Ang
pananaliksik
o
imbestigasyon
ay ang "sistematikong pagsusuri o pagsisiyasat ng isang paksa, pangyayari, at iba pa."
[1]
Malikhain
at sistematikong gawain ang pananaliksik, na ginagawa upang lumawak ang
kaalaman
."
[2]
Saklaw nito ang pangongolekta, pag-oorganisa, at pagsusuri sa mga impormasyon para mapalawak pa nang husto ang kaalaman tungkol sa isang paksa o isyu. Maaaring maging isang pagpapalawak sa kaalaman ang layunin ng isang pananaliksik. Madalas itong isinasagawa sa mga paaralan at pamantasan, gayundin sa pribadong sektor (bilang bahagi ng kanilang
research & development
). Layunin ng mga
mananaliksik
na tukuyin kung de-kalidad ba ang isang
instrumento
, mainam ba ang isang
pamamaraan
, tama ba ang
eksperimento
, o di kaya'y totoo ba ang isang panukala at
teorya
.
Etimolohiya
Ang salitang
pananaliksik
ay ang anyong
pangngalan
ng
pandiwa
na
saliksik
("maghanap").
[1]
[3]
Nanggaling naman ang
imbestigasyon
sa salitang
Kastila
na
investigacion
.
[4]
Samantala, ang katumbas na salita sa
Ingles
,
research
, ay galing naman sa
Gitnang Pranses
na
recherche
("maggalugad"), na nagmula naman sa
Lumang Pranses
na
recerchier
("muling paghanap").
[5]
Kasaysayan
Isinilang ang gawaing pananaliksik ng magsimulang magtanong ang mga naunang mga tao sa mundo hinggil sa mga bagay-bagay at nagsimula ring maghanap ng mga kasagutan para sa mga katanungang ito. Halimbawa ng mga ito ang mga lumikha ng
gulong
at ang mga nagsipagtala ng mga paggalaw ng mga
bituin
ng
kalangitan
. Subalit nagsimula lamang ang tunay na makabagong gawi sa pagsasaliksik dahil kay
Galileo Galilei
noong mga
1500
.
[6]
Mga gawain
Kabilang sa mga pangunahing gawain sa pagsasaliksik ang mga sumusunod: pagsusukat o pagsusuri ng mga kaganapan o kababalaghan, paghahambing ng nakuhang mga resulta, at ang pag-unawa o pagpapaliwanag ng mga resulta ayon sa mga pangkasalukuyang kaalaman kabilang ang mga nakapagbabagong sangkap, na maaaring makaimpluwensiya sa resulta.
Mga paraan
Upang makapagsaliksik, nagpupunta ang isang mananaliksik sa mga
aklatan
,
museo
,
laboratoryo
nakikipanayam sa mga dalubhasa, at nangongolekta ng mga opinyon sa mga mamamayan. Sa simula, nagbabasa sila ng sangguniang mga aklat na naglalaman ng pangkalahatang kaalaman o may tiyak na mga paksa, katulad ng
talahuluganan
,
ensiklopedya
,
taunang-aklat
,
atlas
,
mapa
,
globo
, at
indeks
. Nagsisimula ang isang mananaliksik na alamin muna o ganap na unawain ang kaniyang napiling paksa, katanungan, o napiling suliraning ibig tugunin. Mula sa mga aklat na pangsanggunian, inaalam niya ang mga pang-alalay na mga paksang kaugnay ng pangunahing paksa.
[6]
Mga uri
Mga pangunahing uri
Kabilang sa mga pangunahing uri o gawi sa pananaliksik ang
payak
at
nilapat
na pananaliksik:
[6]
- Basiko o payak na pananaliksik
- Tinatawag din itong
puro
o
pundamental
na pananaliksik na isinasagawa sa mga laboratoryo o klinikang pang-eksperimento.
- Ito ang paglalapat ng mga kaalaman sa mga gawaing pampananaliksik, o paggamit ng mga kaalaman sa pananaliksik na magagamit para sa pagpapaunlad ng lipunan. Kabilang dito ang mga protokol (protokolo) o mga sinusunod at tinutupad na paraan sa mga pananaliksik na klinikal.
