Ang
Amatrice
(
pagbigkas sa wikang Italyano:
[ama?triːt?e]
;
Sabino
:
L'Amatrici
) ay isang bayan at
komuna
(munisipalidaad) sa
Lalawigan ng Rieti
sa rehiyon ng
Lazio
sa gitnang
Italya
, at ang sentro ng pook pagkain-agrikultural ng
Pambansang Liwasan ng Gran Sasso e Monti della Laga
. Ang bayan ay nasalanta ng isang malakas na lindol noong 24 Agosto 2016.
Noong 1265, sa panahon ng paghahari ni
Manfredo ng Sicilia
, ang Amatrice ay naging bahagi ng
Kaharian ng Napoles
. Matapos makuha ng mga
Anjevino
ang Napoles, naghimagsik ang Amatrice ngunit natalo ni
Charles I ng Anjou
noong 1274, kahit na pinanatili nito ang ilang uri ng awtonomiya bilang isang
universitas
.
Kabilang sa
frazione
ng bayan ang Aleggia, Bagnolo, Capricchia, Casale, Casale Bucci, Casale Celli, Casale Masacci, Casale Nadalucci, Casalene, Casale Nibbi, Casale Sanguigni, Casale Sautelli, Casale Zocchi, Casali della Meta, Cascello, Castel Trione, Collalto, Collecreta, Collegentilesco, Collemagrone, Collemoresco, Collepagliuca, Colletroio, Colli, Conche, Configno, Cornelle, Cornillo Nuovo, Cornillo Vecchio, Cossara, Cossito, Crognale, Domo, Faizzone, Ferrazza, Filetto, Fiumatello, Formechicianolet, Leicon, Nommisci, Osteria della Meta, Pasciano, Patarico, Petrana, Pinaco Arafranca, Poggio Vitellino, Prato, Preta,
Rio
, Retrosi, Roccapassa, Rocchetta, Saletta, San Benedetto, San Capone, San Giorgio, San Lorenzo a Pinaco, San Sebastiano, Santa Giusta, Sant'Angelo, San Tommaso, Scai, Sommati, Torrita, Torritella, Varoni, Villa San Cipriano, Villa San Lorenzo e Flaviano, at Voceto.
[3]