Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang
2010
(
MMX
) ay isang karaniwang taon na nagsisimula sa
Biyernes
sa
kalendaryong Gregoryano
. Ito ang ika-2010 na taon ng mga pagtatalagang
Anno Domini
o
Karaniwang Panahon
; ang ika-10 taon ng
ikatlong milenyo
at ang
ika-21 dantaon
; at ang unang taon ng
dekada 2010
.
- Pebrero 3
? Nasawi ang tatlong mga sundalong Amerikano, kasama ang apat na Pakistani, sa isang pagtitiwakal na pagsasabog na atake sa
Pakistan
.
- Pebrero 11
? Pagkatapos ng pitong buwan ng matinding labanan, nagkasundo ang pamahalaan ng
Yemen
at rebeldeng Houthi sa isang tigil-putukan.
[2]
[3]
- Pebrero 12
?
28
? Ginanap ang
Palarong Olimpiko sa Taglamig 2010
sa
Vancouver
at
Whistler
sa
British Columbia
,
Canada
.
- Pebrero 12
? Inilunsad ang opensiba ng maramihang-bansa sa
Afghanistan
kung saan sinalakay ng libu-libong tropang Amerikano,
Afghan
, at Briton, sa bilang na 6,000, ang lungsod ng Marja sa pagtatangkang wasakin ang huling kuta ng
Taliban
.
- Pebrero 15
? Nadakip ang punong militar komandante ng
Taliban
na si Mullah Abdul Ghani Baradar sa
Karachi
,
Pakistan
sa isang lihim na pinagsamang operasyon ng intelihenteng puwersa
Amerika
at
Pakistan
.
- Pebrero 22
? Inilunsad ng Espesyal na Puwersa ng
Estados Unidos
ang pag-atake sa ere ng
NATO
sa
Kabul
,
Afghanistan
, na umasinta sa mga manghihimagsik, at aksidenteng pumatay ng 27 sibilyang Afghan.
- Pebrero 27
? Niyanig ng
8.8 kalakhang lindol
ang
Tsile
, na nagbunsod ng mga
tsunami
sa
Pasipiko
at kumitil ng umaabot sa 708 katao,
[4]
bagama't ayon sa tala ng
United States Geological Survey
, ang bilang ng kumpirmadong nasawi ay 547.
- Marso 7
? Idinaos ang Halalan Parlamentaryo sa
Iraq
, kung saan nakakuha ang Pambansang Kilusan ng mga taga-Iraq, na pinamumunuan nidating punong ministro Ayad Allawi ng pinakamaraming boto at ng 91 sa 325 upuan sa Parlamento, batay sa pinakahuling resulta nito noong Marso 29. Naganap rin sa bansa ang pagsabog ng dalawang bomba sa kasagsagan ng halalan na pumatay ng hindi bababa sa 38 katao.
- Marso 14
?
Estados Unidos
ː Sinimulan ng opisyal ng Departamento ng Depensa ng Estados Unidos na si Michael Furlong ang isang grupo ng mga kontratista upang subaybayan at pumatay ng mga militante sa
Pakistan
at
Afghanistan
.
- Marso 20
?
Iceland
ː
Eyjafjallajokull
, unang yugto ng pagsabog. Abril 14, ang abong bulkaniko mula sa isa sa mga pagsabog sa ilalim ng Bundok
Eyjafjallajokull
, ang takip na yelo sa naturang bansa, ay nagbunga ng ulap na abo, at nagsimulang gumambala ng paglalakbay sa himpapawid sa buong hilaga at kanlurang
Europa
.
- Marso 24
? Nagkasundo ang
Estados Unidos
at
Rusya
na ibaba ang limitasyon sa pinalawak na mga estratehikong
warhead
at
launcher
ng 25% at 50%, ayon sa pagkakasunod, at ipatupad rin ang isang bagong rehimeng inspeksyon.
- Marso 26
?
Timog
at
Hilagang Korea
ː
Lumubog sa pinag-aagawang teritoryo ng dalawang bansa ang
Cheonan
, isang barko (
corvette
) ng hukbong-dagat ng
Republika ng Korea
, na ikinasawi ng 46 mandaragat. Sa isang pagsisiyasat na isinagawa ng militar ng Timog Korea, lumabas na sinira ang barko sa pamamagitan ng isang torpedo ng Hilagang Korea.
- Marso 29
?
Rusya
ː Hiwalay na pinasabog ng dalawang babaeng nagpatitiwakal na pagsasabog ang mga bomba sa dalawang estasyon ng subway sa
Moscow
sa loob lang ng ilang minuto, na ikinasawi ng hindi bababa sa 39 na katao.
- Abril 4
- Sinagip ng tripulanteng nagliligtas ang 34 kataong kabilang sa mga nakulong sa binahang minahan ng karbon sa
Tsina
mula noong Marso 28.
- Niyanig ng 7.2 kalakhang lindol ang mga estado ng
Baja California
,
Mehiko
at
California
,
Estados Unidos
, sa lalim na 10 km at sinasabing nagtagal ng isang minuto,
[5]
na ikinasawi ng dalawang tao.
- Abril 5
- Naglunsad ang mga militante ng isang pag-atake sa Konsulado ng Estados Unidos sa
Pakistan
. Anim na taga-Pakistan ang nasawi at 20 ang nasugatan. Hindi bababa sa limang nagtitiwakal na pagsasabog ang nagsagawa ang pag-atake. Inako ni Azam Tariq, tagapagsalita ng
Pakistani Taliban
, ang responsibilidad sa pag-atake, na aniya'y ganti sa pag-atake ng misil ng Amerika at mga operasyong militar ng Pakistan sa lugar.
- Estados Unidos
ː Nasawi ang hindi bababa sa 25 katao at 4 ang nawawala sa pagsabog sa minahan sa
Kanlurang Virginia
.
- Abril 7
? Nilisan ni Pangulong Kurmanbek Bakiyev ng
Kyrgyzstan
ang kabiserang
Bishkek
sa gitna ng malagim na mga protesta at demonstrasyon. Humalili sa kapangyarihan bilang nag-aaktong pangulo ang dating ministeryo ng panlabas na ugnayan na si Roza Otunbayeva, na gumaganap bilang pinuno ng oposisyon. Halos 70 tao ang namatay at higit sa 400 nasugatan sa girian ng hukbo ng pamahalaan at demonstrador sa mga lansangan, na nag-ugat sa matinding pagtaas sa mga presyo ng bilihin at katiwalian sa pamahalaan.
- Abril 8
? Nilagdaan nina Pangulo
Barack Obama
ng
Estados Unidos
at Pangulo
Dmitry Medvedev
ng
Russia
ang kasunduan sa pagbabawas ng armas at nagkasundong kumilos sa nagkaisang anyo laban sa banta ng programang nukleyar ng
Iran
, na ang kasunduang ito ay tinawag na Bagong Simula o
New Start
.
