Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Si
Rachel Louise Carson
(27 Mayo 1907 ? 14 Abril 1964) ay isang
Amerikanang
biyologong pandagat
(
marine biologist
) at manunulat ng
kalikasan
na kadalasang pinupuri sa mga sulat na nagsimula ng pandaigdigang kilusang pangkalikasan. 15 mga taon na naghanapbuhay si Carson bilang isang
biyologo
,
siyentipiko
, at
patnugot
sa
U.S. Bureau of Fisheries
(Opisina ng Pangisdaan ng Estados Unidos) at pagkaraan ay sa
Palingkurang Pang-isda at mga Hayop sa Kalikasan ng Estados Unidos
. Ang mga aklat niya ay naging napakahalaga sa pagtulong sa paglaki ng
kilusang pangkalikasan
. Naging tanyag siya dahil sa pagsulat ng
Silent Spring
(Tahimik na Tagsibol). Isinulat din niya ang isang pangkat ng tatlong mga aklat na patungkol sa karagatan at kung anu-anong mga bagay ang mga nabubuhay sa loob nito at sa paligid nito.
Nakuha ng
Silent Spring
ang pansin ng maraming mga Amerikano. Bago ito dumating, hindi gaanong karaming tao ang nag-aalala hinggil sa suliraning pangkalikasan at
konserbasyon
. Tiningnan ng aklat ang mga problema na may kaugnayan sa
DDT
at iba pang mga pamuksa ng peste (mga kemikal na pumapatay ng mga peste, katulad ng mga
lamok
at mga
langaw
). Dating iniisip na ang mga pamatay ng mga pesteng ito ay hindi delikado, subalit sa katunayan ang mga ito ay nagdurulot sa pagkamatay ng maraming mga ibon. Nananatili ang DDT sa loob ng mga kulisap at mga isda na kinain ng mga ibon. Pagkaraan ay nangingitlog ang mga ibon ng mga itlog na mayroon mga balat na maninipis at mabibiyak. Ang ilan sa mga ibon, katulad ng
Agilang Kalbo
, ay halos naglaho na mula sa
Estados Unidos
.
[1]
Sa kaniyang aklat, sinabi ni Carson na kapag hindi nagsagawa ang mga tao ng mga pagbabago hinggil sa paggamit ng mga pamuksa ng mga peste, maaaring wala nang matira pang mga ibon sa hinaharap. Sa halip na makarinig ng mga ibong umaawit sa panahon ng tagsibol, magiging tahimik lamang, at ito ang dahilan kung paano nakuha ng aklat ang pamagat nito.
Humantong ang aklat na ito sa isang pagbabago sa pambansang patakaran sa mga pamuksa ng peste at isang pagbabawal sa paggamit ng DDT at ilang iba pang mga pamatay ng peste.
[2]
Ang bago at katutubong kilusang makakalikasang ito, na pinukaw ng aklat ni Carson, ay humantong sa paglikha ng
Environmental Protection Agency
(Ahensiya sa Pangangalaga ng Kalikasan ng Estados Unidos). Pagkaraan ng kamatayan ni Carson, siya ay ginawaran ng
Pampangulong Medalya ng Kalayaan
ni
Jimmy Carter
. Mayroong isang
Pambansang Kanlungan ng mga Hayop ng Kalikasan
sa
Maine
na ipinangalan para kay Carson.
[3]
|
---|
Pandaigdigan
| |
---|
Pambansa
| |
---|
Akademya
| |
---|
Artista
| |
---|
Tao
| |
---|
Iba pa
| |
---|