Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Si
Juan Domingo Peron
(
pagbigkas sa wikang Kastila:
[?xwan do?miŋ?o pe??on]
; 8 Oktubre 1895 ? 1 Hulyo 1974) ay isang
Arhentinong
opisyal ng militar at politiko. Pagkaraang maglingkod sa ilang mga tungkuling pampamahalaan, kabilang na ang pagiging Ministro ng Paggawa at Pangalawang Pangulo ng Republika, tatlong ulit siyang nahalal bilang
Pangulo ng Arhentina
na naglingkuod mula Hunyo 1946 hanggang Setyembre 1955 at mula Oktubre 1973 hanggang Hulyo 1974.
Sa panahon ng kaniyang unang panahon ng panunungkulan bilang pangulo (1946?1952), sinuportahan si Peron ng pangalawa niyang asawang si
Eva Duarte
("Evita"), at ang dalawa ay naging talagang tanyag sa maraming mga Arhentino. Namatay si Eva noong 1952 at nahalal si Peron ay nahalal para sa ikalawang termino, na naglingkod mula 1952 hanggang 1955. Noong sumunod na panahon ng dalawang diktadurang militar, na naantala ng isang pamahalang sibilyano, ang partidong
Peronista
ay napagbawalan ng batas at si Peron ay napalayas mula sa bansa. Nang mahalal ang Peronistang makakaliwa na si
Hector Campora
noong 1973, nagbalik si Peron sa Arhentina at sa hindi katagalan ay nahalal bilang Pangulo sa ikatlong pagkakataon. Ang kaniyang pangatlong asawa na si
Maria Estela Martinez
ay nagsilbi bilang Pangalawang Pangulo at humalili sa kaniya bilang Pangulo nang mamatay siya noong 1974.
Sina Juan at Evita Peron ay itinuturing pa rin bilang mga larawang huwaran o ikono ng mga
Peronista
. Pinuri ng mga tagasunod ng mga Peron ang kanilang mga pagpupunyagi na tanggalin ang kahirapan at upang bigyan ng dangal ang trabaho, habang ang mga naninira ng kanilang puri ay itinuturing sila bilang mga
demagoga
at mga diktador. Ibinigay ng mga Peron ang kanilang pangalan sa kilusang pampolitika na nakikilala bilang
Peronismo
, na sa pangkasalukuyang Arhentina ay pangunahing kinakatawan ng
Partidong Hustisyalista
.
Ang lathalaing ito na tungkol sa
Talambuhay
,
Politika
at
Arhentina
ay isang
usbong
. Makatutulong ka sa
Wikipedia
sa
pagpapalawig
nito.
- ↑
1.0
1.1
http://data.bnf.fr/ark:/12148/cb120249814
; hinango: 10 Oktubre 2015.
- ↑
http://www.worldatlas.com/webimage/countrys/samerica/argentina/arfamous.htm
.