Estado ng Israel
???????? ??????????
(sa Hebreo)
| ??????? ???????????
(sa Arabe)
| Med?nat Yisr?'el
| Dawlat Isr???l
|
|
---|
|
Awiting Pambansa:
Hatikvah
(
Ang Pag-asa)
;
??????????
)
|
|
Kabisera
| Herusalem
[a]
|
---|
Pinakamalaking lungsod
| capital
|
---|
Wikang opisyal
| Hebreo
,
Arabiko
[1]
|
---|
Pangkat-etniko
(2012)
| 75.4%
Hudyo
20.6%
Arabo
4% iba pa
[2]
|
---|
Katawagan
| Israeli
|
---|
Pamahalaan
| Unitaryong estado
|
---|
|
| Isaac Herzog
(???? ?????)
|
---|
| Benjamin Netanyahu
(?????? ??????)
|
---|
| Mickey Levy
(???? ???)
|
---|
| Esther Hayut
(???????? ???????)
|
---|
|
Lehislatura
| Knesset
|
---|
|
|
| 14 Mayo 1948
|
---|
|
|
? Kabuuan
| 20770
⁄
22072
km
2
(0.36333 mi kuw)
[1]
(153rd)
|
---|
? Katubigan (%)
| 2
|
---|
|
? Pagtataya sa 2012
| 8,134,100
[2]
[2]
[3]
(97th)
|
---|
? Senso ng 2008
| 7,412,200
[2]
[4]
|
---|
? Densidad
| 347/km
2
(898.7/mi kuw) (
34th
)
|
---|
KDP
(
PLP
)
| Pagtataya sa 2011
[5]
|
---|
? Kabuuan
| $236.994 bilyon (50th)
|
---|
? Bawat kapita
| $31,467 (26th)
|
---|
KDP
(nominal)
| Pagtataya sa 2011
[5]
|
---|
? Kabuuan
| $243.654 bilyon (
41st
)
|
---|
? Bawat kapita
| $32,351 (27th)
|
---|
Gini
(2008)
| 39.2
[1]
katamtaman
· 66th
|
---|
TKP
(2011)
| 0.888
napakataas
· 17th
|
---|
Salapi
| Bagong shekel
[3]
(
?
) (
ILS
)
|
---|
Sona ng oras
| UTC
+2
(
IST
)
|
---|
| UTC
+3
(
IDT
)
|
---|
Ayos ng petsa
| dd/mm/yyyy (
AD
)
|
---|
Gilid ng pagmamaneho
| right
|
---|
Kodigong pantelepono
| 972
|
---|
Kodigo sa ISO 3166
| IL
|
---|
Internet TLD
| .il
|
---|
- ^
Excluding / Including the
Golan Heights
and
East Jerusalem
; see
below
.
- ^
Includes all permanent residents in
Israel
, the Golan Heights and East Jerusalem. Also includes Israeli citizens living in the
West Bank
. Excludes non-Israeli population in the West Bank and the
Gaza Strip
.
- ^
*
Israeli new shekel
is the official currency of the State of Israel since 1 Enero 1986,
*
Old Israeli shekel
was the official currency of the State of Israel between 24 Pebrero 1980 and 31 Disyembre 1985,
*
Israeli lira
was the official currency of the State of Israel between Agosto 1948 and 23 Pebrero 1980,
*
Palestine pound
was the official currency of the
British Mandate
from 1927 to 14 Mayo 1948 and of the State of Israel between 15 Mayo 1948 and Agosto 1948,
* before 1927 the official currency of this area was the
Ottoman lira
until 1923, and in between 1923 and 1927 the
Ottoman lira
circulated alongside the
Egyptian pound
.
|
- Para sa ibang gamit, tingnan ang
Israel (paglilinaw)
.
Ang
Israel
at opisyal na kilala bilang
Estado ng Israel
(Hebreo: ???????? ??????????, Med?nat Yisr?'el; Arabiko: ??????? ???????????, Dawlat Isr???l) ay isang republikang
parlamento
sa
Gitnang Silangan
sa katimugang silangang baybayin ng
Dagat Mediterraneo
. Ito ay nahahangganan ng mga bansang
Lebanon
sa hilaga,
Syria
sa hilagang silangan,
Jordan
at
West Bank
sa silangan,
Ehipto
at
Gaza Strip
sa timog kanluran at
Golpo ng Aqaba
sa
Dagat Pula
sa timog. Kasunod ng pagtanggap ng isang resolusyon ng United Nations General Assembly noong 29 Nobyembre 1947 na nagrerekomiyenda ng pagtanggap at implementasyon ng planong paghahati ng Mandatoryong
Palestina
ng
United Nations
, idineklara ni
David Ben-Gurion
na Ehekutibong Puno ng
Organisasyong Zionista ng Daigdig
at presidente ng
Ahensiyang Hudyo para sa Palestina
"ang pagkakatatag ng estadong
Hudyo
sa
Eretz Israel
na kikilalanin bilang Estado ng Israel" noong 14 Mayo 1948. Ang mga kapitbahay na estadong Arabo ay sumakop sa Israel nang sumunod na araw bilang pagsuporta sa mga Arabong Palestino. Mula nito, ang Israel ay nakipagdigmaan sa mga kapitbahay na estadong Arabo na sa kurso nito ay sumakop sa
West Bank
,
Peninsulang Sinai
(sa pagitan ng 1967 at 1982),
Gaza Strip
at
Golan Heights
. Ang mga bahagi ng mga teritoryong ito kabilang ang Silangang Herusalem ay idinagdag ng Israel sa mga teritoryo nito ngunit ang hangganan sa kapitbahay na West Bank ay hindi pa permanenteng nailalarawan. Ang Israel ay lumagda sa mga kasunduang kapayapaan sa Ehipto at Jordan ngunit ang mga pagsisikap na lutasin ang
alitang Israeli-Palestino
ay hindi pa tumutungo sa kapayapaan. Ang populasyon ng Israel noong 2012 ayon sa Israel Central Bureau of Statistics ay tinatayang 7,941,900 na ang 5,985,100 nito ay mga Hudyo. Ang mga Arabong Israeli ang ikalawang pinakamalaking pangkat etniko na binubuo ng 1,638,500 (kabilang ang mga Druze at Bedouins). Ang ibang mga minoridad at denominasyong etno-relihiyon ay kinabibilangan ng Druze, Circassian, mga Itim na Hebreong Israelita, mga
Samaritano
, mga
Maronite
at iba pa. Ang status quo ng relihiyon na inayunan ni Ben-Gurion sa mga partidong Ortodoksong Hudyo sa panahon ng deklarasyon ng independiyensiya ng Israel noong 1948 ay isang kasunduan sa papel ng
Hudaismo
na gagampanan sa pamahalaan at sistemang hudikatura ng Israel. Ang Israel ang isa sa pinakamaunlad na bansa sa Timog kanlurang Asya sa pag-unlad ng ekonomiya at industriya at ang bansang may
pinakamataaas na pamantayan ng pamumuhay
sa Gitnang Silangan.