- Abril 10
-- Nasawi ang 96 katao, kabilang ang Pangulo ng
Polonia
, Lech Kaczynski, at ang kanyang asawa, na lulan ng bumagsak na eroplanong biyahe mula
Polania
sa
Smolensk
,
Rusya
, habang sinusubukang lumapag sa makapal na hamog.
- Abril 14
? Niyanig ng 6.9 magnitud na lindol ang katimugang bahagi ng
lalawigan ng Qinghai
,
China
, na ikinasawi ng 2,968 katao at nasa 10,000 ang sugatan.
- Abril 20
?
Estados Unidos
ː Sumabog ang plataporma ng barenahan ng langis
Deepwater Horizon
sa Gulpo ng Mehiko, na pumatay ng 11 manggagawa. Nagresulta ito sa tinaguriang
Horizon oil spill (Gulf Coast oil spill)
o pagtagas ng langis ng Horizon, isa sa mga pinakamalaki sa kasaysayan, na tumagal ng maraming mga buwan.
- Mayo 1
? Binigyan ng pinansiyal na suporta ng
Unyong Europeo
ang
Gresya
na naharap sa malubhang pinansiyal na paghihirap o pagkabangkarote. Bunsod nito, libu-libo ang nagmartsa sa
Athenas
at iba pang mga lungsod upang tutulan ang plano ng pamahalaan upang bawasan ang paggasta para sa pampublikong-sektor.
- Mayo 3
- Inalok ng Punong Ministro ng
Thailand
na si
Abhisit Vejjajiva
na magdaos ng maagang halalan na isa sa mga pangunahing pangangailangan ng mga raliyista na tapat sa dating punong ministro
Thaksin Shinawatra
, na tinawag na mga
red shirt
o pulang kamiseta, ngunit tinanggihan nila ito.
- Estados Unidos
ː
Nasawi ang hindi bababa sa 24 katao sa matinding pagbaha sa mga bahagi ng
Tennessee
(nagsimula noong Abril 30),
Kentucky
, at
Mississippi
, matapos ang dalawang araw ng matinding pag-ulan.
- Mayo 5
?
New York
,
Estados Unidos
ː Ibinenta ang pintang
Nude, Green Leaves and Bust
ni
Pablo Picasso
sa halagang $106.5 milyon, isang bagong tala sa pagsusubasta ng mga likhang sining.
- Mayo 8
?
Rusya
ː Hindi bababa sa 43 katao ang nasawi sa dalawang pagsabog sa minahan sa
lungsod ng Mezhdurechensk
,
Siberia
.
- Mayo 10
- Mayo 11
? Nahalal bilang Punong Ministro ng
Britanya
si
David Cameron
matapos magbitiw si
Gordon Brown
, na inihayag ng huli noong Mayo 10.
- Mayo 19
- Nagtapos sa isang madugong pagsupil at paghawi ng militar kilussang Pulang Kamiseta o
Red Shirt movement
ang serye ng mga protesta sa
Bangkok
,
Thailand
, na nagsimula pa noong Abril, na humantong sa pagkamatay ng 91 at mahigit sa 1,800 ang nasugatan.
[7]
[8]
[9]
[10]
- Nagkasundo ang
Estados Unidos
,
Rusya
, Ts
ina
, at iba pang bansa na magpataw ang ikaapat na hanay ng mga parusa sa programang nukleyar ng
Iran
, sa isang pagtatangka upang ihinto ang bansa mula sa pagpapasagana ng
uranyo
.
- Mayo 31
- Siyam na tao ang namatay matapos lusubin ng isang kumando ng hukbong-dagat sa Israel ang munting plota ng mga barkong kargamento at mga pampasaherong bangka, na pawang maka-Palestino, na tutungong
Gaza
upang magbigay ng tulong at mga panustos sa lugar.
- Nilamon ng
sinkhole
o uka sa lupa na may 20 metro ang lapad at 204 talampakang malalim, ang isang tatlong-palapag na gusali sa Lungsod ng Guatemala matapos tumama ang Bagyong Agatha sa
Gitnang Amerika
sa ibabaw ng katapusan ng linggo. Ikinasawi ng tatlong tao.
- Hunyo 1
? Siyam na buwan lamang sa kanyang termino bilang Punong Ministro ng
Hapon
, ipinahayag ni
Yukio Hatoyama
ang kanyang pagbibitiw sa tungkulin, ikaapat na punong ministro ng bansa na nagbitiw sa loob lamang ng apat na taon.
- Hunyo 9
? Pandaigdigː Ipinasa ng
Kapulungang Pangkatiwasayan ng Mga Nagkakaisang Bansa
ang isa pang hanay ng mga ipapataw na parusa laban sa programang nukleyar ng Iran sa pag-asang mapigilan pa ito.
- Hunyo 11
?
Hulyo 11
? Ginanap ang
2010 FIFA World Cup
sa
Johannesburg
,
Timog Aprika
. Nagwagi rito ang
Espanya
kontra
Netherlands
, 1-0, kung saan nakapuntos sa bandang huli ang una sa ika-129 minuto sa
overtime
o sobra sa oras ang una na nagpanalo ng kanilang titulo, Hulyo 11.
- Hunyo 11 ?
Estados Unidos
ː Hindi bababa sa 16 mga tao ang nasawi at dose-dosena ang nawawala matapos na hindi inaasahang rumagasa ang baha ang paligid ng kampo sa
Arkansas
.
- Hunyo 13
? Natuklasan ng
Estados Unidos
ang higit sa $1 trilyon sa mga mapagkukunang mineral sa mga bundok ng
Afghanistan
, na napakahigit pa kaysa inaasahan o dating tantiya.
- Hunyo 17
? Tumindi ang mga labanan sa lansangan sa pagitan ng etnikong Kyrgyz at mga minoryang Uzbek sa lungsod ng
Osh
,
Kyrgyzstan
na nag-iwan ng hindi bababa sa 200 katao ang namatay. Tumaas pa ang bilang nito sa 2,000, Hunyo 24.
- Hunyo 20
- Tatlong Kumandong Australyano at isang kawal ng Estados Unidos ang nasawi sa pagbagsak ng isang
helicopter
crash sa baku-bakong lupain sa hilagang
Kandahar
,
Afghanistan
.
- Estados Unidos
ː Sa isang sorpresang tagumpay, nagwagi si Graeme McDowell sa golp na
U.S. Open
sa
Pebble Beach Golf Links
sa
California
.
- Hunyo 30
? Pinasinayaan si
Benigno S. Aquino III
bilang ang ika-15
Pangulo ng Pilipinas
sa Panoorang Quirino, Maynila.
[11]
- Hulyo 3
? Nagwagi ng titulo ang Amerikanong kampeon sa tenis na si
Serena Williams
sa wakas ng Pambabaeng Wimbledon.
