Republikang Bayan ng Tsina
|
---|
|
|
Lupaing saklaw ng Tsina sa lunting maitim, at teritoryong inaangkin sa lunting mapusyaw.
|
Kabisera
| Pekin
39°55′N
116°23′E
/
39.917°N 116.383°E
/
39.917; 116.383
|
---|
Pinakamalaking lungsod
| Shanghai
31°13′N
121°28′E
/
31.217°N 121.467°E
/
31.217; 121.467
|
---|
Wikang opisyal
| Mandarin
|
---|
Katawagan
| Tsino
|
---|
Pamahalaan
| Unitaryong
Marxista?Leninistang
unipartidistang
sosyalistang
republika
|
---|
|
| Xi Jinping
|
---|
| Han Zheng
|
---|
| Li Qiang
|
---|
|
Lehislatura
| Pambansang Kongresong Bayan
|
---|
|
|
| 2070 BCE
|
---|
| 221 BCE
|
---|
| 1 January 1912
|
---|
| 1 October 1949
|
---|
| 20 September 1954
|
---|
| 4 December 1982
|
---|
| 20 December 1999
|
---|
|
|
? Kabuuan
| 9,596,961 km
2
(3,705,407 mi kuw) (3rd / 4th)
|
---|
? Katubigan (%)
| 2.8
|
---|
|
? Pagtataya sa 2023
| 1,411,750,000 (2nd)
|
---|
? Densidad
| 145/km
2
(375.5/mi kuw) (
83rd
)
|
---|
KDP
(
PLP
)
| Pagtataya sa 2023
|
---|
? Kabuuan
| $33.015 trilyon (1st)
|
---|
? Bawat kapita
| $23,382 (73rd)
|
---|
KDP
(nominal)
| Pagtataya sa 2023
|
---|
? Kabuuan
| $19.374 trilyon (
2nd
)
|
---|
? Bawat kapita
| $13,721 (64th)
|
---|
Gini
(2019)
| 38.2
[1]
katamtaman
|
---|
TKP
(2021)
| 0.768
mataas
· 79th
|
---|
Salapi
| Renminbi
(元/¥) (
CNY
)
|
---|
Sona ng oras
| UTC
+8
(
CST
)
|
---|
| DST
is not observed
|
---|
Ayos ng petsa
| |
---|
Gilid ng pagmamaneho
| right (
mainland
)
left (
Hong Kong
and
Macau
)
|
---|
Kodigong pantelepono
| +86
(mainland)
+852
(Hong Kong)
+853
(Macau)
|
---|
Internet TLD
| |
---|
Ang
Tsina
(
Tsino
:
中?
;
pinyin
:
Zh?ngguo
), opisyal na
Republikang Bayan ng Tsina
, ay bansang matatagpuan sa
Silangang Asya
. Mula hilagang-silangan hanggang timog-kanluran, hinahangganan nito ang
Hilagang Korea
,
Rusya
,
Mongolya
,
Kasakistan
,
Kirgistan
,
Tayikistan
,
Apganistan
,
Pakistan
,
Indiya
,
Nepal
,
Butan
,
Myanmar
,
Laos
, at
Vietnam
. Sa populasyong hihigit 1.4 na bilyon at lawak na aabot sa 9.6 milyong km
2
, ito ang ikalawang pinakamatao at ikatlong pinakamalaking bansa sa mundo ayon sa panlupaing sukat. Ang pambansang kabisera nito ay
Pekin
, habang ang pinakapopuladong lungsod at pangunahing sentrong pampananalapi nito'y
Shanghai
.
Ang Tsina ay pinamamahalaan ng
Partidong Komunista ng Tsina
, na may sakop sa 22
lalawigan
, limang awtonomong rehiyon, apat na munisipalidad na direktang-pinamamahalaan (
Beijing
,
Tianjin
,
Shanghai
, at
Chongqing
), at ang mga Espesyal na Rehiyong Administratibo ng
Hong Kong
at
Macau
, at inaangkin din nito ang soberanya ng
Taywan
.
Ang kahalagan ng Tsina
[2]
[3]
sa daigdig ngayon ay mapapansin dahil sa kanilang bahaging ginagampanan bilang ikatlong pinakamalaking ekonomiya nominal (o ikalawang pinakamalaki kung babasihan ang
purchasing power parity
o PPP) at isang permanenteng kasapi ng
Mga Nagkakaisang Bansa
,
Konsehong Panseguridad ng Mga Nagkakaisang Bansa
at kasapi rin sila ng iba-ibang kapisanan katulad ng
Kapisanan ng Pandaigdigang Kalakalan
,
APEC
,
Pulong-Panguluhan ng Silangang Asya
, at Organisasyong Pagtutulungan ng Shanghai.
