한국   대만   중국   일본 
San Roque - Wikipedia, ang malayang ensiklopedya Pumunta sa nilalaman

San Roque

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
San Roque
Saint Roch ni Francesco Francia
Tagapagpaamin
Ipinanganak c.  1348 ( trad. 1295)
Montpellier , Kaharian ng Majorca
Namatay Agosto 15/16 1376/79
Voghera , Kondado ng Savoy ( trad. 1327, Montpellier)
Benerasyon sa Simbahang Katolika Romana
Komunyong Anglikano
Iglesia Filipina Independiente
Kanonisasyon sa pamamagitan ng popular na matinding alab; idinagdag sa Roman Martyrology ni Papa Gregorio XIV
Pangunahing dambana San Rocco, Venice , Italya
Kapistahan Agosto 16
Agosto 17 (Ikatlong Orden ni San Francisco)
Katangian Sugat sa hita, asong naghahandog ng tinapay, Pilgrim's hat , Pilgrim's staff
Patron Sarmato , Altare at Girifalco , Italya. Nilalapitan hinggil sa: kolera, epidemya, suliranin sa tuhod, salot, mga sakit sa balat. Santo na patron ng: mga binata, bakang maysakit, aso, taong inakusahan nang may kabulaanan, imbalido, Istanbul, siruhano, gumagawa ng tisa, [1] sepulturero, mga merkader ng mga bagay na segunda-mano, peregrinahe, apotekaryo, Lungsod ng Cavite , Asturias, Cebu , Cordova, Cebu , Diyosesis ng Kalookan

Si San Roque ( Ingles : Saint Roch o Rocco ; namuhay noong mga 1348 ? Agosto 15/16, 1376/79 (tradisyonal na mga 1295 ? Agosto 16, 1327 [2] ) ay isang santong Katoliko, isang tagapagpaamin na ginugunita sa Agosto 16 ang kaniyang kamatayan at Setyembre 9 sa Italya; katangi-tanging sinusumamo siya hinggil sa salot . Maaring tawagin siyang Rock sa Ingles, at may katawagang siyang St Rollox sa Glasgow , Eskosya , na sinasabing isang pag-iiba ng St Roch's Loch , na tumukoy sa isang maliit na lawa ( loch ) na malapit dati sa isang kapilyang inilaan kay San Roque noong 1506. [3] [4]

Siya ay pintakasi ng mga aso, baldado, taong inakusahan nang may kabulaanan, batsilyer , at ilan pang ibang mga bagay. Siya ay patrong santo ng mga komuna (lungsod) ng Dolo (malapit sa Venice ) at Parma . Patron din siya ng mga komuna ng Casamassima , Cisterna di Latina at Palagiano sa Italya. [5]

Kilala si San Roque bilang " Sao Roque " sa Portuges. " San Roque " rin ang pangalan niya sa Kastila pati na rin sa maraming mga lugar na gumagamit na ngayon ng wikang Ingles.

Etimolohiya [ baguhin | baguhin ang wikitext ]

Narito ang pangalan ni San Roque sa iba't-ibang mga wika:

Pagsisipi [ baguhin | baguhin ang wikitext ]

  1. "Patron Saints Index: Saint Roch" . Saints.sqpn.com. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2013-11-05 . Nakuha noong 2012-02-22 . {{ cite web }} : CS1 maint: date auto-translated ( link )
  2. Ang petsa ay binigay ni Francesco Diedo sa kaniyang Vita Sancti Rochi noong 1478.
  3. "Garngad & Royston" . Royston Road . Nakuha noong 2016-06-01 . {{ cite web }} : CS1 maint: date auto-translated ( link )
  4. " "Our History", St. Rollox Church of Scotland, Glasgow" . Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2018-01-19 . Nakuha noong 2020-06-19 . {{ cite web }} : CS1 maint: date auto-translated ( link )
  5. "The Church of Santa Croce, what to see a Casamassima" . Borghi magazine . Inarkibo mula sa ang orihinal noong 18 Abril 2018 . Nakuha noong 17 Abril 2018 . {{ cite web }} : CS1 maint: date auto-translated ( link )

General references [ baguhin | baguhin ang wikitext ]

Mga kawing panlabas [ baguhin | baguhin ang wikitext ]