Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Si
Mary MacKillop
(
15 Enero
1842 –
8 Agosto
1909), kilala rin bilang
Santa Maria ng Krus
,
[1]
ay isang Australyanang
Romano Katolikong
madre
na kasama ni Padre
Julian Tenison Woods
ay nagtatag ng
Mga Kapatid na Babae ni San Jose ng Banal na Puso
at isang bilang ng mga paaralan at mga institusyong pangkabutihan ng tao sa kahabaan ng
Australasya
na may pagbibigay ng diin sa edukasyon ng mga mahihirap, partikular na sa mga pook na nasa labas ng mga lungsod. Magmula noong kanyang kamatayan, nakabighani siya ng benerasyon sa Australya at sa labas ng bansang ito. Si MacKillop ang tanging Australyanong nakanonisa.
Noong
17 Hulyo
2008, nagdasal si
Papa Benedicto XVI
sa kanyang libingan nang dumalaw sa Sydney para sa
Araw ng Kabataan ng Daigdig ng 2008
. Noong 19 Disyembre 2009, pinayagan ni Papa Benedicto XVI ang pagkilala ng Simbahang Romano Katoliko sa pangalawang himalang ikinakabit sa pamamagitan ni Mary MacKillop.
[2]
Nakanonisa
siya noong
17 Oktubre
2010 sa
Lungsod ng Batikano
,
[3]
[4]
[5]
na naging sanhi ng kanyang pagiging unang kinikilalang
santong
Australyano.
[6]