Ang isang
santalaalaman
,
ensiklopedya
,
ensiklopidya
,
ensayklopidya
, o
ensayklopidiya
(wikang Espanyol:
enciclopedia,
wikang Ingles:
encyclopedia
) ay isang koleksiyon ng mga
kaalaman
ng tao.
Ang terminong ito ay nagmula sa salitang
Griyego
na εγκ?κλιο? παιδε?α,
enkyklios paideia
("sa loob ng sirkulo ng pagturo"). Mula sa salitang εγκ?κλιο?, na may ibig sabihing
hugis sirkito
na binubuo ng mga salitang κ?κλο? o
sirkito
at παιδε?α, o
pagtuturo
.
Ang mga ensiklopedya ay maaaring naglalaman ng malawak na kaalaman sa iba't ibang larangan (Ang
Encyclopædia Britannica
ay isang kilalang halimbawa), or maaring naglalaman lamang patungkol sa isang partikular na larangan (tulad ng mga ensiklopedya ng
medisina
o
pilosopiya
). Mayroon din mga ensiklopedya na naglalaman ng paksa tungkol sa isang partikular na kultura o pangbansang panannaw, tulad ng
Great Soviet Encyclopedia
.
Ang mga tao ay bumuo ng maraming ensiklopedya sa kasaysayan nito, ngunit ang terminong
ensiklopedya
ay ginamit lamang noong
ika-16 daantaon
.
Maraming naunang manunulat (tulad ni
Aristotle
) ang sumubok na isulat ang buong kaalman ng tao. Ngunit si
John Harris
ay ang madalas na kinikilala sa pagbu noong 1704 ng format na ginagamit ng mga ensiklopedya ngayon sa pamamagitan ng kanyang
Lexicon technicum
. Ang doktor na si Sir
Thomas Browne
ay gumamit ng salitang
ensiklopedya
upang tawagin ang pinagsamsang refuted
Vulgar Errors
na tinatawag din bilang
Pseudodoxia Epidemica
noong 1646 (ika-6 na edisiyon 1676). Ang kinikilalang
Encyclopædia Britannica
ay mayroong mapakumbabang pinagmulaanan: mula 1768 hangang 1771 tatlong tomo ang naipalimbag. Maari na ang pinakakinikilalang sa mga naunang ensiklopedya ay ang French
Encyclopedie
ni
Jean Baptiste le Rond d'Alembert
at ni
Denis Diderot
na nabuo noong 1772 (28 tomo, 71,818 na artikulo, 2,885 na larawan o ilustrasyon).
Ang hirarkiyal na kaayusan at ang paglaki ng mga santalaalaman ay bagay na bagay sa disk-based o on-line na pormang pangkompyuter, at ang karamihan ng mga nakasulat na santalaalaman ay lumipat na sa ganitong paraan ng paglimbag sa katapusan ng
Ika-20 siglo
. Disk-based (kadalasang sa pormang
CD-ROM
) ay murang murang magagawa at napakadaling dalahin kung saan saan. At maari din magsama ng mga impormasyong hindi magagawa sa nakasulat sa papel na porma tulad ng mga animation, audio, at video.
Hyperlinking
mula sa mga iba't ibang bagay ay malaki din ang naitutulong, dahil makakatipid sa oras sa pagbuklat ng mararaming tomo ng kasulatan. Ang on-line na ensiklopedya ay nagbibigay naman ng impormasyong dynamic - ang mga makabagong impormasyon ay maaring agad-agad na maidadagdag sa dokumento na hindi kaya ng pormang statiko tulad ng galing sa CD-ROM o libro.
Ang mga impormasyon sa nakalimbag na santalaalaman a nangangailangan ng isang hirarkiyal na kaayusan, at kadalasan ang ginagamit na paraan ay ang pagaayos ng mga impormasyon base sa alphabeto ng mga titulo. Sa pamamagitan ng dynamic na porma, ang ganitong klaseng kaayusan ay hindi na kinakailangan. Ngunit, karamihan ng mga elektronik na santalaalaman ay nagbibigay pa rin ng kaayusan sa mga artikulo nito tulad ng pagaayos ayon sa paksa o ang pangkaraniwang ayos base sa alphabeto.
Ang artikulong ito ay parte ng
Wikipedia
, na isang santalaalaman.
Hindi mali ang mga baybay na
encyclopedia
,
encyclopaedia
, o
encyclopædia
. Gayon man sa kasaysayan, kumakatawan sa isang napakalumang pagkakamali ang dalawang nahuli. Ayon sa
Oxford English Dictionary
, isang "psuedo-Greek" ang baybay na may
ae
o
æ
at "isang anyo na lubusang mali (sinasabing maling pagbasa) na nangyayari sa
MSS
. ni
Quintilian
,
Pliny
, at
Galen
". Sinusulat ng
Oxford English Dictionary
na di matagpuan ang
æ
sa orihinal na
Griyego
enkyklios paideia
para sa "edukasyong encyclical", isinisalarawan bilang "ang sirkulo ng sining at agham na inaayunan ng mga Griyego bilang kailangan sa isang liberal na edukasyon".
Pinapahayag ng
Oxford English Dictionary
na ang baybay na may
æ
ay "pinangalagaan na maging lipas na sa pamamagitan ng katotohanan na may pamagat na Latin bilang
Encyclopædia Britannica
ang karamihan ng mga tinatawag na mga gawa. Kinabibilangan ng gayong ensiklopedya ang pinagbigkis na anyo na
æ
sa kanyang opisyal na pangalan.
Di bababa sa kalahati ang pagkabanggit sa
Oxford English Dictionary
sa mga tinatawag na "maling" baybay. Di naghahayag ng pagpili ang
Oxford English Dictionary
o ang
Webster's Third New International Dictionary
, bagaman nilalagay ng Britanikong
Oxford English Dictionary
ang anyong
æ
sa una, at nilalagay naman Amerikanong Webster sa ikalawa.
Tingnan ang
listahan ng mga ensiklopedya
para sa mga link sa isang partikular na santalaalaman.
|
---|
Pandaigdigan
| |
---|
Pambansa
| |
---|
Iba pa
| |
---|