Iba pang mga uri
Kasama rin sa mga uri ng pananaliksik ang mga
pang-akademya
,
pang-agham
,
pampamilihan
,
pang-edukasyon
,
pangkasaysayan
,
pangwika
, at
may pag-uugnayan ng mga disiplina
:
[6]
-
- Iba ito sa pananaliksik na pangedukasyon sa ibaba sapagkat isinasagawa ito ng mga mag-aaral, hindi sila ang pinag-aaralan ng mananaliksik. Nagsasaliksik ang mga estudyante upang makapagsulat ng mga takdang-aralin, sa pamamagitan ng pagbabasa ng maraming bilang ng mga aklat hinggil sa isang paksa, at nagtatala sila sa kanilang mga talaan. Ginagamit din ang gawing ito ng mga manunulat ng mga hindi kathang-isip na mga manuskrito o akda, upang maging tama ang kanilang mga impormasyong ginagamit sa pagsusulat.
-
- Tinatawag din itong Isang pangkaraniwang gawi sa pagsasaliksik ang makaagham na metodo. Ginagamit ang pananaliksik upang mapainam ang mga pagkaunawasa mga larangan ng
biyolohiya
, at iba pa. Dahil sa pang-agham na gawi ng pagsasaliksik, maaaring maisakatuparan ang pagkakatuklas ng mga bagong gamot na panglunas ng mga karamdaman, ang paglalang ng mga mas hindi-mapanganib na mga
sasakyan
, at kung paano makapag-aani ng mas maraming mga pagkain sa mga bukirin. Nagmumula sa mga pamahalaan, mga pribadong korporasyon, at mula sa nagbibigay-kusang mga samahan ang suportang pampananalapi sa ganitong uri ng mga pananaliksik.
-
- Isa itong sangay sa larangan ng
sikolohiya
sapagkat pinag-aaralan at sinusuri sa pananaliksik na pangmerkado o pangmarket ang kung ano ang mga bagay na binibili ng mga tao at kung paano sila naglilibang pagkatapos ng kanilang mga trabaho.
[6]
-
- May kaugnayan sa pagsusuri kung paano natututo ang mga tao sa ganitong uri ng pananaliksik, partikular na sa mga paaralan.
[6]
-
- Sinusuri rito ang lahat ng uri ng mga dokumentong katulad ng mga personal na talaan, mga liham, mga batas, mga resibo, mga sertipiko ng pagpapatibay, mga pahayagan, mga magasin, mga aklat, at mga kasangkapang tulad ng mga alahas, mga aparato, at mga kagamitang pantahanan. Ginagamit ito ng mga
arkeologo
.
[6]
-
- Tinatawag din itong
pananaliksik na lingguwistiko
sapagkat pinag-aaralan ang kung paano ginagamit ng mga tao ang sinasalitang wika, ang mga tunog sa wikang sinusuri, at maging ang pag-iimbistiga ng gawi sa pamumuhay ng mga mamamayang nasa isang pook.
[6]
-
- May isinasagawa ding mga pananaliksik na nagkakaugnayan ang iba't ibang larangan ng mga kaalaman. Kasama sa pangmakadisiplinang pananaliksik ang
multidisiplinaryo
,
interdisiplinaryo
, at
transdisiplinaryo
. Sa antas na
pang-multidisiplinaryo
o
maramihang mga larangan
, isinasagawa ang pagsusuri mula sa iba't ibang mga anggulo, at ginagamitan ng sari-saring mga pananaw ng mga larangan, ngunit hindi nagkakaroon ng pagsasanib. Sa
interdisiplinaryo
o
sa pagitan ng mga larangan
, nililikha ang isang katauhan ng metodolohiya o pamamaraan, isang identidad ng panukala (teoriya) o konsepto (diwa), na nagdurulot ng mas pinagsanib at mauunawaang mga resulta. Samantala, mas lumalaktaw sa mga gawi ng mga naunang may-ugnayang panlarangang pananaliksik ang
transdisiplinaryo
o
nagpapalitang (nagsasanib na) mga larangan
: sapagkat nagsasanib ang mga larangan o disiplina, kabilang ang pagkakaisa ng mga
epistemolohiya
, partikular na ang
Panukala ng mga Agham Pantao
o
Teoriya ng Agham Pangtao
.
Talababa
Mga sanggunian