Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang
Pambansang Pamantasang Chiao Tung
(
Ingles
:
National Chiao Tung University
, NCTU) ay isa sa mga nangungunang pampublikong unibersidad sa pananaliksik sa
Taiwan
na matatagpuan sa lungsod ng Hsinchu. Ang NCTU ay itinatag sa Xujiahui,
Shanghai
bilang Pampublikong Paaralang Nanyang (Ingles: Nanyang Public School, 南洋公學) ni Sheng Xuanhuai noong 1896. Pagkatapos ng
Digmaang Sibil ng mga Tsino
, ang NCTU ay muling itinatag sa Hsinchu sa pamamagitan ng mga dating guro at estudyante ng
Pamantasang Chiao Tung
sa Shanghai noong 1958. Ang Unibersidad ay itinuturing na isa sa mga selektibong mga paaralan sa Taiwan. Humigit-kumulang sa 65% ng mga CEO sa mga kumpanyang
high-tech
sa Hsinchu Science Park ay mula sa NCTU. Mula 2006 hanggang 2010, merong 336 patente ang iginawad, at ang paglilipat ng teknolohiya ay nagkakahalaga ng higit sa US$13 milyon, na siyang nangunguna sa anumang unibersidad sa Taiwan.
[1]
Ang unibersidad ay binuo sa
Pambansang Pamantasang Yang-Ming
sa bagong
Pambansang Pamantasang Yang Ming Chiao Tung
noong ika-1 ng Pebrero 2021.
[2]
24°47′45″N
120°59′05″E
/
24.795861°N 120.984766°E
/
24.795861; 120.984766
Ang lathalaing ito na tungkol sa
Edukasyon
ay isang
usbong
. Makatutulong ka sa
Wikipedia
sa
pagpapalawig
nito.