Ang mga pinakamahahalagang lungsod ayon sa populasyon ay
Shanghai
,
Beijing
, Guangzhou, Shenzhen,
Hong Kong
at
Interyor Mongolya.
Ang
Beijing
ang kasalukuyang kabisera ng bansa.
Ang salitang Tagalog na "Tsina" (mula
Kastila
: China), tulad din sa iba pang mga wika sa mga pangkat ng romanse at hermaniko, ay nagmumula sa
Sanskrito
na C?na (???); pinaniniwalaang maaaring nagmula mula sa pangalan ng Estadong Qin (秦, Tsin) at ang sumunod na
dinastiyang Qin
, ang unang dinastiya ng Imperyong Tsino (220 A. C.). Ang unang tala ng terminong ito ay mula noong 1516, sa talaan ng paglalakbay ng manlalakbay na
Portuges
na si Duarte Barbosa.
Ayon sa mga arkeologo, sa isang lugar malapit sa
Peking
, Tsina natagpuan ang
Unang taong nakatindig
o
Homo Erectus
, ang isang uri na ayon sa teorya ng
ebolusyon
, ay pinanggalingan ng unang tao. Tinawag nila na Taong Peking ang mga labi ng
Unang taong nakatindig
na kanilang nakita doon.
Ang Tsina ay pinamumunuhan ng mga
dinastiya
bago dumating ang mga
Europeong
kanluranin, pagtatag ng
Republika ng Tsina
at ang pagsiklab nang Krusada para sa Kommunismo.
Noong kapanahunan ng
Dinastiyang Qing
(16-18 siglo) nagtatag ng pakikitungo sa mga may kapangyarihang
Intsik
ang mga
Europeo
.
Noong 1557, pinayagan ang mga
Portuges
na gamitin ang
Macau
para maging daungan. Noong 1575 naman dumating sina Padre Martin de Rada at Padre Geronimo Mavin mula sa
Maynila
bilang sugo ni Gobernador-Heneral
Guido de Lavezaris
ng
Pilipinas
. Ngunit hindi sila pinayagang mangaral ng
Katolisismo
doon.
Noong 1635, dumating ang mga
Ingles
sa
Guangzhou
at noong 1698 naman dumating ang mga
Pranses
sa Guangzhou. Marami pa ang dumating sa Canton: 1731 - mga
Danes
, 1732 - mga
Suweko
, 1753 - mga
Ruso
, 1784 mga
Amerikano
. Noong 1644, itinatag ang
Dinastiyang Qing
.
Noong 1840 hanggang 1842 nangyari ang digmaang Opyo o
Unang Digmaang Opyo
. Isinuko ng Tsina ang
Hong Kong
sa mga Ingles, nagbukas ng higit pang mga daungan, nagbayad ng indemnisasyon ng $ 121 M. Mga taong 1850 nang wasakin ni
Hung Hsiu Chuan
ang mga templo sa
Kwansi
. Dahil sa patuloy na pagiging di-epektibo ng
Dinastiyang Qing
, isang malawakang rebolusyon ang naganap sa Tsina mula 1850 hanggang 1864, sa pangunguna ni Hong Xiuquan. Itinatag niya ang
Sumasalangit na Kaharian ng Taiping
(tradisyonal na Tsino: 太平天? ?tandaan na ang ? ay ginagamit, kaysa 國 o ??; pinyin: Taiping Ti?n Guo), pinangalang
Sumasalangit na Kaharian ng Dakilang Kapayapaan
.
Sa kalagitnaan ng 1853 hanggang 1863 nang mangyari himagsikan ni
Nieu
sa Hilagang Tsina. Noong 1856 hanggang 1860 nangyari ang
Ikalawang Digmaang Opyo
. Higit na pinairal ang karapatan ng mga dayuhan sa kalakalan at sa pangangaral ng
Kristiyanismo
sa Tsina, at isinuko rin ang tangway ng
Kow Loon
.
Noong 1860, binigay ang Silanganing Siberia at nagyo'y lungsod ng
Vladivostok
sa
Rusya
. Noong 19 Hulyo 1864 bumagsak ang
Nanking
, ang kabisera ng
Taiping
na itinatag ni Hung Hsiu Chuan. Noong 1866 nang ipinanganak si
Sun Yat Sen
.