- Hulyo 9
? Nagkasundo ang
Estados Unidos
at ng
Rusya
na sumasang-ayon at ipatupad ang palitan ng mga nahuling tiktik, matapos madiskubre at ibilanggo ang 10 Rusong ispiya na nagpapanggap bilang sibilyan sa Estados Unidos.
- Hulyo 11
? Namatay ang hindi bababa sa 70 sa isinagawang mga pambobomba sa grupo ng mga tagahanga ng
soccer
sa
Uganda
, na inako ng
Shabab
, isang grupo ng rebolusyonaryong Islamiko na nag-aalsang pangkat mula
Somalia
.
- Hulyo 18
-- Nasawi ang hindi bababa sa 63 mga tao at sugatan ang higit sa 100 iba pa sa banggaan sa pagitan ng tren na ekspres at pampasaherong tren sa isang himpilan sa
Kanlurang Bengal
,
Indya
.
- Hulyo 24
? Namatay ang 21 katao ay namatay at 500 pa ang nasugatan sa pagpapanakbuhan sa isang pistang musika sa
Alemenya
na tinawag na
Love Parade
.
- Hulyo 25
- Pandaigdigː Isiniwalat sa publiko ng
WikiLeaks
,
isang samahan na naghahanap at naglalathala ng mga sensitibo o mga lihim na datos ng pamahalaan, ang 77,000 lihim na talaksan ng militar ng
Estados Unidos ng Amerika
tungkol sa kaugnayan nito sa Digmaan sa
Afghanistan
.
- France
ː Nagwagi si Alberto Contador sa
Tour de France
.
- Hulyo 26
? Nagsimula ang malawakang pagbaha sa
Pakistan
matapos ang pag-ulang
monsoon
na nagdulot ng pag-apaw ng palanggana ng Ilog Indus, nagpalubog sa baha ng halos sang-kalima ng bansa at ikinasawi ng nasa 2,000 mga tao. Inanunsyo ng pamahalaan na 20 milyong tao ang naapektuhan ng malawakang pagbaha sa bansa, Agosto 14.
- Hulyo 28
? Bumagsak ang eroplanong patungong
Islamabad
,
Pakistan
sa paanan ng kabundukan ng
Himalaya
malapit sa kabisera, na ikinasawi ng lahat ng lulang 152 pasahero at mga miyembro ng tripulante.
- Hulyo ? Isang
Eklipse ng Araw
ay naganap.
- Agosto 3
?
Estados Unidos
ː Sinunog ni Omar Thornton, empleyado, ang imbakan ng pinagtatrabahuang kumpanya na Hartford Distributors sa
Manchester
,
Connecticut
, na ikinasawi niya at 8 iba pa.
- Agosto 5
?
Oktubre 13
?
Chile
ː
Nakulong ang 33 minero sa minahan ng tanso sa San Jose sa ilan ng Atacama
sa bumigay na bahagi ng minahan sa lalim na 2,300 talampakan (700 metro), Agosto 5. Natagpuan at nasagip ang lahat ng mga minero makalipas ang 69 araw (10 linggo), noong Oktubre 12 at 13.
- Agosto 6
? Naitalang higit sa 52 tao na ang nasawi sa higit 800
wildfire
o napakalaking sunog na kumalat sa ibayo ng
Rusya
at nagsimula noong Hunyo.
- Agosto 10
?
Estados Unidos
ː Nasawi ang 4 katao, kabilang ang dating Senador na si Ted Stevens, sa pagbagsak ng isang maliit na eroplano sa liblib na lugar sa
Alaska
.
- Agosto 17
?
Iraq
ː Binomba ng nagtitiwakal na pagsasabog ang isang tanggapan ng Hukbong Iraq, na pumatay ng hindi bababa sa 48 mga bagong kaanib na hukbo at mga sundalo, at 120 iba pa ang nasugatan.
- Agosto 18
? Inihayag ng Departamento ng Estado ng
Estados Unidos
na dadagdagan nito ang presensya ng mga sibilyan kontratista sa taong 2011 habang naghahanda ang militar na iwanan ang bansa.
- Agosto 23
?
Canada
ː Nasunog ang halos 291,700 ektaryang kagubatan sa
British Columbia
.
- Agosto 25
? Setyembre ? Ipo-ipong Earl: Nabuo sa karagatan ng
mga Pulo ng Kabo Berde
noong Agosto 25. Lumakas hanggang Agosto 29, at nanalasa sa hilagang bahagi ng Kapuluang Leeward at puminsala sa lugar. Bumilis noong Setyembre 2. Marami ring nasawi sa
New Jersey
,
Massachusetts
at
Florida
sa
Estados Unidos
dahil sa mga alon sa dagat. Sa
Nova Scotia
at
Canada
kung saan ito tumama sa kalupaan bilang kategorya 1 na ipo-ipo o
hurricane
, isang tao ang nalunod at daang libong katao ang nawalan ng kuryente.
- Agosto 30
?
Mehiko
ː Nadakip si Edgar Valdez Villareal, alyas "El Barbie," notoryus na
kingpin
ng droga, ng Mehikanong Pedera na Pulis malapit sa
Lungsod ng Mehiko
.
[12]
[13]
- Setyembre ?
Mehiko
ː Sinibak ng
Ciudad Juarez
ang 400 tiwaling opisyal ng pulisya kaugnay ng digmaan kontra-droga sa bansa.
- Setyembre 3
? Niyanig ng 7.1 kalakhang lindol ang lungsod ng Christchurch,
Australya
, na nagbunsod ng malawakang pinsala.
- Setyembre 12
? Nakalaya sa piyansang $500,000 ang babaeng Amerikanong tapaglakad na si Sarah Shourd, na nabilanggo sa
Iran
sa kasong paniniktik sa loob ng higit isang taon , kasama ang dalawang lalaking Amerikano na kaibigan nitong sina Shane Bauer at Joshua Fattal.
- Setyembre 28
- Hilagang Korea
ː Pinasigasig ng
Pyongyang
ang pagtitipon upang markahan ang ika-65 anibersaryo ng makapangyarihang Partido Komunista kung saan binasbasan si
Kim Jong Un
bilang kahalili ng kanyang ama, na noo'y may sakit, na si
Kim Jong Il
.
- Gumuho ang lupa sa
rehiyon ng Oaxaca
sa
Mexico
kasunod ng mahabang panahon ng malakas na ulan, na naglibing sa daan-daang mga tahanan. Hindi bababa sa 11 katao ang nawawala.
- Oktubre 4
? Sumabog ang isang imbakan ng putik sa
Hungary
, na nagpakawala ng 200 milyong galon ng nakalalasong putik sa mga kalsada ng tatlong baryo, at ikinasawi ng 8 katao at maraming iba pa ang sugatan.