[6]
Ang mga mamamayan nito ay tinatawag na mga
Israeli
.
Sa pagitan ng 2.6 at 0.9 milyong taong nakakalipas, may hindi bababa sa apat na mga episodyo ng pagkalat ng
hominine
mula sa
Aprika
tungo sa Levant (modernong Syria, Lebanon, Israel, Palestine at Jordan).
[7]
Sa kabundukang Carmel sa
el-Tabun
, at
Es Skhul
.
[8]
ang mga labi ng
Neanderthal
at mga sinaunang tao ay natagpuan kabilang ang isang kalansay ng isang Neanderthal na babae.
[9]
Ang paghuhukay sa el-Tabun ay nagprodyus ng pinakamahabang rekord na stratigrapiko sa rehiyon na sumasaklaw sa 600,000 o higit pang taon ng mga gawain na pantao
[10]
mula sa Mababang Paleolitiko hanggang sa kasalukuyang panahon na tinatayang milyong taon ng
ebolusyon ng tao
.
[11]
Ang unang rekord ng pangalang Israel (bilang ysr??r) ay umiiral sa
Merneptah Stele
na itinayo para sa
Paraon
na Ehiptong si
Merneptah
c. 1209 BCE. Nakita ng mga arkeologo ang "Israel" na ito sa mga sentral na matataas na lupain bilang isang kultura at malamang ay pampolitika na entidad ngunit isa lamang pangkat etniko sa halip na isang organisadong estado. Ang mga ninuno ng mga Israelita ay maaaring kinabibilangan ng mga
Semita
na tumira sa
Canaan
at ang
mga Taong Dagat
. Ayon kay McNutt, "Malamang na ligtas na ipagpalagay na sa isang panahon noong
Panahon ng Bakal
(sa may 1200 BCE), ang isang populasyon ay nagsimulang kumilala sa kanilang mga sarili bilang Israelita na nagtatangi ng sarili nito mula sa mga
Cananeo
gaya ng mga marka na pagbabawal ng pagpapakasal sa ibang lahi, isang pagbibigay diin sa kasaysayan at heneolohiya at
relihiyon
. Noong mga 1920, ang ideya ng pananakop ng mga Israelita sa Canaan ayon sa
Aklat ni Josue
ay hindi sinusuportahan ng rekord na arkeolohikal. Wala ring ebidensiya na ang mga Israelita ay nagmula sa Ehipto ayon sa
Aklat ng Exodo
. Ang mga Israelita ayon sa mga arkeologo ay mga katutubong Cananeo. Ayon sa mga eskolar at arkeologo, ang mga ebidensiyang arkeolohikal ay nagpapakita na ang mga Israelita ay hindi mga monoteista (gaya ng isinasaad sa
Bibliya
) mula pa sa simula ng pagkakatatag nito kundi mga politeista.
[12]
Ang
politeismo
ng mga Sinaunang Israelita ay nag-uugat mula mga politeistikong relihiyon ng
Sinaunang Malapit na Silangan
at sumasalamin sa mga ilang aklat ng
Tanakh
gaya ng paggamit ng salitang Hebreo na '
elohim
na anyong plural ng Eloah na anyo ng
El (diyos)
na isang pangkalahatang salita para sa
diyos
sa mga relihiyong Semitiko.
[13]
Ang ebidensiyang arkeolohikal ay nagpapakita sa panahong ito ng isang lipunan ng mga tulad ng baranggay na sentro ngunit may mas limitadong mga mapagkukunan at isang maliit na populasyon. Ang pagpepetsa ng mga labi sa mga kasaysayan ng Israel ayon sa
Bibliya
ay ginawang mahirap sa kawalan ng bibliya ng mga mapepetsang pangyayari at sa hindi maasahan at magkaayon na panloob na kronolohiya. Walang mga labing materyal na natuklasan na maasahang naghihiwalay ng mga lugar ng Israelita mula sa mga hindi Israelita (Cananeo) sa mga pinakaamaagang panahon.
[14]
Ang unang
Kaharian ng Israel
ay itinatag noong mga taong 1000 BCE. Ayon sa
Bibliya
, ang imperyo ni
Solomon
ay sumaklaw mula sa
Ilog Eufrates
hanggang sa lupain ng
mga Filisteo
hanggang sa hangganang ng
Ehipto
(
1 Hari
4:21-24). Gayunpaman, ito ay hindi sinsuportahan ng mga ebidensiyang arkeolohikal.
[15]
Ayon sa Bibliya, kasunod ng kamatayan ni Solomon noong ca. 900 BCE, nagkaroon ng alitan sa pagitan ng hilagang bahagi ng Israel na binubuo ng 10 mga lipi ng Israel at ang katimugang na pinamumunuan ng Herusalem. Ito ay humantong sa pagkakahati ng Israel sa dalawang mga kaharian: ang hilagang
Kaharian ng Israel (Samaria)
at ang timog na
Kaharian ng Judah
. Ayon sa mga arkeologo, ang aktuwal na Kaharian ng Judah ay hindi katulad ng inilalarawan sa Bibliya bilang isang makapangyarihang kaharian dahil ang kaharian ng Judah ayon sa mga ebidensiyang arkeolohikal ay hindi higit sa isang maliit na tribo. Sa panahong ito, ang mga ebidensiyang arkeolohiyal ay nagpapakita ng mga tensiyon sa pagitan ng pangkat na komportable sa pagsamba kay
Yahweh
kasama ng mga lokal na
diyos
gaya nina
Asherah
at
Baal
at sa mga sumasamba "lamang" kay Yahweh.
[16]
[17]
Ang pinakamatandang mga aklat ng
Tanakh
na isinulat noong ika-8 siglo BCE ay nagrereplekta ng alitang ito gaya ng Aklat ni Hosea at Aklat ni Nahum. Ang paksiyong monoteista ay tila nagkamit ng malaking impluwensiya noong ika-8 siglo BCE at noong ika-7 siglo BCE, batay sa
pinagkunang Deuteronomistiko
, ang pagsambang monoteistiko kay Yahweh ay tila naging opisyal na narereplekta sa pagtatanggal ng larawan ni
Asherah
mula sa templo sa ilalim ni Hezekias. Ayon sa mga eskolar at historyan, sa panahong ito nang ang pagsambang monoteistiko ay nagmula.
[18]
Binaligtad ng kahalili ni
Hezekias
na si
Mannaseh
ang mga pagbabagong ito at ibinalik ang pagsambang
politeistiko
at ayon sa
2 Mga Hari
21:16 ay inusig ang paksiyong monoteistiko. Si haring
Josias
ay muling bumalik sa
monolatriya
(pagsamba lamang sa isang diyos ngunit pagkilala sa pag-iral ng ibang mga diyos). Ang
Aklat ng Deuteronomio
gayundin ang ibang mga aklat ng Tanakh ay isinulat sa panahon ng pamumuno ni Josias. Kaya, ang mga huling dalawang dekada ng panahon ng kaharian ng Israel hanggang sa pagsalakay sa Herusalem ng noong 597 BCE ay nagmamarka sa opisyal na
monolatriya
ng diyos ng Israel. Ito ay may mahalagang mga konsekwensiya sa pagsamba kay Yahweh gaya ng sinasanay sa pagkakatapon sa
Babilonya
at sa teolohiya ng
Ikalawang Templo sa Herusalem
ng
Hudaismo
. Ayon sa Bibliya, ang
Kaharian ng Israel (Samaria)
(hilaga) ay umiral bilang isang malaya estado hanggang 722 BCE nang ito ay sakupin ng
Imperyong Neo-Asirya
samantalang ang
Kaharian ng Judah
(timog) ay umiral bilang independiyenteng estado hanggang 587/586 BCE nang ito ay sakupin ng
imperyong Neo-Babilonya
. Nang talunin ng imperyong Persiya ang Babilonya, ang Israel ay sumailalim sa pamumuno ng
imperyo Akemenida
ng
Persiya
at pinayagan na makabalik ng Persiya ang mga Israelita sa
Judah
. Ang modernong analysis na makapanitikan na Tanakh ay nagmumungkahi na sa panahong ito nang binago ang pinagkunan na pambibig at isinulat upang ipaliwanag ang pagkakatapon ng mga Israelita bilang parusa ng diyos dahil sa pagsamba sa ibang mga diyos.
[19]
Iminungkahi na ang mahigpit na monoteismo ay umunlad sa pagkakatapong ito ng mga Israelita sa Babilonya at marahil ay bilang reaksiyon sa
dualismo
o quasi-monoteismo ng Zoroastrianismo ng mga Persa
(Persian)
.
[20]
[21]
Ang mga skolar ay naniniwala na ang Hudaismo ay naimpluwensiyahan ng relihiyong
Zoroastrianismo
[19]
[21]
ng Persia sa mga pananaw ng
anghel
,
demonyo
, malamang ay sa doktrina ng
muling pagkabuhay
gayundin sa mga ideyang
eskatolohikal
at sa ideya ng
mesiyas
o tagapagligtas ng mesiyanismong
Zoroastriano
. Inilarawan ni
Zarathushtra
sa kanyang
Gathas
ang isang
saoshyant
(tagapagligtas) na benepaktor ng mga tao.
Tinalo ni
Dakilang Alejandro
ng
imperyong Gresya
(
Macedonia
) ang Imperyong
Persiya
noong Oktubre 1, 331 BCE sa
labanan ng Gaugamela
at pagkatapos ng kamatayan ni Dakilang Alejandro, ang Imperyong Gresya ay nahati sa 4 na heneral ni Dakilang Alejandro na sina
Lysimachus
,
Cassander
,
Ptolomeo I Soter
at
Seleucus I Nicator
(Daniel 8:22). Sa simula, ang Israel ay sumailalim sa
Kahariang Ptolemaiko
at kalaunan ay sa ilalim ng
imperyong Seleucid
. Sa mga hari ng Seleucid na namuno sa Israel, si
Antiochus IV Epiphanes
ang nagkamit ng masamang katanyagan dahil sa kanyang paglalapastangan sa templo ng Hudaismo, pagpapatigil ng paghahandog sa
Ikalawang Templo sa Herusalem
gayundin sa pagbabawal ng relihiyong Hudaismo at pag-uusig at pagpatay sa mga Hudyo. Ang katimugang
Levant
ay naging
helenisado
na humantong sa mga tensiyon sa pagitan ng mga relihiyoso at mga Helenisadong Hudyo. Ang alitan ay sumiklab noong 167 BCE sa
paghihimagsik ng mga Macabeo
laban sa mga hukbo ng
Imperyong Seleucid
na kanilang napagtagumpayan. Ang mga pangyayaring ito ay mababasa sa
Aklat ni Daniel
at
1 Macabeo
at
2 Macabeo
. Ang pagwawaging ito ng mga Hudyo laban sa mga Seleucid ay ipinagdiriwang nang taunan sa Israel at ng mga Hudyo sa buong mundo sa pistang
?anuka
(Pista ng mga Ilaw). Ito ay humantong sa pagtatag ng isang independiyenteng
Kahariang Hasmoneo
sa Judea. Sinakop ng
imperyo Romano
ang rehiyong ito noong 63 BCE. Ang alitan sa pagitan ng mga paksiyong pro-Romano at pro-
Imperyong Parto
sa Judea ay kalaunang tumungo sa paglalagay kay
Herodes ang Dakila
at konsolidasyon ng
Kahariang Herodiano
bilang basalyong estado ng
Imperyong Romano
. Ang Judea ay ginawang lalawigan ng Roma noong 6 CE kasuod ng paglipat ng tetrarkiyang Judean sa sakop ng Roma. Sa mga sumunod na dekad, nagkaroon ng papapalaking mga tensiyon sa pagitan ng mga populasyong Greko-Romano at Judean.
Noong 66 CE, ang mga Hudyo sa Judea ay naghimagsik laban sa Roma sa
Unang Digmaang Hudyo-Romano
at pinangalanan ang kanilang estado bilang "Israel". Ang Herusalem at
Ikalawang Templo sa Herusalem
ay winasak ng mga Romano noong 70 CE sa Unang Digmaang Hudyo-Romano. Pagkatapos ng digmaan, ang mga Hudyo ay patuloy na binuwisan sa Fiscus Judaicus na ginamit upang pondohan ang templo ng
diyos
na si
Hupiter
. Noong 131 CE, muling pinangalanan ni Emperador
Hadrian
ang Herusalem na "Aelia Capitolina" at nagtayo ng templo sa lugar ng dating templong Hudyo. Ang mga Hudyo ay pinagbawalang tumira sa Herusalem (na nagpatuloy hanggang sa pananakop na Arabo) at sa lalawigang Romano na sa panahong ito ay kilala bilang Lalawigang Iudaea at muling pinangalanang "Palaestina". Mula 132 hanggang 136, ang pinunong Hudyo na si
Simon Bar Kokhba
ay nanguna sa isang paghihimagsik laban sa mga Romano at muling pinangalanan ang bansa na "Israel". Ang
Kristiyano
na nakaraang isang sekta ng Hudaismo ay tumangging lumahok sa paghihimagsik at naging isang hiwalay na relihiyon. Ang paghihimagsik ay sinupil ni Emperador
Hadrian
, at sa panahon ng himagsikan ng Bar Kokhba, ang asembleang Rabinikal ay nagpasya kung aling mga aklat ang magiging bahagi ng Tanakh (bibliyang Hebreo) at nagpasya sa pagtatanggal sa mga
apokripang
Hudyo.
Sa simula ng ika-4 siglo CE, ang
Constantinople
ay naging kabisera ng
Silangang Imperyo Romano
at ang
Kristiyanismo
ay ginawang opisyal na relihiyon. Ang Herusalem ay ibinalik sa Aelia Capitolina at naging isang siyudad na Kristiyano. Ang mga Hudyo ay bawal pa rin na tumira sa Herusalem ngunit pinayagang bumisita. Ang Imperyong Romano ay nahati noong 390 KP at ang rehiyon ng Israel ay naging bahagi ng
Silangang Imperyong Romano
, o ang
Imperyong Bizantino
. Sa ilalim ng mga Bisantino, ang Kristiyanismo ay pinanaigan ng Griyegong
Simbahang Ortodokso
. Noong ika-5 siglo, ang Kanlurang Imperyong Romano ay gumuho na tumungo sa migrasyon ng mga Kristiyano sa Palestina. Ang ilang mga paghihimagsik ng mga Samaritano ay sumiklab sa panahong ito na nagresulta sa populasyon nito na halos maubos. Noong 611, sinakop ng Persiyang Sassanid ang imperyong Bisantino at pagkatapos ng isang matagal na pagsalakay, nabihag ni Chosroes II ang Herusalem noong 614 CE sa tulong ng mga Hudyo. Ang mga Hudyo ay pinayagan ng mga Persa
(Persian)
na mamahala sa Herusalem at tumagal hanggang noong 617 KP nang ang mga Persa
(Persian)
ay sumuko. Ang emperador Bisantino na si
Heraclius
ay nangako na ibabalik ang mga karapatan ng Hudyo at nakatanggap ng tulong sa pagtalo sa mga Persiyano. Gayunpaman, kanya itong hindi tinupad pagkatapos ng muling pananakop sa Palestina at nagiisyu ng pagbabawal ng Hudaismo sa imperyong Bisantino.
Noong 634?636 CE, sinakop ng mga Arabe ang Palestina na nagwawakas sa pagbabawal sa mga Hudyo na tumira sa Herusalem. Sa sumunod na ilang mga siglo, ang
Islam
ay pumalit sa
Kristiyanismo
bilang nananaig na relihiyon sa rehiyon. Mula 636 hanggang sa pagsisimula ng mga
krusada
, ang Palestina ay unang pinamahalaan ng nakabase sa
Medina
na mga kalipang
Rashidun
at pagkatapos ay ng nakabase sa Damascus na kalipatang Umayyad at pagkatapos ay ng nakabase sa Baghdad, Iraq na mga Kalipang Abbasid. Noong 691, itinayo ng kalipang Umayyad na si
Abd al-Malik
(685?705) ang
Dome of the Rock
shrine sa
Temple Mount
. Ang moskeng Al-Aqsa ay itinayo sa Temple Mount noong 705. Sa pagitan ng ika-7 at ika-11 siglo CE, ang mga eskribang Hudyo na tinatawag na mga
Masorete
at matatagpuan sa Galilea at Herusalem ay bumuo ng
Tekstong Masoretiko
na huling teksto ng
Tanakh
.
Sa panahon ng mga
mga Krusada
, ang parehong mga
Muslim
at Hudyo ay minasaker o ibinenta sa
pang-aalipin
. Noong 1187, natalo ng Ayyubid Sultan na si
Saladin
ang mga nagkrusada na kinuha ang Herusalem at ang karamihan ng Palestina. Mula 1260 hanggang 1291, ang area na ito ay naging hangganan sa pagitan ng mga mananakop na Mongol at mga Mamluk ng Ehipto. Kalaunan ay natalo ng Sultan
Qutuz
ng Ehipto ang mga
Mongol
at ang kanyang kahaliling si Baibars ay nagalis ng huling Kaharian ng nagkrusada noong 1291 na nagwakas sa mga krusada. Ang pagguho ng mga krusada ay sinundan ng papalaking pag-uusig at pagpapatalsik sa mga Hudyo sa Europa. Ito ay nagsimula sa Inglatera noong 1290 at sinundan ng Pransiya noong 1306. Sa
Espanya
, ang pag-uusig ng mga Hudyo ay nagsimula kabilang ang mga masaker at sapilitang pang-aakay. Ang pagiging kumpleto ng muling pananakop ng mga Kristiyano sa Espanya ay tumungo sa pagpapatalsik ng mga Hudyo sa Espanya noong 1492 at Portugal noong 1497.
Mula ng pagkakalat ng mga Hudyo sa iba't ibang mga bansa, ang mga ito ay naghangad na makabalik sa "Zion" at sa lupain ng Israel bagaman ang halaga ng pagsisikap na ginuguol tungo sa layuning ito ay pinagtatalunan. Ang mga paghahangad na ito ay mahalagang tema sa paniniwalang Hudyo. Ang
papel ng ilang mga Kristiyano
sa muling pagtatayo ng Israel ay alam at ang mga Kristiyanong ito ay naniniwala na ito ay umaayon at kailangan upang matupad ang mga
propesiya ng Bibliya
batay sa kanilang mga partikular na interpretasyon ng
bibliya
. Ito ay itinuturing ng mga kritiko na isang uri ng
propesiya na tumutupad sa sarili
na isang hula na direkta o hindi direktang nagsasanhi sa sarili nito na magkatotoo. Ang unang mga modernong migrasyon ng Hudyo (
Aliyah
) sa pinamahalaan ng Ottoman na Palestina ay nagsimula noong 1881 habang tumatakas ang mga Hudyo sa mga
pogrom
sa
Silangang Europa
. Ito ay sinundan ng ikalawang migrasyon nang ang mga 40,000 Hudyo ay tumira sa Palestina bagaman ang halos kalahati ng mga ito ay lumisan sa kalaunang panahon. Ang mga una at ikalawang migrante ay pangunahing mga Ortodoksong Hudyo bagaman ang ikalawa ay kinabibilangan ng mga sosyalista na nagtatag ng kilusang kibuttz. Ang Jewish Legion na pangkat na pangunahing binubuo ng mga bolunterong Zionista ay tumulong sa pananakop ng Britanya sa Palestina noong 1917. Ang pagtutol na Arabo sa pamamahala ng Britanya at imigrasyon ng mga Hudyo ay humantong sa mga riot sa Palestina noong 1920 at pagkakabuo ng militia na Hudyong Haganah kung saan ang mga pangkat paramilitar ay kalaunang humiwalay.
Noong 1922, ipinagkaloob ng
Liga ng mga Bansa
ang Britanya ng isang mandato sa Palestina sa ilalim ng mga terminong katulad ng Deklarasyong Balfour. Ang populasyon sa Palestina sa panahong ito ay pangunahing binubuo ng mga Arabo at Muslim at ang mga Hudyo ay bumubuo ng 11% ng populasyon. Ang ikatlo at ikaapat na migrasyon ay nagdagdag ng karagdagang mga 100,000 Hudyo sa Palestina. Ang pag-akyat ng
partidong Nazi
sa kapangyarihan at papalaking pag-uusig sa mga Hudyo noong mga 1930 ay humantong sa ikalimang migrasyon ng mga Hudyo. Ito ang sanhi ng paghihimagsik ng mga Arabo noong 1936?1939 na nagtulak sa mga Briton na magpakilala ng mga restriksiyon sa imigrasyon ng mga Hudyo sa Palestina. Sa pagtanggi ng daigdig sa mga refugee na Hudyo noong
Holokausto
ni
Adolf Hitler
, ang isang sikretong kilusan na kilala bilang Aliyah Bet ay pinangasiwaan upang dalhin ang mga Hudyo sa Palestina.
Pagkatapos ng
Ikalawang Digmaang Pandaigdig
, natagpuan ng Britanya ang sarili nito sa isang mabangis na alitan sa pamayanang Hudyo dahil ang Haganah ay sinalihan ng Irgun at lehi sa isang armadong pakikibaka laban sa pamamahala ng Britanya. Noong 1947, inanunsiyo ng Britanya ang pag-urong sa Mandato ng Palestina na naghahayag na hindi nito magawang dumating sa isang solusyon na katanggap-tanggap sa parehong mga Arabo at Hudyo. Noong Nobyembre 1947, tinanggap ng Pangkalahatang Kapulungan ng
mga Nagkakaisang Bansa
ang isang resolusyon na nagrerekomiyenda sa pagtanggap at pagpapatupad ng isang Plano ng Paghahati sa Unyong Ekonomiko. Ang Jewish Agency na kinikilalang kinatawan ng pamayanang Hudyo ay tumanggap sa plano ngunit ito ay itinakwil ng Ligang Arabo at Arab Higher Committee of Palestine. Noong 1 Disyembre 1947, ang Arab Higher Committee ay nagproklama ng tatlong araw na strike at ang mga bandang Arabo ay nagsimulang umatake sa mga Hudyo. Ang mga Hudyo sa simula ay depensibo habang ang digmaang sibil ay sumisiklab ngunit unti unting naging opensibo. Ang ekonomiya ng Arabong Palestina ay gumuho at ang mga 250,000 Arabong Palestino ay lumikas o pinatalsik. Noong 14 Mayo 1948, bago ang pagtatapos ng Mandato ng Britanya, inihayag ni David Ben-Gurion, na pinuno ng Jewish Agency ang "pagkakatag ng isang estadong Hudyo sa Eretz Israel na kikilalanin bilang Estado ng Israel".
Ang Israel ay nahahati sa anim na pangunahing distritong administratibo na tinatawag na
mehozot
(Hebreo:
??????
; singular:
mahoz
) ?