Sa simula ng ika-20 siglo, ang Rebelyong Boxer ay naging isang pangamba sa Hilagang Tsina. Si Reyna Dowager (
Emperatris Dowager
), na gustong maging sigurado na hindi mawawala ang kapangyarihan niya, ay nakipag-sundo sa mga Boxer nang sumugod sila sa
Beijing
. Nagsimula nang maging tanyag si
Sun Yat Sen
.
Nagkaroon ng isang rebolusyon, ang Rebolusyong Wuchang, na nagsimula noong 10 Oktubre 1911 sa Wuhan (武漢,武?). Dito tuluyang bumagsak ang huling dinastiya sa Tsina, ang
Dinastiyang Qing
.
Ang pansamantalang pamahalaan ng
Republika ng Tsina
(中華民國,中?民?) ay binuo sa Nanjing noong 12 Marso 1912 kasama si
Sun Yat Sen
bilang unang pangulo, pero napilitan siya ibigay ang puwesto kay Yuan Shikai (袁世凱), na ang lider ng militar at Punong Ministro ng
dating Qing
. Ito ay kasama sa kasunduan upang ang
huling emperador
ay bumaba sa pwesto.
Ang komunismo sa Tsina ay nagsimula pagkaraan ng
Unang Digmaang Pandaigdig
. Nakuha ng partidong kommunista ang Kalupaang Tsina noong 1 Oktubre 1949 pagkatapos ng
Digmaang Sibil ng Tsina
. Si
Mao Zedong
ang nag-proklama ng pagtatag ng Republikang Bayan ng Tsina (RBT) sa
Tiananmen
.
[4]
Ang mga pinunong maka-republika ay tumakas sa
Taywan
at doon nila itinatag ang
Republika ng Tsina
.
Si Pangulong Jiang Zemin at si Punong Ministro Zhu Rongji, mga dating alkalde ng
Shanghai
ang namuno sa bagong-Tiananmen PRC noong 1990s. Sa samupung taon ng pamamahala ni Jiang Zemin's, ang
ekonomiya
ng RBT ay nakahila ng 150 milyon na mahihirap sa bingit ng kahirapan at nakasusta ng taunang katamtamang rate ng paglaki ng GDP na 11.2%.
[5]
[6]
Opisyal na sumali ang bansa sa
Pandaigdigang Organisasyon ng Pangangalakal
noong 2001.
Ang Tsina ay ang pangalawang pinakamalaking
bansa
sa
Asya
kasunod ng
Rusya
[7]
kasama na ang lawak ng tubig na sakop. Ang pag-aalinlangan sa laki ng Tsina ay dahil sa
(a)
: pag-aangkin ng Tsina sa mga territoryo katulad ng sa
Aksai Chin
at sa
Trans-Karakoram Tract
(na ina-angkin din ng
Indiya
), at
(b)
kung paano kinakalkula ang laki ng
Estados Unidos
: ayon sa
World Factbook
, ang sukat ng
Estados Unidos
ay 9,826,630 km²,
[8]
habang ang bigay na sukat ng
Encyclopedia Britannica
ay 9,522,055 km².
[9]
Ito rin ay dahil sa bagong sistema ng kompyutasyon ng
Estados Unidos
kung paano sinusukat ang kabuuang sakop ng kanilang lupain
[10]
Ang Tsina ay may hangganan sa mga bansang:
Vietnam
,
Laos
,
Burma
,
India
,
Bhutan
,
Nepal
,
Pakistan
,
Afghanistan
,
Tajikistan
,
Kyrgyzstan
,
Kazakhstan
, Russia,
Mongolia
and
North Korea
. Ang hangganan ng Tsina sa Pakistan ay nasa probinsiyang
Kashmir
, na ina-angkin din ng
India
.
Ang territoryo ng Tsina ay may malawak na lupainng-scape (
landscape
). Sa silangan matatagpuan ang
Dagat Dilaw
at ang
Dagat Silangang Tsina
, maraming matataong lugar na matatagpuan sa
alluvial plains
, habang may mga damuhan sa Inner Mongolia. Ang Timog Tsina ay mabundok. Sa gitnang-silangan naman ng Tsina matatagpuan ang mga pangunahing
ilog
ng bansa, ang
Ilog Dilaw
at
Ilog Yangtze
(Chang Jiang) na malapit sa
Beijing
.
Ang pamahalaan ng Tsina ay tinuturing na
komunismo
at
sosyalismo
na tinuturing din
awtoritaryanismo
, dahil sa mahigpit na mga batas at
censorship
, lalo na sa
internet
,
balita
, rali, kalayaang magka-anak, at kalayaan sa
pananampalataya
. Ngunit, mas maluwag na ang mga batas sa PRC kumpara noong dekada '70 pero ang sistema ng kalayaan sa isang republika ay mas higit pa sa kanilang sistema. Ang kasalukuyang pangulo ng bansa ay si
Xi Jinping
, habang ang
Punong Ministro
naman ay si
Li Keqiang
. Ang bansa ay pinamumunuan ng
Partido Komunista ng Tsina
; sila din ang nagpapatupad ng Saligang Batas sa bansa.