- Oktubre 11
?
Afghanistan
ː Pinaniniwalaang aksidenteng nasawi ang Britong manggagawang katuwang na si Linda Norgrove, isang bihag ng
Taliban
,
sa isang salakay na nagliligtas ng Amerika.
- Oktubre 17
?
Batikano
ː Kanonisasyon ni
Papa Benito XVI
sa anim na bagong hirang na mga Santo sa Liwasan ni San Pedro:
- Andre Bessette, isang Pranses-Kanadyano na layko ng Kongregasyon ng Banal na Krus mula sa
Can
ada
.
- Candida Maria of Jesus, isang madre at guro mula sa
Espanya
.
- Mary MacKillop
, isang
Romano Katolikong
madre
na mula sa
Australya
na isa sa mga tagapagtatag ng Mga Kapatid na Babae ni San Jose ng Banal na Puso (mga Josefina) na isang kongregasyon ng mga madre.
- Giulia Salzano, isang
Romano Katolikong
madre
mula sa
Italya
na tagapagtatag ng Katetikal na mga Kapatid na Babae ng Banal na Puso ni Jesus.
- Stanisław Kazimierczyk, isang
Romano Katolikong
regular na kanon,
teologo
at
mangangaral
mula sa
Polonia
.
- Camilla Battista da Varano, isang prinsesa, at madre at abadesa ng Orden ni Santa Clare mula sa
Italya
.
- Oktubre 19
- Pransya
ː Nagsagawa ng malawakang welga ang mga nasa 1.1-3.5 milyong tao (pinakamarami sa taong ito) na tumututol sa isang plano na madagdagan ang gulang ng pagreretiro nang dalawang taon,
[14]
bahagi ng serye ng mga welga na nagsimula noong unang bahagi ng taon.
- Mehiko
ː Nasamsam ng Mehikanong puwersang seguridad sa bayan sa hangganan ng Tijuana, ang 105 tonelada ng marijuana na tinangkang ipupuslit patungong
Estados Unidos
, na may tinatayang halagang $340 milyon, noo'y ang pinakaalaking pot bust sa bansa as nakaipas na mga taon.
[15]
- Nagkita ang nangungunang mga kasapi ng
Taliban
sa
Afghanistan
, at si Pangulong
Hamid Karzai
at ang kanyang mga tagapayo, upang talakayin ang pagwawakas ng siyam na taong digmaan sa bansa.
- Oktubre, kalagitnaan --
Reino Unido
ː Ipinahayag ng bagong pamahalaang Konserbatibo sa London ang $128 bilyon na pagtapyas sa badyet, na nagduot ng kalituhan sa publiko.
[16]
- Oktubre 22
? Pandaigdigː Isiniwalat naman ng
WikiLeaks
ang itinuring na pinakamalaking nauuuring pagbubunyag na militar sa kasaysayan. Idinokumento ng 391,832 ulat na tinawag na
The Iraq War Logs
ang digmaan at pananakop sa
Iraq
, mula 2004 hanggang 2009 tulad ng sinabi ng mga sundalo ng Hukbo ng
Estados Unidos
.
[17]
- Oktubre 25
? Ang lindol na may lakas na 7.8 magnitud at ang ibinungang tsunami sa dalampasigan ng
Sumatra
at Isla ng Mentawai (Rehiyon ng Kepulauan Mentawai) sa
Indonesia
. Bilang ng kumpirmadong nasawi ay 503.
- Oktubre 26
? Disyembre ?
Indonesia
ː Nagsimula rin ang ilang linggong pagputok ng Bulkang Merapi sa
Gitnang Java
na pumatay ng mahigit sa 130 katao at nakaapekto sa mga nasa 300,000 mga tao.
- Oktubre 29
? Natagpuan ang hinihinalang parsela na naglalaman ng mga gamit sa pampasabog, sa isang eroplano na nagmula sa
Yemen
at patungong
Estados Unidos
.
- Oktubre 31
?
Iraq
ː Namatay ang 58 katao at marami pa ang sugatan sa pagsalakay ng mga kasapi ng
Al Qaeda
sa isang simbahan sa
Baghdad
.
- Nobyembre 8
? Ipinahayag ni Pangulong
Obama
ang suporta ng
Indya
para sa permanenteng upuan nito sa
Kapulungang Pangkatiwasayan ng Mga Nagkakaisang Bansa
.
- Nobyembre 13
? Pinalaya ang
icon
ng
demokrasya
na si
Aung San Suu Kyi
mula sa aresto sa bahay sa
Myanmar
.
- Nobyembre 16
?
Britanya
ː Nagkasundong magpakasal si Prinsipe William kay
Kate Middleton
.
- Nobyembre 22
- Inihayag ni Punong Ministro Brian Cowen ng
Ireland
na bubuwagin niya ang kanyang pamahalaan at magdadaos ng isang bagong halalan matapos ang pagpasa ng badyet ng 2011
.
- Hindi bababa sa 300 tao ang namatay at daan-daan pa ang nasugatan sa isang pagpapanakbuhan sa panahon ng taunang pista ng tubig sa
Cambodia
na naganap matapos matakot ang mga tao nang magsinulang gumalaw ang tulay.
- Nobyembre 23
- Inilunsad ng
Hilagang Korea
ang pagpapakawala ng artilerya sa Isla ng Yeonpyeong,
Timog Korea
, na ikinasawi ng apat na taga-Timog Korea na kinabibilangan ng dalawang sibilyan at dalawang marino. Labinwalong iba pa ang nasugatan.
- Idineklarang patay ang 29 minero na nakulong sa ilalim ng lupa matapos ang pagsabog sa minahan ng tanso sa Ilog Pike sa
New Zealand
makalipas ang limang araw.
- Nobyembre 28
? Pandaigdigː Isiniwalat naman ng WikiLeaks ang higit sa 200,000 cableng diplomatiko ng Estados Unidos sa isang maliit na bilang ng mga kumpanyang midya. Ipinakita nito ang mga dating lihim na impormasyon sa pagkalap ng intelihensya at istratehiyang pampulitika at militar ng
Amerika
.
[18]
- Disyembre 2
? Naipanalo ang
Rusya
ang imbitasyon nito bilang punang-abala para sa
2018 World Cup
, habang gagampanan ng
Qatar
ang mga tungkuling
host
para sa pandaigdigang torneo ng
sipaang-bola
sa 2022, ang unang bansa sa
Gitnang Silangan
para sa torneo.
- Disyembre 6
? Inaresto ng pulisya ng
Britanya
ang tagapagtatag ng WikiLeaks na si Julian Assange, isang dating mamamahayag na mula sa
Australia
, sa
London
dahil sa di-umano'y pag-atakeng sekswal sa
Sweden
, na ayon sa kanyang mga abogado, ang mga kaso ay inimbento lamang para masira ang kanyang reputasyon.
