Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang mga
Aprikanong Amerikano
o
Amerikanong Itim
ay ang mga mamamayan ng
Estados Unidos
na may pinagmulan sa mga
taong itim
ng
Aprika
.
[1]
Sa Estados Unidos, ang terminong ito ay kadalasang tumutukoy sa mga Amerikanong na may pinagmanahang
Sub-Saharanong Aprikano
. Karamihan ng mga African Americans ay ang direktang inapo ng mga hinuling mga Aprikano na nakaligtas sa
panahon ng pang-aalipin
sa loob ng hangganan ng kasalukuyang Estados Unidos, ngunit ang iba sa kanila ay mula sa mga immigrante mula sa mga bansang Aprikano, Karibeano, Gitnang Amerikano, o Timog Amerikano.
[2]
Ang kasaysayang Aprikanong Amerikano ay nagsisimula sa ika-17 siglo sa marahas na pagkaalipin sa mga Amerikong kolonya at sa kasalukuyan sa paghalal ng isang Aprikanong Amerikanong presidente bilang 44 at kasalukuyang
Presidente ng Estados Unidos
na si
Barack Obama
. Sa pagitan ng mga pangyayaring iyan ay iba pang mga pangyayari at mga isyu, parehong nalutas at patuloy na namumukhaan ng mga Aprikano-Amerikano. Ang ilan sa mga ito ay:
pang-aalipin
,
rekonstruksiyon
, pag-unlad ng mga
pamayanang Aprikanong Amerikano
, sa ilang mga hidwaan sa laban sa
militar ng Estados Unidos
,
panlahing paghihiwalay
o
segregasyon
, at ang mga
Kilusang Pangkarapatang Sibil
.
Ang mga Itim na Amerikano ay ang pinakamalaking
minorya sa lahi o lipi sa Estados Unidos
at ang ikalawang pinakamalaking grupo ng lahi pagkatapos ng mga
puti sa Estados Unidos
.
[3]
Mga sanggunian