한국   대만   중국   일본 
Mikropono - Wikipedia, ang malayang ensiklopedya Pumunta sa nilalaman

Mikropono

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Isang uri ng mikropono.
Mikroponong pang- kompyuter .

Ang mikropono o microphone [1] [bigkas: maykrofown ], na tinatawag ding mike [bigkas: mayk ], maik (mga pinaikling bersyon ng microphone ) ay isang akostiko-hanggang-elektrikong transduktor o sensor na may kakayahing palitan o baguhin ang tunog para maging hudyat na elektriko . Ginagamit ang mga ito sa maraming mga bagay katulad ng telepono , grabador o rekorder ( tape recorder ), aparatong pantulong-sa-pandinig , produksiyon ng pelikula , buhay at nakarekord na inheriyang awdyo , sa pagbobrodkast sa radyo at telebisyon , at mga kompyuter para masagap ang tinig, VoIP , at maging sa mga di-akostikong paggamit tulad ng pagsusuring ultrasoniko .

Mga bahagi ng mikropono [ baguhin | baguhin ang wikitext ]

Kabilang sa mga payak na bahagi ng mikropono ang dayapram ( diaphragm ) at ang kapsula . Isang manipis at matalon na piraso ng metal, papel, o plastik ang nagsisilbing dayapram. Samantalang naglalaman naman ang kapsula o kapsul ng mga maliliit na butil ng karbon. [2]

Paggana ng mikropono [ baguhin | baguhin ang wikitext ]

Nagiging enerhiyang kuryente ang tunog sa pamamagitan ng mikropono sapagkat mayroon itong mga materyales, katulad ng mga butil ng karbon , na nagpapadaloy (nagsisilbing konduktor) sa kuryente kapag ipinasailalim ng presyon o lakas. Mas maraming kapangyarihan o presyon, mas maraming elektrisidad ang dadaloy. [2]

Kapag tumama sa dayapram ang mga alon ng tunog, itinutulak at pinipiga nito ang mga butil ng karbon para magkadikit-dikit. Kapag malakas ang presyon o lakas ng pagtulak o pagpiga, malakas din ang daloy ng kuryente; kapag mahina ang presyon, mahina rin ang daloy ng kuryente. Laging nakaayon o depende ang daloy ng kuryente sa natatanggap na bilang o kantidad ng lakas o presyon. Nakaayon naman o depende ang bilang o timbang ng presyon mula sa dami ng tunog na natatanggap nito. Kapag tumigil ang tunog o pagpapatugtog, sa kaso ng musika, magbabalik ang dayapram sa orihinal nitong posisyon, at titigil din ang daloy ng kuryente. [2]

Sanggunian [ baguhin | baguhin ang wikitext ]

  1. English, Leo James (1977). "Mikropono, microphone, tanggap na ang baybay na Ingles para sa Tagalog sa sangguniang ito, maging ang maik o mike " . Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN   9710810731 . {{ cite ensiklopedya }} : CS1 maint: date auto-translated ( link )
  2. 2.0 2.1 2.2 " "How does a microphone work?" ". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated . 1977. {{ cite ensiklopedya }} : CS1 maint: date auto-translated ( link )