- Disyembre 21
? Buong
eklipse ng buwan
ay naganap,
- Enero 1 ? Lhasa De Sela, Amerikanong mang-aawit at sumusulat ng kanta (ipinanganak 1972)
- Enero 4
- Johan Ferrier, unang Presidente ng
Suriname
(ipinanganak 1910)
- Tsutomu Yamaguchi
, isang Hapones na nakaligtas sa atomikong pambobomba ng Hiroshima at Nagasaki (ipinanganak 1916)
- Enero 5 ? Kenneth Noland, Amerikanong pintor ng
abstract
o basal (ipinanganak 1924)
- Enero 8 ?
Monica Maughan
, Australyanong aktres (ipinanganak 1933)
- Enero 11 ? Miep Gies, Olandes na pilantropo
- Enero 13 ? Teddy Pendergrass, Aprikanong-Amerikanong mang-aawit ng R&B at soul
- Enero 21 ? Jean Simmons, Britong aktres
- Enero 22 ?
Mahmud Iskandar Ismail
, ika-8 Hari ng Malaysia (ipinanganak 1932)
- Enero 25 ? Ali Hassan al-Majid, Iraqi na politiko at komandante ng militar, binansagang "Chemical Ali" at kaagapay ni
Saddam Hussein
(binitay sa
Iraq
.) (ipinanganak 1941)
- Enero 27
- Enero 29 ? Tom Brookshier, Amerikanong manlalaro ng sipaang-bola at isang mamamahayag ng palakasan
- Pebrero 10 ? Charlie Wilson, Amerikanong politiko.
- Pebrero 11 ? Alexander McQueen, Britong tagadisenyo ng moda
.
- Pebrero 12 ? Nodar Kumaritashvili, luger mula sa
Republika ng Georgia
, (nasawi sa aksidente sa pag-e-ensayo sa
2010 Winter Olympics
.)
- Pebrero 20 ? Alexander Haig, ika-59 Kalihim ng Estado ng Estados Unidos
- Marso 10 ? Corey Haim, Kanadyanong aktor
- Marso 20 ? Stewart Udall, Amerikanong politiko
- Abril 6 ?
Anatoly Dobrynin
, Sobyet na diplomata at politiko (ipinanganak
1919
)
- Abril 10
- Dixie Carter
[19]
, Amerikanong aktres.
- Lech Kaczy?ski, Pangulo ng Polanya.
- Abril 19 ? Guru, Amerikanong nagrarap
- Abril 20 ? Dorothy Height, Amerikanong aktibista ng karapatang sibil
- Abril 21 ?
Juan Antonio Samaranch
, Kastilang opisyal ng palakasan (ipinanganak
1920
)
- Abril 24 ? Elizabeth Post
[20]
, manunulat tungkol sa etiketa
- Mayo 2 ? Lynn Redgrave, Britong aktres
- Mayo 5 ?
Umaru Musa Yar'Adua
, ika-13 Pangulo ng Nigeria (ipinanganak
1951
)
- Mayo 9 ? Lena Horne, Amerikanong mang-aawit at aktres
- Mayo 24 ?
Paul Gray
, Amerikanong musikero (ipinanganak 1972)
- Mayo 28 ?
Gary Coleman
, Amerikanong aktor, nagboboses at komedyante (ipinanganak 1936)
- Mayo 31
- Chris Haney, Kanadyanong na mamamahayag na lumikha ng larong tabla na
Trivial Pursuit
- Mustafa Abu al-Yazid, pinuno at kapwang tagapagtatag ng
Al Qaeda
sa
Afghanistan
. (Napatay sa isang pag-atake ng drone ng mga Amerikano sa
Pakistan
)
- Hunyo 3 ? Rue McClanahan,
[21]
Amerikanong aktres
- Hunyo 4 ? John Wooden, Amerikanong manlalaro ng basketbol
- Hunyo 18 ? Jose Saramago, Portuges na manunulat, pinagpipitagang nanalo ng
Premyong Nobel
- Hunyo 28 ? Robert Byrd, Amerikanong politiko
- Hulyo 13
- Vernon Baker,
[22]
Amerikanong sundalo sa Hukbong-dagat ng Estados Unidos
- George Steinbrenner, Amerikanong negosyante at may-ari ng koponan sa beysbol na
New York Yankees
- Agosto 8 ? Patricia Neal, Amerikanong aktres
- Agosto 9 ? Ted Stevens,
[23]
Amerikanong politiko
- Agosto 17 ?
Francesco Cossiga
, ika-63 Punong Ministro at ika-8 Pangulo ng Italya (ipinanganak
1928
)
- Setyembre 12 ? Claude Chabrol, Pranses na direktor ng mga pelikula
- Setyembre 26 ? Gloria Stuart, Amerikanong aktres
- Setyembre 28 ? Arthur Penn, Amerikanong direktor ng mga pelikula
- Setyembre 29 ?
Tony Curtis
, Amerikanong aktor (ipinanganak 1925)
- Oktubre 11 ?
Joan Sutherland
, Australyano mang-aawit sa opera (ipinanganak
1926
)
- Oktubre 16 ? Barbara Billingsley, Amerikanong aktres.
- Oktubre 19 ? Tom Bosley, Amerikanong aktor.
- Oktubre 20 ? Bob Guccione, Amerikanong tagapaglathala (magasin na
Penthouse
)
- Oktubre 27 ?
Nestor Kirchner
, ika-54 Pangulo nf Arhentina (ipinanganak
1950
)
- Nobyembre 4 ? Sparky Anderson, Amerikanong tagapamahal ng beysbol
- Nobyembre 5 ? Jill Clayburgh, Amerikanong aktres
- Nobyembre 16 ?
Wong Tin-lam
, direktor at prodyuser mula sa Hongkong (ipinanganak 1928)
- Nobyembre 28 ? Leslie Nielsen, Kanadyano-Amerikanong aktor
- Disyembre 7 ? Elizabeth Edwards, Amerikanong abogada at maybahay ni John Edwards (dating Amerikanong Senador)
- Disyembre 15 ? Blake Edwards, Amerikanong direktor ng mga pelikula
- Kimika ? Richard F. Heck, Ei-ichi Negishi at Akira Suzuki
- Agham-Pangkabuhayan ? Peter A. Diamond, Dale T. Mortensen at Christopher A. Pissarides
- Panitikan ? Mario Vargas Llosa
- Pangkapayapaan
? Liu Xiaobo
(hindi niya nagawang matanggap ang Premyong Nobel para sa Kapayapaan dahil siya ay hinatulan ng 11 taon ng pagkabilanggo ng awtoridad Intsik)
- Pisika
?