[11]
Ang Republikang Bayan ng Tsina ay may kapangyarihang pampangasiwaan sa lahat ng dalawampu't dalawang mga lalawigan (省) at kinokonsidera ang
Taiwan
bilang ang kanyang ika-dalawampu't tatlong lalawigan.
[12]
Maliban sa mga lalawigan, may limang
mga nagsasariling mga rehiyon ng Tsina
(自治?), na ang bawat isa ay may nakatalagang mga pangkat na minoridad; apat na
bayan
(直?市); at dalawang
Espesyal na rehiyong administratibo
(特?行政?). ang dalawampu't dalawang lalawigan, limang mga nagsasariling mga rehiyon at apat na bayan ay maaaring sabihin bilang "Punong Kapuluan ng Tsina", isang kataga na kadalasang hindi kasama ang Hong Kong At Macau. Ang mga sumusunod ay ang talaan ng pagkakahating pampangasiwaan ng lugar na nasa ilalim ng pamamahala ng Republikang Bayan ng Tsina.
Bukod sa
Taiwan
, ilan sa mga teritoryong inaangkin ng Tsina ay ang kabuuan ng
Silangan
at
Timog Dagat Tsina
at ang mga kapuluan nito (
Paracel at Spratlys sa Timog
at
Senkaku
sa Silangan) at ang estado ng
Arunachal Pradesh
sa
Republika ng India
.
Ang Tsina ay may tatlong kasalukuyang diplomatikang ugnayan sa maraming mahinang bansa. Ang bansang
Suwesya
ang unang kanluraning bansa na-nakipagugnayan sa bansa noong 9 Mayo 1950.
[14]
Noong 1971, pinalitan ng Republikang Bayan ng Tsina ang
Republika ng Tsina
bilang kinatawan sa
Nagkakaisang Bansa
bilang isa sa limang permanenteng kasapi ng
Tanggulang Konseho ng mga Nagkakaisang Bansa
.
[15]
Ipinapasaisip na ang Republikang Bayan ay isa sa mga pangunahing kasapi ng
Nagkakaisang Bansa
, kahit man hindi pa kontrolado ng RBT ang Tsina noong panahong iyon, at bagkus sila ang itinuring na lehitimong namamahala sa kabuuhan ng Tsina.
Mula ng itatag ang PRC noong 1949 hanggang sa mga huling buwan ng 1978, ang Republikang Bayan ng Tsina ay may ekonomiya na katulad ng
Unyong Sobyet
. Ang mga negosyong pribado at capitalismo ay pinigilan. Para umunlad at maging industrializado ang ekonomiya, sinimulan ni
Mao Zedong
ang
Great Leap Forward
na ngayon ay naging kilala sa bansa nila at sa
mundo
bilang isang malaking pagkakamali at isang makataong sakuna. Sa pagkamatay niya, si
Deng Xiaoping
at ang bagong Tsinong pinunoan (leadership) at pinatigil ang
Rebolusyong Kultural
at gawin na maging
market-oriented
ang ekonomiya sa pamumuno ng isang partido lamang. Ginawang pribado ang taniman upang dumami ang aanihin; maramihang maliliit na negosyo ay pinayagan dumami habang ang pamahalaan ay binawasan ang "sapilitang presyohan"; at nagtawag sila ng mga ibang bansa upang mag-invest. Ang pakikipag-kalakalan sa ibang bansa ay ang pokus upang maging pamamaraan sa paglago ng ekonomiya, kaya ginawa nila ang
Special Economic Zones (SEZs)
na matatagpuan sa Shenzhen (malapit sa
Hong Kong
) at sa iba pang lungsod. Ang mga negosyo na pag-aari ng pamahalaan ay binago sa pamamagitan ng pag-gamit ng pamamaraan ng mga kanluranin habang ang mga malapit na maluging negosyo ay pinasara na, kaya nagkaroon ng pagkawala ng trabaho.
Gumaganda ang ekonomiya ng PRC, at ang kanilang pamilihang pagtingi (
retail market
) ay may halagang RMB8921 bilyon (US$1302 bilyon)noong 2007 at lumalaki sa porsyentong 16.8% kada taon.
