Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang
telepono
ay isang aparatong
pantelekomunikasyon
na nagtatawid, hatid o tulay at tumatanggap ng tunog o ingay (na kadalasan ay boses at pananalita) galing sa dalawang magkalayong lugar o pinagmulan. Karamihan sa mga teleponong ito ay napapatakbo gamit ang mga elektronikong
senyales
.
Noon, ipinapalagay na ang salitang telepono ay pantukoy lamang sa mga
landline
phone. Sa kasalukuyan, may mga teleponong hindi na nangangailangan ng kordon gaya ng
teleponong selular
. Mayroon ding pinapatakbo ng
bateryang selyular
at
enerhiyang solar
.
May apat na pangunahing kaparaanan kung paanong ang senyales ng telepono ay naitatawid. Ito ay ang mga sumusunod:
- Sa pamamagitan ng tradisyunal na
landline
na gumagamit ng pisikal at nauukol na koneksiyon (nangangailangan ng kordon).
- Radyoteleponiya
o koneksiyong hindi na nangangailangan ng kordon: itinatawid nito ang mensahe, tunog o ingay sa pamamagitan ng analog o digital na senyales pang-radyo.
- Teleponong satelayt
na naguugnay ng ingay gamit ng satelayt na pantelekomunikasyon.
- Teleponong
Boses sa Ibabaw ng Protokolong Internet
(VoIP): isang pamamaraan para sa pagpadala ng boses sa pamamagitan ng protokolong pang-Internet.
Ang pagkakaimbento ng telepono ay naiuugnay sa ibat ibang imbentor. Ang aktuwal na kasaysayan nito ay nababahiran ng samut-saring pagtatalo. Kabilang sa mga sinasabing nakaimbento nito ay si
Antonio Meucci
,
Philip Reis
, at
Alexander Graham Bell
.
Sa nakalipas na dantaon, sa halos lahat ng panig ng mundo maliban sa Italya, kinikilala si Bell bilang imbentor ng telepono. Gayunpaman, sa bisa ng isang resolusyon (
Resolusyon ng Kapulungan Blg. 629
) na inihain ng
Kapulungan ng mga Kinatawan
ng
Estados Unidos
, kinilala si Meucci bilang unang nakaimbento ng telepono. Nagmatigas naman ang
Parlamento ng Canada
na naghain ng
panukalang batas
na kikilala kay Alexander Graham Bell bilang kaisaisang imbentor nito.
Ang lathalaing ito na tungkol sa
Teknolohiya
at
Komunikasyon
ay isang
usbong
. Makatutulong ka sa
Wikipedia
sa
pagpapalawig
nito.