Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ursus maritimus
|
|
Katayuan ng pagpapanatili
|
|
Klasipikasyong pang-agham
|
Dominyo:
|
Eukaryota
|
Kaharian:
|
Animalia
|
Kalapian:
|
Chordata
|
Hati:
|
Mammalia
|
Orden:
|
Carnivora
|
Pamilya:
|
Ursidae
|
Sari:
|
Ursus
|
Espesye:
|
U. maritimus
|
Pangalang binomial
|
Ursus maritimus
|
|
Sakop ng polar bear
|
Kasingkahulugan
|
Ursus eogroenlandicus
Ursus groenlandicus
Ursus jenaensis
Ursus labradorensis
Ursus marinus
Ursus polaris
Ursus spitzbergensis
Ursus ungavensis
Thalarctos maritimus
|
Ang
Ursus maritimus
(
Ingles
:
polar bear
), ay isang malaking
osong
naninirahan sa
Artiko
. Unti-unti na itong nangangamatay dahil sa
pag-init ng globo
na nagdurulot ng pagkaunti ng yelo. Kaya't kapag lumalangoy ang mga polar bear, hindi sila nakapapamahinga, at nalulunod.
Ang balat ng polar bear ay binubuo ng isang patong ng makapal na pang-ilalim na balat at isang panlabas na sapin ng pansanggalang na mga buhok, na lumilitaw na puti o may pagkakayumanggi subalit nanganganinag sa katunayan. Napapanatiling mainit ang kanilang pakiramdam dahil sa mabalahibong kabalatan.
[3]
Malalaksa sila at nakalalangoy din. Katulad ang kanilang sukat o laki sa isang pangkaraniwang oso ngunit may mas payat na leeg, mahahabang mga binti, at balahibo.
Karamihan sa kanila ang karniboro o kumakain ng karne. Karamihan sa mga kinakain nila ang mga
karnerong dagat
at isda. Kapag naninila ang mga osong polar, kalimitan silang naghihintay sa mga butas sa niyebe, kung saan umaahon o sumisilip upang huminga. Namumuhay silang nag-iisa. Pumipiling sa kanilang mga ina ang mga batang polar bear sa loob ng 1.5?2.5 mga taon, at nagiging nasa hustong gulang na kapag 5?6 mga taon na. Iniisip ng mga tao na umaabot sa 25?30 taong gulang sa kalikasan ang mga osong polar, subalit umaabot ng 45 mga taon ang buhay kung nasa mga soo o katulad na pook.
Nagtatalk ang mga lalaki at babaeng osong polo tuwing Abril o Mayo. Isinisilang ang osong tuta o sanggol na osong polo tuwing Disyembre kung kailan nasa proseso ng hibernasyon o namamahingang natutulog sa loob ng saglit napanahon ang ina nito. Nananatili sa lungga ang tuta na kapiling ang ina, at lumalabas na sila pagkaraan. Kailangan nilang kumain kaagad pagkatapos ng hibernasyon. Kung minsan, dahil sa pag-init ng globo, hindi ito maaari at namamatay ang mga tutang oso bago sila magkaroon ng pagkakataong mamuhay. Nililisan ng ina ang tuta pagsapit ng 2?3 mga taon.
May kaugnay na midya ang Wikimedia Commons tungkol sa artikulong: