Hukbo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang militar o hukbo ay isang samahan na pinapahintulot ng bansa nito na gamitin ang puwersa, kadalasang kinabibilangan ng paggamit ng mga sandata , sa pagsanggalang ng bansa (o pagsalakay sa ibang mga bansa) sa pamamagitan ng paglaban ng aktuwal o nakikitang mga banta. Bilang isang pang-uri , ginagamit ang katawagang "militar" bilang pantukoy sa kahit anong pagmamay-ari o aspeto ng isang militar. Kadalasang gumagana ang mga militar bilang mga lipunan sa loob ng mga lipunan, sa pamamagitan ng sarili nilang militar na mga pamayanan, ekonomiya , edukasyon , medisina at iba pang aspeto ng isang gumaganang lipunang sibil.

Ang propesyon ng pagsusundalo bilang bahagi ng militar ay mas matagal pa sa natalang kasaysayan mismo. [1]

Mga sanggunian [ baguhin | baguhin ang wikitext ]

  1. Mark, Joshua J. (2 Setyembre 2009). "War in Ancient Times" . Ancient History Encyclopedia (sa wikang Ingles). {{ cite web }} : CS1 maint: date auto-translated ( link )