Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Pampapang styles ni
Papa Melquiades
|
---|
|
Sangguniang estilo
| His Holiness
|
---|
Estilo ng pananalita
| Your Holiness
|
---|
Estilo ng relihiyoso
| Holy Father
|
---|
Estilo ng pumanaw
| Saint
|
---|
Si
Papa Melquiades
o
Miltiades
o
Melchiades
(Μελχι?δη? ? ?φρικαν?? sa Griyego) ang
Papa ng Simbahang Katoliko Romano
mula 2 Hulyo 311 CE hanggang 10 Enero 314 CE.
[1]
Ayon sa
Liber Pontificalis
, si Miltiades ay isang Aprikano. Ang kanyang pagkahalal ay nagmamarka ng pagwawakas ng isang panahong
sede vacante
na tumagal mula sa kamatayan ni
Papa Eusebio
noong 17 Agosto 310 CE o ayon sa iba ay 309 CE sa sandaling pagkatapos ipatapon ni Emperador
Maxentius
si Eusebi sa Sicily. Sa kanyang pagkapapa noong Oktubre 312 CE, tinalo ni
Dakilang Constantino
si Maxentius at nakuha ang kontrol ng Roma. Prinisinta ni Constantino sa papa ang
Palasyong Laterno
na naging tirahan na pang-papa at upuan ng pamahalaang Kristiyano. Sa simula 313 CE, si Emperador Constantino at Emperador
Licinius
ay umabot sa
Kautusan ng Milan
na nagbibgay ng kalayaan sa
relihiyon
sa mga Krisityano at iba pang mga relihiyon at nagbalik ng mga pag-aari ng simbahang Kristiyano. Kalaunan noong 313 CE, nangasiwa si Miltiades sa
Synod na Laterano
sa Roma na nagpawalang sala kay
Caecilian ng Carthage
at kumondena kay
Donatus
bilang
sismatiko
. Pagkatapos ay inanyayahan siya sa
Konseho ng Arles
ngunit namatay bago ito idaos.
|
---|
ika-1 hanggang ika-4 na siglo CE
| | |
---|
ika-5 hanggang ika-8 na siglo CE
| |
---|
ika-9 hanggang ika-12 na siglo CE
| |
---|
ika-13 hanggang ika-16 na siglo CE
| |
---|
ika-17 siglo hanggang sa kasalukuyan
| |
---|
|