Sentro
,
Haifa
,
Herusalem
,
Hilaga
,
Timog
, at mga distritong
Tel Aviv
gayundin ang
Judea and Samaria Area
sa
West Bank
. Ang lahat ng Judea at Samaria Area at mga bahagi ng Herusalem at mga Hilagaang distrito ay hindi kinikilala ng pamayanang internasyonal na bahagi ng Israel. Ang mga distrito ay karagdagan pang nahahati sa 15 subdustrito na tinatawag na
nafot
(Hebreo:
????
; singular:
nafa
), which are themselves partitioned into fifty natural regions.
[22]
Distrito
|
Kabisera
|
Pinakamalaking siyudad
|
Populasyon
[23]
|
Hudyo
|
Arabo
|
Kabuuan
|
note
|
Distriting Herusalem
|
Herusalem
|
67%
|
32%
|
1083300
1,083,300
|
a
|
Hilagaang Distrito (Israel)
|
Nof HaGalil
|
Nazareth
|
43%
|
54%
|
1401300
1,401,300
|
|
Distritong Haifa
|
Haifa
|
68%
|
26%
|
0996300
996,300
|
|
Distritong Sentral (Israel)
|
Ramla
|
Rishon LeZion
|
88%
|
8%
|
2115800
2,115,800
|
|
Dustritong Tel Aviv District
|
Tel Aviv
|
93%
|
2%
|
1388400
1,388,400
|
|
Katimugang Distrito (Israel)
|
Beersheba
|
Ashdod
|
73%
|
20%
|
1244200
1,244,200
|
|
Distritong Judea at Samaria
|
Ariel
|
Modi'in Illit
|
98%
|
0%
|
0399300
399,300
|
b
|
Ang 8% ng mga Hudyong Israeli ay kumikilala sa kanilang sarili na
Haredim
; ang karagdagang 12% bilang relihiyoso; 13% bilang relihiyosong-tradisyonalista; 25% bilang hindi-relihiyosong tradisyonalista (hindi striktong sumusunod sa batas ng Hudyo o
halakha
) at 42% bilang
sekular
(
Hiloni
).
[24]
Ang 65% ng mga Hudyong Israeli ay naniniwala sa
diyos
,
[25]
at ang 85% ay lumalahok sa
seder ng Paskuwa
.
[26]
Ang mga Israeling kumikila sa kanilang mga sarili bilang
ateista
o
agnostiko
ay sa pagitan 15% at 37%.
[27]
Ang mga hilonim o sekular na Israeli ay nasasangkot sa maraming mga hindi kasunduan sa mga relihiyosong Israeli na
Haredi
. Ang mga alitang ito ay nagmumula sa hindi pagpayag ng Haredim na magsilbi sa
Israel Defense Forces
, ang pagsuporta ng lobby ng Haredi sa pagbabawal ng karne ng baboy sa Israel at ang mandatoryong pagsasara ng lahat ng mga tindahan sa
Shabbat
at
Anti-Siyonismo
ng mga pangkat Haredi. Ang isa sa pangunahing dahilan ng pagtakwil ng mga Haredim sa
Zionismo
ang pag-aangkin na ang independiyensiyang pang politika ng mga Hudyo ay dapat lamang makamit sa pamamagitan ng interbensiyon ng
diyos
at sa pagdating ng
mesiyas
na Hudyo. Ang anumang pagtatangka na pwersahin ang kasaysayan ay nakikita ng mga ito na isang bukas na paghihimagsik laban sa Hudaismo. Ang status quo ng relihiyon na inayunan ni Ben-Gurion sa mga partidong Ortodoksong Hudyo sa panahon ng deklarasyon ng independiyensiya ng Israel noong 1948 ay isang kasunduan sa papel ng
Hudaismo
na gagampanan sa pamahalaan at sistemang hudikatura ng Israel. Sa ilalim ng kasunduang ito ang:
- Ang Hepeng
Rabbi
ay may kapangyarihan sa
kashrut
,
shabbat
, paglilibing na Hudyo, mga isyung personal gaya ng
kasal
,
diborsiyo
at mga pag-akay.
- Ang mga kalsada sa pamayanang Haredi ay sarado sa trapiko tuwing
shabbat
.
- Walang sasakyang pampubliko sa shabbat at ang karamihan ng mga negosyo ay sarado. Gayunpaman, may sasakyang publiko sa
Haifa
dahil ito ay may isang malaking populasyon ng Arabo.
- Ang mga restaurant na nagnanais na mag-anunsiyo ng mga sarili nito bilang
kosher
ay dapat sinertepikuhan ng Hepeng Rabbi.
- Ang pag-aangkat sa Israel ng mga pagkaing hindi kosher ay bawal. Sa kabila ng pagbabawal na ito, ang ilang mga sakahan ng baboy ay nagsusuplay sa mga establisyemento na nagtitinda ng puting karne dahil sa pangangailangan mula sa ibang mga sektor ng populasyon. Sa kabila ng status quo, ang Korte Suprema ng Israel ay nagpasya noong 2004 na ang mga lokal na pamahalaan ay hindi pinapayagan na magbawal ng pagtitinda ng karne ng baboy bagaman ito ay nakaraang isang karaniwang by-law.
Gayunpaman, ang ilang mga paglabag sa status quo ay nananaig gaya ng pagbubukas ng ilang mga mall tuwing shabbat. Bagaman ito ay labag sa batas, ang pamahalaan ay nagbubulagbalagan dito. Ang maraming mga bahagi ng status quo ay hinamon ng mga sekular na Israeli gaya ng kontrol ng Hepeng Rabbi sa mga kasal na Hudyo, diborsiyong Hudyo, mga pag-akay at ang tanong kung sino ang Hudyo para sa mga layunin ng imigrasyon. Bagaman ang estado ng Israel ay pumapayag sa kalayaan ng relihiyon para sa lahat ng mga mamamayan nito, ito ay hindi pumapayag sa
sibil na kasal
. Ang estado ay nagbabawal at hindi nag-aaproba sa anumang mga kasal na sibil o mga diborsiyong hindi relihiyoso na ginagawa sa loob ng Israel. Dahil dito, ang ilang mga Israeli ay nagpapakasal sa labas ng Israel. Sa ngayon, ang mga sekular na Israeling-Hudyo ay nag-aangkin na hindi sila relihiyoso at hindi nagmamasid ng mga batas ng Hudyo at ang Israel bilang isang demokratikong modernong bansa ay hindi dapat magpwersa sa mga pagmamasid ng mga batas na Hudyo sa lahat ng mga mamamayan nito laban sa kanilang kalooban.
