Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Malcolm X
|
---|
|
Kapanganakan
| 19 Mayo 1925
[1]
- (Douglas County,
Nebraska
, Estados Unidos ng Amerika)
|
---|
Kamatayan
| 21 Pebrero 1965
[1]
|
---|
Libingan
| Sementeryo Ferncliff
|
---|
Mamamayan
| Estados Unidos ng Amerika
|
---|
Trabaho
| politiko,
[1]
awtobiyograpo, aktibistang politikahin, aktibista para sa karapatang pantao
|
---|
|
|
Si
Malcolm X
(Mayo 19, 1925 ? Pebrero 21, 1965) ay isang
Amerikanong
makabansa
at
aktibistang
pangkarapatang sibil. Bago siya nakilala bilang Malcolm X, ang kaniyang pangalan ay
Malcolm Little
. Ang ama ni Malcolm X ay isang ministrong
Baptist
(Bautista) na ang balat ay napakaitim at ang kutis ng kaniyang ina ay higit na magaan ang pagkaitim. Tinuruan siya ng kaniyang mga magulang na maging mapagmalaki sa pagiging itim sa isang lipunang hayagang laban sa mga itim.
Noong 1946 si Little ay ikinulong dahil sa pagnanakaw at habang naroon sa bilangguan ay natuklasan niya ang Nasyon ng Islam.
[2]
Noong una, ang mga gawain at mga talumpati ni Malcolm X ay karamihang pinukaw ng mga paniniwala at mga pangangaral ng Nasyon ng Islam. Ipinangaral niya na ang lahat ng
mga taong puti
ay masama. Nang malaman niya ang
pinuno
ng Nasyon ng Islam ay may pakikipag-ugnayan sa maraming mga
babae
, tumiwalag siya mula sa pangkat at binago ang kaniyang
relihiyon
patungo sa
Islam
na
Sunni
. Naglakbay siya na
namamakay
sa Islamikong banal na lungsod ng
Mecca
sa
Saudi Arabia
. Sa puntong ito, ang kaniyang mga
opinyon
hinggil sa mga taong puti ay uminam, at nagsimula siyang maniwala na ang mga puting tao ay maaaring maging mabubuting mga tao rin. Naniniwala si Malcolm X na ang mga taong itim ay dapat na ipaglaban ang kanilang mga karapatang sibil sa anumang paraan, kahit na sila ay maging marahas. Inisip din niya na ang mga taong itim ay dapat na suportahan ang isa't isa sa pamamagitan ng pamimili sa mga tindahang pag-aari ng mga itim na tao. Mapanuri siya ng
kilusan na pangkarapatang sibil
.
Nabaril at namatay si Malcolm X sa
Lungsod ng New York
pagkatapos na mangaral hinggil sa mga karapatan ng mga itim na tao. Tatlong kasapi ng Nasyon ng Islam ang may kagagawan sa
pagpaslang
sa kaniya.
Nagkaroon siya na anim na mga anak mula kay
Betty Shabazz
. Nagkaroon siya ng anim na mga apo, kabilang si
Malcolm Shabazz
, ang anak na lalaki ni
Qubilah Shabazz
, ang pangalawang anak na babae ni Malcolm X at Betty Shabazz. Si Malcolm Shabazz ang unang lalaking apo ni Malcolm X.
[3]
Napatay si
Malcolm Shabazz
noong Mayo 2013. Nagkaroon din siya ng dalawang inapo, na mga anak kaniyang mga apo (
great-grandchildren
).