Andre Geim
at
Konstantin Novoselov
- Medisina ? Robert G. Edwards
Sa karagdagan, inoobserbahan ng maraming bansa ang mga pambansang pista opisyal, tulad ng pagkakatatag ng kanilang bansa at araw ng kalayaan. Ito rin ay "espesyal na araw."
Kalendaryong Islam at Hudyoː
Ang Kalendaryong Islam ay batay sa pagmamasid sa mga buwan; kaya, ang mga petsang nakasaad ay maaaring mag-iba nang isa o dalawang araw. Lahat ng mga paggunitang Islam at Hudyo ay magsisimula sa paglubog ng araw, sa araw bago ang petsang nakasaad.
Kalendaryong Hindu at Sikhː
Mga petsa para sa mga paggunitang Sikh at Hindu ay nalalaman ayon sa petsa ng kanilang pagtalima sa
India
.
Mga okasyon sa
makapal
ay mga pederal at espesyal na pista na ipinagdiriwang din sa
Estados Unidos
.
Enero
- Enero 1 -
Araw ng Bagong Taon
(ipinagdiriwang sa karamihan ng mga bansa)
- Enero 1-3 - Ganatan-sai, Bagong Taong Shinto (Kalendaryong Hapon)
- Enero 5 - Kaarawan ni Guru Gobind Singh Sahib (Kalendaryong Sikh)
- Enero 6 -
Epipanya
(Paggunitang Kristiyano)
- Enero 7 - Pasko (Ortodokso)
- Enero 14
- Makar Sakranti (Kalendaryong Hindu)
- Maghi (Kalendaryong Sikh)
- Enero 20 - Vasant Panchami (Kalendaryong Hindu)
Pebrero
- Pebrero 2 -
Araw ng Groundhog
- Pebrero 12 - Maha Shiva Ratri (Kalendaryong Hindu)
- Pebrero 14
- Pebrero 16
- Pebrero 17 -
Miyerkules-de-Senisa
(Paggunitang Kristiyano)
- Pebrero 26 -
Mawlid al-Nabi,
Kaarawan ni
Muhammad
(Kalendaryong Islam)
- Pebrero 28
- Purim,
Pista ng Lots (Kalendaryong Hudyo)
- Holi, Isang piesta sa
Indiya
, hanggang Marso 1 (Kalendaryong Hindu)
Marso
- Marso 1 - Hola Mohalla (Kalendaryong Sikh)
- Marso 8 - Internasyunal na Araw ng Kababaihan
- Marso 15 - Mga Idus ng Marso
- Marso 16 - Bagong Taong Hindi (Kalendaryong Hindu)
- Marso 17 -
Araw ni San Patricio
(Pambansang Publikong walang pasukan ng
Irlanda
, ipinagdiriwang din sa
Estados Unidos
at iba pang bansa)
- Marso 21
- Bagong Taong Baha'i (Kalendaryong Baha'i)
- Noruz
, Bagong Araw (Kalendaryong Zoroastrianismo)
- Marso 24 - Rama Navami (Kalendaryong Hindu)
- Marso 28
- Marso 30 -
Unang araw ng Paskuwa
,
Pista ng Tinapay na Walang Lebadura (7 araw, Kalendaryong Hudyo)
Abril
- Abril 1
- Huwebes Santo
(Paggunitang Kristiyano)
- Araw ng mga Naloloko ng Abril
- Abril 2 -
Biyernes Santo
(Paggunitang Kristiyano)
- Abril 3 -
Sabado de Gloria
(Paggunitang Kristiyano)
- Abril 4 -
Pasko ng Pagkabuhay
(Paggunitang Kristiyano, ipinagdiriwang ng mga Simbahang Kristiyano sa Kanluran)
Pascha
(Ortodokso)
- Abril 7 - Pandaigdigang Araw ng Kalusugan
,
anibersaryo ng pagkakatatag ng
Pandaigdigang Organisasyon sa Kalusugan
- Abril 14 - Vaisakhi, paggunita sa pagkasilang ni Khalsa (Kalendaryong Sikh)
- Abril 22 - Pandaigdigang Araw ng Mundo
Mayo
- Mayo 1
- Mayo 8 - Araw ng Liberasyon
,
Paggunita sa wakas ng
Ikalawang Digmaang Pandaigdig
Sa Europa
- Mayo 9 -
Araw ng mga Ina
- Mayo 13 -
Araw ng Asensyon
(Paggunitang Kristiyano at Ortodokso)
- Mayo 19 -
Unang araw ng
Shavuot,
Hebreong Pentekostes; o Pista ng mga Linggo, o ng Ani, o ng mga Unang Prutas. (Kalendaryong Hudyo)
- Mayo 23
- Pentekostes
(Paggunitang Kristiyano, ipinagdiriwang ng mga Simbahang Kristiyano sa Kanluran at Ortodokso)
- Deklarasyon ng Bab (Kalendaryong Baha'i)
- Mayo 29 - Asensyon ni
Baha Ullah
(Kalendaryong Baha'i)
- Mayo 30 - Linggo ng Trinidad (Paggunitang Kristiyano)
Hunyo
- Hunyo 3 -
Corpus Christi
(Paggunitang Kristiyano)
- Hunyo 16 - Kamatayan bilang isang martir ni Guru Arjan Dev Sahib (Kalendaryong Sikh)
- Hunyo 20 -
Araw ng mga Ama
- Hunyo 27 (Huling Linggo ng Hunyo) - Internasyunal na Araw ng Pagmamalaki ng
mga bakla
at Lesbyana
Agosto
- Agosto 11 -
Unang araw ng buwan ng
Ramadan
(Kalendaryong Islam)
Setyembre
- Setyembre 9 (8-10) -
Unang araw ng
Rosh Hashanah,
Bagong Taon ng mga Hudyo (Kalendaryong Hudyo)
- Setyembre 10 -
Eid ul-Fitr
; Katapusan ng buwan ng
Ramadan
(Kalendaryong Islam)
- Setyembre 18 (17-18) -
Yom Kippur
,
Araw ng Pagsisisi (Kalendaryong Hudyo)
- Setyembre 22 - Pista ng Buwan (Kalendaryong Intsik)
- Setyembre 23 -
Unang araw ng
Sukko
t
,
Pista ng Tabernakulo, o ng Pagtitipon (7 araw, Kalendaryong Hudyo)
- Setyembre 30 -
Shemini Atzeret
,
Asembliya ng Ikawalong Araw (Kalendaryong Hudyo)
Oktubre
- Oktubre 8 - Navaratri (Kalendaryong Hindu)
- Oktubre 31 -
Halloween
o Bisperas ng Todos los Santos
Nobyembre
- Nobyembre 1 -
Araw ng mga Patay
(Paggunitang Kristiyano)
- Nobyembre 5 -
Diwali
(Hindu), Mahavira Nirvana (Jain), o Bandi Chhor Divas (Sikh) (Isang pagdidiriwang ng mga Hindu, Jain at Sikh)
- Nobyembre 12 - Kaarawan ni Baha Ullah (Kalendaryong Baha'i)
- Nobyembre 15
- Eid al-Adha
,
Pista ng Pag-aalay (Kalendaryong Islam, hanggang ika-16)
- Shinchi-go-san no hi o Araw ng 7-5-3 (Paggunitang Hapon)
- Nobyembre 21 - Kaarawan ni Guru Nanak Dev Sahib (Kalendaryong Sikh)
- Nobyembre 24 - Kamatayan bilang isang martir ni Guru Tegh Bahadur Sahib (Kalendaryong Sikh)
- Nobyembre 28 -
Unang Linggo ng Adbiyento
(Paggunitang Kristiyano)
Disyembre
- Disyembre 2 -
Unang araw ng
Hanukkah
,
Pista ng mga Ilaw (8 araw, Kalendaryong Hudyo)
- Disyembre 7 -
Unang araw ng buwan ng
Muharram
,
Bagong Taon ng mga Muslim (Kalendaryong Islam)
- Disyembre 12 -
Birhen ng Guadalupe
- Disyembre 25 -
Araw ng Pasko
(Paggunitang Kristiyano)
- Disyembre 31-
Bisperas ng Bagong Taon
Sa
Estados Unidos
, mayroong sampung pederal na pista na itinakda ng kanilang batas. Apat dito ay itinakda sa petsa (
Araw ng Bagong Taon
, Araw ng Kalayaan [Hunyo 4],
Veterans Day
[Nobyembre 11], at
Araw ng Pasko
). Ang iba pa ay itinakda sa araw ng sanlinggo at buwan: Mga kaarawan nina
Martin Luther King, Jr.
