na seksiyon ng Santiago. Kamakailan lang, nagdulot ang mahirap na sitwasyong pang-ekonomiya sa karating na
Peru
ng migrasyong trans-
Andean
patungong Chile.
Pinakamalalaking mga lungsod o bayan sa
Tsile
|
|
Ranggo
|
Pangalan
|
Rehiyon
|
Pop.
|
|
Santiago Metropolis
Malawakang Valparaiso
|
1
|
Santiago Metropolis
|
Kalakhang Rehiyon ng Santiago
|
5,428,590
|
Malawakang Concepcion
Malawakang La Serena
|
2
|
Malawakang Valparaiso
|
Rehiyon ng Valparaiso
|
803,683
|
3
|
Malawakang Concepcion
|
Rehiyon ng Biobio
|
666,381
|
4
|
Malawakang La Serena
|
Rehiyon ng Coquimbo
|
296,253
|
5
|
Antofagasta
|
Rehiyon ng Antofagasta
|
285,255
|
6
|
Malawakang Temuco
|
Rehiyon ng Araucania
|
260,878
|
7
|
Rancagua conurbation
|
Rehiyon ng O'Higgins
|
236,363
|
8
|
Talca
|
Rehiyon ng Maule
|
191,154
|
9
|
Arica
|
Rehiyon ng Arica at Parinacota
|
175,441
|
10
|
Chillan conurbation
|
Rehiyon ng Biobio
|
165,528
|
Isang importanteng sentro ng kultura sa sinaunang Imperyong
Inca
at ang sumunod na Imperyong Espanyol ang Chile.
Tinatawag ng Chileans (chilenos) ang kanilang bansa na
Pais de Poetas
("lupain ng mga makata"). Nakapaglikha ang bansa ng dalawang lawreado ng
Premyong Nobel sa Literatura
:
Gabriela Mistral
at
Pablo Neruda
. Ilan pa sa mga naglalakihang makata sina:
Vicente Huidobro
,
Pablo de Rokha
,
Gonzalo Rojas
,
Nicanor Parra
,
Juan Luis Martinez
,
Raul Zurita
,
Sergio Badilla Castillo
at
Gonzalo Millan
. Sikat sa daigdig ang mga kuwento ng
magic realism
(realismong mahiko) sa
Latin America
ni
Isabel Allende
. Kapansin-pansin din ang mga nobelistang sina
Jorge Edwards
at
Roberto Bolano
.
Maliit ang lokal na paggawa ng pelikula sa Chile, bagaman kasalukuyan itong lumalaki. Sina
Raul Ruiz
(
Palomita blanca
),
Miguel Littin
(
El chacal de Nahueltoro
),
Silvio Caiozzi
(
Julio comienza en julio
),
Ricardo Larrain
(
La frontera
) and
Andres Wood
(
Machuca
) ang ilan sa mga importanteng tagagawa ng pelikula.
Ang
copihue
(
Lapageria rosea
, bigkas /ko·pi·we/), na tumutubo sa mga kahuyan ng timog Chile, ang pambansang bulaklak.
Inilalarawan sa
pambansang sagisag
ang dalawang pambansang hayop: ang
kondor
(
Vultur gryphus
; isang napakalaking ibong naninirahan sa kabundukan) at ang
huemul
(
Hippocamelus bisulcus,
bigkas /we·mul/), isang nanganganib na usang may puting buntot. Meron din itong inskripsiyong
Por la razon o la fuerza
(
Sa pakiusap o sa dahas
).