Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang
pagsusulat
ay isang paglalarawan ng
wika
sa tekstuwal na tagapamagitan sa pamamagitan ng paggamit ng isang pangkat ng mga tanda o sagisag (kilala bilang
sistema ng pagsulat
). Iniiba ito sa
larawang-guhit
, katulad ng mga
larawang-guhit sa yungib
at
pinta
, at ang pagtatala ng wika sa pamamagitan ng hindi-tekstuwal na tagapamagitan katulad ng magnetikong teyp na awdyo.
Ang pagsusulat ay maaaring nagsimula bilang isang kinahinatnan ng pagpapalaganap na pampolitika ng sinaunang mga kultura, na nangailangan ng maaasahang pamamaraan ng pagpapakalat ng kabatiran o impormasyon, pagpapanatili ng mga kuwentang pampananalapi, pagpapanatili ng mga pangkasaysayang mga pagtatala, at kahalintulad na mga gawain. Noong bandang ika-4 na milenyo BK, ang kasalimuotan ng kalakalan at pangangasiwa sa
Mesopotamia
ay humigit pa at lumampas sa memorya o alaala ng tao, at ang pagsusulat ay naging isang mas maaasahan o masasalalayang paraan ng pagtatala o pagrerekord at paghaharap ng mga transaksiyon na nasa isang anyong permanente o pamalagian.
[1]
Sa kapwa
Sinaunang Ehipto
at
Mesoamerika
, ang pagsusulat ay maaaring nagsimula at umunlad sa pamamagitan ng mga pangkalendaryong pagbibilang o pagtutuos (
kalendriko
) at isang pangangailangang pampolitika para sa pagtatala ng mga kaganapang pangkasaysayan at pangkapaligiran. Ang pinakamatandang nalalamang paggamit ng pagsusulat sa Tsina ay ang sa
dibinasyon
o panghuhula sa loob ng royal na korte.
Tingnan din
Mga sanggunian