Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Sa agham, ang
elemento
(mula sa
espanyol
elemento
) ay isang kalipunan ng mga
atom
na may natatanging bilang ng
proton
sa
nucleus
. Ang bilang na ito ay tinatawag na numero atomiko ng elemento. Halimbawa, ang lahat ng atom na may 6 na proton sa kanyang nucleus ay atom ng elementong
karbon
, at ang lahat ng mga atom na may 92 proton sa kanilang nucleus ay atom ng elementong
uranium
.
Mayroon na tayong 118 na mga elemento, mula
idroheno
(na nagtataglay ng isang proton) hanggang
oganeson
(na mayroong 118 na proton).
Ang pinakamakisig na pagpapakita ng mga elemento ay ang
talaang peryodiko
. Ito ay nagpapangkat sa mga elemento na may magkakamukha ng katangian. Matutunghayan rin ang listahan ng mga elemento na iniayos ayon sa pangalan, simbolo o numero atomiko.
Dahil sa ang bilang ng mga proton sa nucleous ang nagdidikta sa bilang ng
electron
sa palibot ng nucleus at nang kaniyang katangian, at dahil sa ang mga electron ang panglabas na bahagi ng atom (ang bahaging rabaw na nakikita ng sanlibutan), ang pagkakakilanlan ng isang elemento ang nagdidikta kung paano ito makikipagsanib sa ibang kemikal. May ilang banayad na pagbabago sa katangiang kemika ang idinudulot ng bilang ng
neutron
sa nucleous ng halos ‘iisang’ elemento.
Tingnan ang katumbas na artikulo sa
Wikipediang Ingles
para sa mas malawak na pagtalakay ng paksang ito.