Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Carlos VI, Banal na Emperador Romano
|
Lalad
|
Habsburgo
|
Si
Carlos VI
(
Aleman
:
Karl
;
Latin
:
Carolus
; 1 Oktubre 1685 - 20 Oktubre 1740) ay
Banal na Emperador ng Roma
at pinuno ng Austriakong
Monarkiyang Habsburgo
mula 1711 hanggang sa kaniyang kamatayan, humalili sa kaniyang nakatatandang kapatid na si
Jose I
. Hindi niya matagumpay na naangkin ang trono ng Espana pagkatapos ng pagkamatay ng kanyang kamag-anak, si
Carlos II
. Noong 1708, pinakasalan niya si
Isabel Cristina ng Brunswick-Wolfenbuttel
, kung saan nagkaroon siya ng apat na anak: Leopold Johann (na namatay sa pagkabata),
Maria Theresa
(ang huling direktang Habsburgong soberano),
Maria Anna
(Gobernadora ng
Austriakong Olanda
), at Maria Amalia (na namatay rin sa pagkabata).
Si Arkiduke Carlos (binyagan bilang
Carolus Franciscus Josephus Wenceslaus Balthasar Johannes Antonius Ignatius
), ang pangalawang anak ng Emperador
Leopoldo I
at ng kaniyang ikatlong asawa, si
Prinsesa Leonor Magdalena ng Neuburg
, ay isinilang noong 1 Oktubre 1685. Ang kaniyang tagapagturo ay si
Anton Florian, Prinsipe ng Liechtenstein
.