[Enero 18] at Pangulong
George Washington
[Pebrero 22], Araw ng Pag-alala o
Memorial Day
[Mayo 31], Araw ng Paggawa [Setyembre 6], Araw ni
Christopher Columbus
[Oktubre 11], at
Thanksgiving
o Araw ng Pasasalamat [Nobyembre 25]. Ipinagdiriwang din sa bansa sa 2010 ang mga sumusunod (Tingnan din ang unang bahagi ng
Mayoryang mga publikong mga pista
)ː
- Mga paggunitang Islam at Hudyo.
Canada
- Mayo 25 - Paggunita sa Kaarawan ni Reyna Victoria
- Hulyo 1 -
Araw ng Canada
- Setyembre 6 (Unang Lunes ng Setyembre) - Araw ng Paggawa
- Oktubre 11 - Araw ng Pasasalamat
Mehiko
- Mayo 5 -
Cinco de Mayo
(
Mehiko
, ipinagdiriwang din sa
Estados Unidos
)
- Setyembre 16 - Araw ng Kalayaan
Mga Bansa sa Pasipiko
Hapon
- Pebrero 11 - Pambansang Araw ng Pagkakatatag
- Abril 29 - Araw ng Luntian
- Agosto 6 - Araw ng
Hiroshima
- Setyembre 15 - Araw ng Paggalan sa mga Matatanda
Europa
- Marso 25 - Araw ng Kalayaan (
Gresya
)
- Marso 14 (ika-4 na Linggo ng
Panahon ng Kuwaresma
) - Araw ng Pagiging Ina (
Reino Unido
)
- Abril 30 - Paggunita sa Kaarawan ni Reyna Juliana (
Netherlands
)
- Hunyo 2 - Anibersaryo ng Republika ng
Italya
- Hunyo 5 - Araw ng Konstitusyon (
Denmark
)
- Hunyo 6 - Pambansang Araw (
Sweden
)
- Hunyo 10 - Araw ng
Portugal
o anibersaryo ng kamatayan ni Luis de Camoes
- Hunyo 19 (ika-3 inggo ng Hunyo) - Opisyal na Kaarawan ni
Reyna Elizabeth II
(
United Kingdom
)
- Hunyo 23 - Pambansang Araw, Opisyal na Kaarawan ni Gran Duke Jean (
Luxembourg
)
- Hunyo 23-24 - Gabi ng Gitnang-tag-init at Araw ng Gitnang-tag-init
- Hulyo 12 - Araw ng Kahel o
Orangemen's (Orange) Day
(
Hilagang Ireland
)
- Hulyo 14 - Araw ng Bastille (
Pransya
)
- Hulyo 21 - Pambansang Araw (
Belgium
)
- Agosto 1 - Pambangsang Araw, anibersaryo ng Konpederasyong Suwiso (
Switzerland
)
Tsina
- Abril 5 -
Qingming
, Pagpupuri sa mga patay.
Timog Korea
- Agosto (araw ng buong buwan ng ika-8 buwang pang-buwan -
Chusok
, pista ng pag-aani
Oras ng Pagtitipid ng Liwanag ng Araw o
Daylight Saving Time
(piling mga bansa) - mula Marso 14 hanggang Disyembre 7
Mga Panahon para sa Hilagang Hating-globo, 2010
[
baguhin
|
baguhin ang wikitext
]
- Ekwinoks sa Tagsibol: Marso 20, 1:32 P.M. EDT (17:32 UT*), Pumapasok ang araw sa tanda ng Aries; simula ng tagsibol.
- Soltisyo sa Tag-araw: Hunyo 21, 7:28 AM EDT (11:28 UT*), Pumapasok ang araw sa tanda ng Cancer; simula ng tag-init.
- Ekwinoks sa Taglagas: Setyembre 22, 11:09 P.M. EDT (03:09 UT*), Pumapasok ang araw sa tanda ng Libra; simula ng taglagas.
- Soltisyo sa Tag-niyebe: Disyembre 21, 6:38 PM EST (23:38 UT*), Pumapasok ang araw sa tanda ng Capricorn; simula ng taglamig.
*
Universal time
(UT) o Unibersal na oras, na kilala rin bilang
Greenwich mean time
(GMT) o katamtamang oras sa Greenwich.
Sa bansang
Hapon
, Ipinagdiriwang ang mga sumusunodː
- Araw ng Ekwinoks sa Tagsibol, Marso 21-22
- Araw ng Ekwinoks sa Taglagas: Setyembre 23-24, bilang papuri as kanilang mga ninuno
- Kalendaryong Gregoryano
ː 2010; MMX
- Kalendaryong Islam
ː A.H. 1431-1432
- Kalendaryong Hinduː
- Vikram Samvatː
2066?2067
- Shaka Samvatː
1932?1933
- Kali Yuga
ː
5111?5112
- Kalendaryong Sikh (
Nanaksashi
)
ː 542
- Kalendaryong Tsinoː
4707-4708
- Kalendaryong Buddhista
ː 2554
- Kalendaryong Haponː
Heisei
22
- Kalendaryong Baha'i
ː 166-167
(Lahat sa wikang Ingles)
- "News and Events Year by Year: 1900-2013"
Infoplease.
at
Fact Monster.
