Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang
pamumundok
(Ingles:
mountaineering
o
mountain climbing
) ay ang
isports
,
libangan
, o
larangan
(propesyon) ng mahabaang
paglalakad
(
hiking
),
pag-iiski
, at
pag-akyat
sa mga
bundok
. Nang magsimula ang pamumundok bilang mga pagtatangka na maabot ang pinakamataas na tuldok ng hindi pa naaakyat na malalaki at matatataas na mga bundok, nagsanga ito upang maging mga
espesyalisasyon
na humaharap sa iba't ibang mga
aspekto
ng bundok at binubuo ng tatlong mga pook: ang kasanayan pag-akyat sa mga mababatong bundok (
rock-craft
), ang kasanayan sa pag-akyat sa mayelo at maniniyebeng mga bundok (
snow-craft
), at
pag-iiski
(
skiing
), na nakabatay sa kung ang rutang napili ay nasa ibabaw ng
bato
,
niyebe
o
yelo
. Ang lahat ng mga ito ay nangangailangan ng karanasan, kakayanang atletiko, at kaalaman teknikal upang mapanatili ang kaligtasan.
[1]
Ang pamumundok ay madalas na tinatawag bilang
alpinismo
, partikular na sa mga
wikang Europeo
, na nagpapahiwatig ng pag-akyat na may kahirapan katulad ng pag-akyat sa bundok na
Alps
. Ang isang
mamumundok
o
mang-aakyat ng bundok
na mayroong ganiyang malaking kasanayan ay tinatawag na
alpinista
. Ang salitang alpinismo ay ipinanganak noong ika-19 daantaon upang tumukoy sa pag-akyat para sa layuning ng kasiyahan ang mismong pag-akyat bilang isang isport o rekreasyon, na kaiba mula sa umaakyat lamang habang nangangaso o bilang isang pilgrimaheng panrelihiyon na pangkalahatang ginagawa noong kapanahunang iyon.
[2]
Ang UIAA o
Union Internationale des Associations d'Alpinisme
(Pandaigdigang Kaisahan ng mga Samahan ng Alpinismo [o Pamumundok]), ay ang namamahalang katawan sa buong mundo para sa pamumundok at pag-akyat sa bundok, na humaharap sa mga paksang katulad ng pagpunta, pangmedisina, proteksiyon ng bundok, kaligtasan, kabataan at pag-akyat sa yelo o niyebe.
[3]