Noong Hulyo 2006, mayroon nang 1,313,973,713 katao sa PRC. Halos 20.8% (lalaki 145,461,833; babae 128,445,739) ay mga bata na ang edad ay 14 pababa , 71.4% (lalaki 482,439,115; babae 455,960,489) ay nasa edad 15 hanggang 64 taon, at 7.7% (lalaki 48,562,635; babae 53,103,902) ay ang edad ay mahigit pa sa 65 taong gulang. Ang porsiyento ng pagtaas ng populasyon noong 2006 ay 0.59%.
[16]
Mayroong 56 na mga pangkat-etniko sa PRC, na ang pinakamarami ay ang
Tsinong Han
, na bumubuo ng 91.9% ng populasyon. Ang ibang minoridad na pangkat-etniko ay binubo ng
Zhuang
(16 milyon),
Manchu
(10 milyon),
Hui
(9 milyon),
Miao
(8 milyon),
Uyghur
(7 milyon),
Yi
(7 milyon),
Tujia
(5.75 milyon),
Mongols
(5 milyon),
Tibetans
(5 milyon),
en:Buyei
(3 milyon), at
Koreano
(2 milyon).
[17]
Sa kasalukuyan, ang PRC ay may mga dosenang mga malalaking lungsod na may halos 1 milyon na residenteng matagal nang tumitira doon, yun ang
Beijing
,
Hong Kong
, at
Shanghai
.
Ang mga malalaking lungsod sa Tsina ay may mahalagang gampaning sa nasyunal at rehiyonal na pagkakakilanlan, kultura at ekonomiya.
Noong 11 Marso 2008, ipinahayag ng Republikang Bayan ng Tsina na hindi nito babaguhin ang patakarang
"isang-anak lamang"
para sa bawat mag-asawa sa loob ng isa pang dekada. Dahil ito sa pagpakabalisa ng Komisyon ng Populasyong Pang-estado at Pagpaplano ng Pamilya ng Tsina, sapagkat ang pagtaas ng bilang ng populasyon ay maaaring makaapekto sa katatagan ng lipunan at sa ekonomiya ng bansa.
[18]
Pinakamalalaking mga lungsod o bayan sa
Tsina
|
|
Ranggo
|
Pangalan
|
Lalawigan
|
Pop.
|
Ranggo
|
Pangalan
|
Lalawigan
|
Pop.
|
|
Shanghai
Beijing
|
1
|
Shanghai
|
–
|
20,217,700
|
11
|
Chengdu
|
Sichuan
|
6,316,900
|
Chongqing
Guangzhou
|
2
|
Beijing
|
–
|
16,446,900
|
12
|
Nanjing
|
Jiangsu
|
6,238,200
|
3
|
Chongqing
|
–
|
11,871,200
|
13
|
Shenyang
|
Liaoning
|
5,718,200
|
4
|
Guangzhou
|
Guangdong
|
10,641,400
|
14
|
Hangzhou
|
Zhejiang
|
5,578,300
|
5
|
Shenzhen
|
Guangdong
|
10,358,400
|
15
|
Xi'an
|
Shaanxi
|
5,399,300
|
6
|
Tianjin
|
–
|
9,562,300
|
16
|
Harbin
|
Heilongjiang
|
5,178,000
|
7
|
Wuhan
|
Hubei
|
7,541,500
|
17
|
Suzhou
|
Jiangsu
|
4,083,900
|
8
|
Dongguan
|
Guangdong
|
7,271,300
|
18
|
Qingdao
|
Shandong
|
3,990,900
|
9
|
Hong Kong
|
–
|
7,055,071
|
19
|
Dalian
|
Liaoning
|
3,902,500
|
10
|
Foshan
|
Guangdong
|
6,771,900
|
20
|
Zhengzhou
|
Henan
|
3,677,000
|
Ang 59% ng populasyon ng Tsina, o tinatayang nasa 767 milyong katao - ay sinasabi na sila ay walang relihiyon.
[19]
Subalit, ang mga ritwal at relihiyon - lalung lalo ng ang mga paniniwalang kaugalian ng
Confucianismo
at
Taoismo
- ay may malaking bahagi sa mga buhay ng karamihan. Tinatayang nasa 33% ng populasyon ay sumusunod sa magkahalong paniniwala na kadalasang tinatawag n mga mga estadistika na "Tradisyunal na Paniniwala" o bilang "Iba".
Pagkakahating Pampolitika ng
Tsina
|
---|
Lalawigan
| |
---|
Rehiyong Nagsasarili
| |
---|
Munisipalidad
| |
---|
Rehiyong Administratibo
| |
---|
Inaangking Lalawigan
| |
---|