- "Years in Reviewː 2010-2014."
Naka-arkibo
2016-08-13 sa
Wayback Machine
. Rocky Mountain Collegian.
Mayo 13, 2014.
- "2010 Year in Review."
ABC News (Australian Broadcasting Corporation)
- "The Top 10 Everything of 2010"
TIME.
2016.
- "
Google Zeitgeist 2010.
"
2011
- "2010 Current Events"
Infoplease.
- "The Biggest Natural Disasters of 2010"
Live Science.
Disyembre 28, 2010
- "World, Disasters, 2010 Timeline"
- "2010 a deadly year for natural disasters (Associated Press)"
NBC News
(Disyembre 19, 2010) at
CTV News
(Disyembre 20, 2010)
- "Top 10 Disasters around the World in 2010"
[
patay na link
]
Techprone.
Disyembre 14, 2010
- "Natural disasters caused mass devastation in 2010: report"
NY Daily News.
Enero 3, 2011
- "UN: 2010 among deadliest years for disasters, urges better preparedness"
UN News Centre.
Enero 24, 2011
- "2010: The Year in Environmental Disasters (Slideshow)"
TreeHugger.
Disyembre 23, 2010
- "Deadliest Year for Natural Disasters - 2010"
Pro Bono Australia.
Enero 27, 2011
- "Disaster Declarations for 2010"
Naka-arkibo
2016-11-24 sa
Wayback Machine
. FEMA.gov
- "
2010
"
Naka-arkibo
2016-09-11 sa
Wayback Machine
.
Biography.com
- "Famous Deaths in 2010"
OnThisDay.com
- "Hollywood's Notable Deaths of 2010"
Hollywood Reporter.
Disyembre 29, 2010.
- "IMDb: Most Popular People With Date of Death in 2010"
IMDb
- "Celebrity Deaths 2010"
Naka-arkibo
2011-03-28 sa
Wayback Machine
. People.com
- "Celebrity Deaths in 2010"
TVGuide.com
- "Celebrity Death -- List of Famous Deaths in 2010"
Ranker.
- "Earthquake Information for 2010"
Naka-arkibo
2016-04-26 sa
Wayback Machine
. USGS.
- "2010 Calendar and Holidays"
Infoplease.
- "Major Holidays"
Infoplease
- "Holidaysː Major Religious and Secular Holidays"
Fact Monster
- "The Sikh Calendar :Gurupurabs and Festival Dates"
Gateway to Sikhism
- "Encycopaedia Britannica Almanac 2010"
Encycopaedia Britannica, Inc.
- ↑
"Yemen (2004 ? first combat deaths)"
Naka-arkibo
2016-03-22 sa
Wayback Machine
. Project Ploughshares.
Mayo 2016. Hinango Agosto 31, 2016. (sa Ingles)
- ↑
"Yemen announces cease-fire with rebels"
CNN.com.
Pebrero 12, 2010. Hinango Agosto 31, 2016. (sa Ingles)
- ↑
"Yemen’s Government Agrees to a Cease-Fire With Rebel Forces"
The New York Times.
Pebrero 11, 2010. Hinango Agosto 31, 2016. (sa Ingles)
- ↑
Death toll from Chile earthquake toll jumps to 708
(sa Ingles)
- ↑
"Strong 6.9 quake jolts Baja California, Mexico"
.
Yahoo.com
(sa wikang Ingles). 2010-04-04.
Inarkibo
mula sa orihinal noong 2010-04-07
. Nakuha noong
2010-04-04
.
{{
cite news
}}
: CS1 maint: date auto-translated (
link
)
- ↑
Dalangin-Fernandez, Lira.
"Now it's final: Aquino, Binay win in May 10 polls"
.
Philippine Daily Inquirer
. Inarkibo mula sa
ang orihinal
noong Hunyo 9, 2010
. Nakuha noong
Hunyo 8,
2010
.
{{
cite news
}}
: CS1 maint: date auto-translated (
link
)
- ↑
"Thailand’s 2010 Red Shirt Protests and the Government Crackdown"
HRW.
Mayo 3, 2011. Hinango Agosto 31, 2016. (sa Ingles)
- ↑
"Bangkok like war zone as military cracks down on protesters"
CNN.com.
Mayo 20, 2010. Hinango Agosto 31, 2016. (sa Ingles)
- ↑
"Thailand protests: crackdown against redshirts - as it happened"
The Guardian.
Mayo 19, 2010. Hinango Agosto 31, 2016. (sa Ingles)
- ↑
"On Bangkok's Bloody Streets, a Crackdown Breaks Protests"
TIME.
Mayo 19, 2010. Hinango Agosto 31, 2016. (sa Ingles)
- ↑
Noynoy Aquino to take oath at the Luneta grandstand
. GMA News Online (Hunyo 15, 2010). Hinango noong Enero 23, 2012.
- ↑
"Edgar Valdez captured"
Daily Mail Online.
Setyembre 1, 2010. Hinango Agosto 31, 2016. (sa Ingles)
- ↑
"U.S. Student Became Mexican Drug Kingpin"
The New York Times.
Setyembre 8, 2010. Hinango Agosto 31, 2016. (sa Ingles)
- ↑
"French police frustrated by new strike blockades"
BBC News.
Oktubre 20, 2010. Hinango Agosto 31, 2016. (sa Ingles)
- ↑
"Huge marijuana seizure in Mexico"
The Guardian.
Oktubre 19, 2010. Hinango Agosto 31, 2016. (sa Ingles)
- ↑
"Spending Review 2010: George Osborne wields the axe"
BBC News.
Oktubre 20, 2010. Hinango Agosto 31, 2016. (sa Ingles)
- ↑
"Baghdad War Diary"
WikiLeaks.
(sa Ingles)
- ↑
"US embassy cables leak sparks global diplomatic crisis"
The Guardian.
Nobyembre 28, 2010. Hinango Agosto 31, 2016. (sa Ingles)
- ↑
"
'Designing Women' star Dixie Carter dies at age 70
" EW.com
. Abril 10, 2010. Hinango Setyembre 2, 2016. (sa Ingles)
- ↑
"
Elizabeth Lindley Post, Etiquette Author, Successor to Emily Post, Dies at 89
" PR Newswire.
Abril 25, 2010. Hinango Agosto 31, 2016. (sa Ingles)
- ↑
"Rue McClanahan, Actress and Golden Girl, Dies at 76"
. The New York Times.
Hunyo 3, 2010. Hinango Agosto 31, 2016. (sa Ingles)
- ↑
"Vernon Baker Biography."
Infoplease.
(sa Ingles)
- ↑
"Former Sen. Ted Stevens dies in plane crash"
NBC News
. Agosto 10, 2010. Hinango Setyembre 2, 2016. (sa Ingles)