Ang Israel ay nasa ilalim ng isang sistemang
parlamentaryo
bilang isang demokratikong republika na may pangkalahatang karapatang bumoto. Ang isang kasapi ng parlamento na sinusuportahan ng mayoridad ng parlimaneto ang nagiging punong ministro. Ang punong ministro ang pinuno ng pamahalaan at ng gabinete. Ang Israel ay pinamamahalaan ng 120 kasaping
parlamento
na kilala bilang
Knesset
. Ang pagiging kasapi ng knesset ay batay sa representasyong proporsiyonal ng mga partido na may isang 2% electoral threshold na sa kasanayan ay nagresulta sa mga pamahalaang koalisyon. Ang mga halalan sa parlamento ay isinagagawa tuwing apat na taon ngunit ang hindi matatag na mga koalisyon o isang botong walang konpidensiya ay maaaring magwakas ng pamahalaan ng mas maaga. Ang mga pangunahing batas ng Israel ay nagsisilbi bilang
hindi naisulat na konstitusyon
. Noong 2003, ang knesset ay nagsimulang magdrapto ng isang opisyal na konstitusyon batay sa mga batas na ito. Ang presidente ng Israel ang pinuno ng estado na may limitado at karamihang mga katungkulang seremonyal.
Noong 1967, bilang resulta ng
Digmaang Anim na Araw
, nakamit ng Israel ang kontrol ng West Bank (Judea at Samaria), Silangang Herusalem, Gaza Strip at Golan Heights. Nakuha rin ng Israel ang kontrol ng Peninsulang Sinai ngunit ibinalik ito sa Ehipto bilang bahagi ng Kasunduang Kapayaan na Israel-Ehipto. Kasunod ng pagkakabihag ng Israel ng mga teritoryong ito, ang mga tirahan na binubuo ng mga mamamayang Israeli ay itinatag sa loob ng bawat nito. Nilapat ng Irael ang batas na sibilyan sa Golan Heights at Silangang Herusalem na nagsasama ng mga ito sa teritoryo nitong soberanya at nagkakaloob sa mga nakatira dito ng katayuang permanenteng residente at ang pagpili na mag apply ng pagkamamayan. Salungat dito, ang West Bank ay nanatili sa ilalim ng operasyong militar at ang mga Palestino sa sakop na ito ay hindi maaaring maging mamamayan ng Israel. Ang Gaza Strip ay independiyente sa Israel na walang militar ng Israel o presensiya ng sibilyan ngunit ang Israel ay nagpapanatili ng kontrol sa himpapawid at mga katubigan nito. Ang Gaza Strip at ang West Bank ay nakikita ng mga Palestino at karamihan ng pamayanang internasyonal bilang ang lugar ng hinaharap na estado ng
Palestina
. Idineklara ng UN Security Council ang aneksasyon ng Israel ng Golan Heights at Silangang Herusalem bilang "walang bisa" at patuloy na nakikita ang mga ito na sinasakop. Ang International Court of Justice na pangunahing organong hudisyal ng United Nations ay nagsaad sa opinyon nitong pagpapayo noong 2004 tungkol sa legalidad ng pagtatayo ng harang na Israeli sa West Bank na ang mga lupaing nabihag ng Israel sa Digmaang Anim na Araw ay teritoryong sinakop. Ang katayuan ng Silangang Herusalem sa anumang kasunduang kapayapaan ay minsang naging mahirap na harang sa mga negosiasyon sa pagitan ng mga pamahalaan at kinatawan ng Israel at Palestina dahil nakikita ng Israel ang Silangang Herusalem bilang soberanyang teritoryo nito at bilang bahagi ng kabisera nito. Ang karamihan ng mga negosiasyon ukol sa mga teritoryo ay batay sa United Nations Security Council Resolution 242 na nagbibigay diin sa inadmisibilidad ng pagkakamit ng teritoryo sa pamamagitan ng digmaan at tumatawag sa Israel na umurong mula sa mga sinakop na teritoryong ito kapalit ng pagbabalik ng pagiging normal ng mga ugnayan sa estadong Arabo na prinsipyong kilala bilang "Lupain para sa kapayapaan".
Ang Israel ay nagpapanatili ng mga ugnayang diplomatiko sa mga 157 bansa at may mga 100 misyong diplomatiko sa buong mundo. Ang tanging tatlong mga kasapi ng
Liga ng Arabo
na may normal na ugnayan sa Israel ang Ehipto, Jordan at Mauritania. Gayunpaman, ang Israel ay nakikita pa ring isang kaaway na bansa ng mga Ehipsiyo sa kabila ng kasunduang kapayapaan sa Israel. Sa ilalim ng batas na Israeli, ang Lebanon, Syria, Saudi Arabia, Iraq, at Yemen ay mga kaaway na bansa at ang mga mamamayang Israeli ay hindi pinapahintulutang bumisita sa mga bansang ito nang walang pahintulot ng Kalihim na Panloob ng Israel. Ang Unyong Sobyet at Estados Unidos ang unang dalawang mga bansa na kumilala sa Estado ng Israel. Ang Israel ay itinuturing ng Estados Unidos na pangunahing ka-alyado sa Gitnang Silangan batay sa mga karaniwang pagpapahalagang demokratiko, mga apinidad na relihiyoso at mga interes na pang-seguridad. Ang Estados Unidos ay nagkaloob ng $68 bilyon sa tulong militar at $32 bilyon sa mga grant sa Israel mula 1967 sa ilalim ng Aktong Pagtulong sa Dayuhan na higit sa anumang mga bansa hanggang noong 2003. Ang Estados Unidos at Israel ay may magkaibang mga pananaw sa ilang mga isyu gaya ng Golan Heights, Herusalem, at mga pagtira.
- ↑
1.0
1.1
"Israel"
.
The World Factbook
.
Central Intelligence Agency
. 8 Pebrero 2012.
ISSN
1553?8133
. Inarkibo mula sa
ang orihinal
noong 24 Disyembre 2018
. Nakuha noong
17 Pebrero
2012
.
CS1 maint: date auto-translated (
link
)
- ↑
2.0
2.1
"Latest Population Statistics for Israel"
. Jewish Virtual Library. 2012. Inarkibo mula sa
ang orihinal
noong 2018-06-12
. Nakuha noong
17 Setyembre
2012
.
CS1 maint: date auto-translated (
link
)
- ↑
"Population, by Population Group"
.
Monthly Bulletin of Statistics
. Israel Central Bureau of Statistics. 2012
. Nakuha noong
17 Setyembre
2012
.
{{
cite web
}}
: CS1 maint: date auto-translated (
link
)
- ↑
"Population Census 2008"
(PDF)
.
Israel Central Bureau of Statistics
. Inarkibo mula sa
ang orihinal
(PDF)
noong 14 Nobiyembre 2012
. Nakuha noong
17 Pebrero
2012
.
- ↑
5.0
5.1
"Report for Selected Countries and Subjects"
.
World Economic Outlook
. International Monetary Fund. 9 Oktubre 2012
. Nakuha noong
18 Oktubre
2012
.
{{
cite web
}}
: CS1 maint: date auto-translated (
link
)
- ↑
"Human development indices"
(PDF)
.
United Nations Development Programme
. Inarkibo mula sa
ang orihinal
(PDF)
noong 2010-11-21
. Nakuha noong
2012-11-23
.
CS1 maint: date auto-translated (
link
)
- ↑
"The oldest human groups in the Levant"
. Cat.inist.fr. 2004-09-13
. Nakuha noong
2012-08-13
.
{{
cite web
}}
: CS1 maint: date auto-translated (
link
)
- ↑
"Timeline in the Understanding of Neanderthals"
. Inarkibo mula sa
ang orihinal
noong 2007-09-27
. Nakuha noong
2007-07-13
.
{{
cite web
}}
: CS1 maint: date auto-translated (
link
)
- ↑
Christopher Stringer, custodian of Tabun I,
Natural History Museum
, quoted in an exhibition in honour of Garrod;
Callander and Smith
, 1998
- ↑
"From 'small, dark and alive' to 'cripplingly shy': Dorothy Garrod as the first woman Professor at Cambridge"
. Inarkibo mula sa
ang orihinal
noong 2009-02-28
. Nakuha noong
2007-07-13
.
{{
cite web
}}
: CS1 maint: date auto-translated (
link
)
- ↑
"Excavations and Surveys (University of Haifa)"
. Inarkibo mula sa
ang orihinal
noong 2013-03-13
. Nakuha noong
2007-07-13
.
{{
cite web
}}
: CS1 maint: date auto-translated (
link
)
- ↑
Rendsberg, pp.3-5
- ↑
http://www.class.uidaho.edu/ngier/henotheism.htm
- ↑
Bloch-Smith, pp.27,29,30
- ↑
http://www.nytimes.com/2000/07/29/arts/bible-history-flunks-new-archaeological-tests-hotly-debated-studies-cast-doubt.html
- ↑
1 Kings 18, Jeremiah 2; Othmar Keel, Christoph Uehlinger, Gods, Goddesses, and Images of God in Ancient Israel, Fortress Press (1998); Mark S. Smith, The Origins of Biblical Monotheism: Israel’s Polytheistic Background and the Ugaritic Texts, Oxford University Press (2001)
- ↑
Othmar Keel, Christoph Uehlinger, Gods, Goddesses, and Images of God in Ancient Israel, Fortress Press (1998); Mark S. Smith, The Origins of Biblical Monotheism: Israel’s Polytheistic Background and the Ugaritic Texts, Oxford University Press (2001)
- ↑
Steven L. McKenzie, Deuteronomistic History, The Anchor Bible Dictionary Vol. 2, Doubleday (1992), pp. 160-168; Mark S. Smith, The Origins of Biblical Monotheism: Israel’s Polytheistic Background and the Ugaritic Texts, Oxford University Press (2001) pp. 151-154
- ↑
19.0
19.1
"Archive copy"
. Inarkibo mula sa
ang orihinal
noong 2012-10-15
. Nakuha noong
2012-11-27
.
{{
cite web
}}
: CS1 maint: archived copy as title (
link
) CS1 maint: date auto-translated (
link
)
- ↑
Ephraim Urbach
The Sages
- ↑
21.0
21.1
http://www.jewishencyclopedia.com/view.jsp?artid=147&letter=Z
- ↑
"Introduction to the Tables: Geophysical Characteristics"
. Central Bureau of Statistics. Inarkibo mula sa
ang orihinal
(doc)
noong 21 Pebrero 2011
. Nakuha noong
4 Setyembre
2007
.
{{
cite web
}}
: CS1 maint: date auto-translated (
link
)
- ↑
"Localities and Population, by Population Group, District, Sub-District and Natural Region"
. Israel Central Bureau of Statistics. 6 Setyembre 2017
. Nakuha noong
19 Setyembre
2017
.
{{
cite web
}}
: CS1 maint: date auto-translated (
link
)
- ↑
[1]
Naka-arkibo
2011-07-21 sa
Wayback Machine
. (in Hebrew)
- ↑
"A Portrait of Israeli Jewry: Beliefs, Observances, and Values among Israeli Jews 2000"
(PDF)
. The Israel Democracy Institute and The AVI CHAI Foundation. 2002. p. 8. Inarkibo mula sa
ang orihinal
(PDF)
noong 2007-06-30
. Nakuha noong
2008-01-28
.
{{
cite web
}}
: CS1 maint: date auto-translated (
link
)
- ↑
p.11
- ↑
"Top 50 Countries With Highest Proportion of Atheists / Agnostics"
.
Adherents.com
. 27 Marso 2005. Inarkibo mula sa
ang orihinal
noong 22 Agosto 2009
. Nakuha noong
22 Nobiyembre
2012
.
May kaugnay na midya tungkol sa
Israel
ang Wikimedia Commons.