Ang
Funimation
ay isang estasyon ng telebisyon at kompanyang
Amerikano
na namamahagi ng mga anime at pelikulang
Silangang Asyano
na nakabase sa
Flower Mound, Texas
. Ang istudyo ay naging pinakamalaking tagapamahagi ng
anime
at ibang mga banyagang palabas sa Hilagang Amerika hanggang sa nakahabol ang ibang mga kompanya, tulad ng
Sentai Filmworks
. Ang kanilang pinakasikat na seryeng palabas ay ang
Dragon Ball Z
na ginawa ng
Toei Animation
, kung saan nagkaroon ng matagumpay na pagpapalabas sa block ng
Cartoon Network
na
Toonami
mula 1998 hanggang 2003, at muling ipinalabas sa DVD at Blu-ray nang ilang beses. Nagsimula ang Funimation noong Mayo 9, 1994 na itinatag ni
Gen Fukunaga
at ang kanyang asawa na si Cindy bilang
Funimation Productions
, kung saan pino-pondohan ito ni Daniel Cocanougher at ng kanyang pamilya, na naging
mamumuhunan
ng kompanya. Ibinenta ang Funimation sa
Navarre Corporation
noong Mayo 11, 2005 at pinalitan ang pangalan ng kompanya bilang
Funimation Entertainment
. Noong Abril 2011, ibinenta ng Navarre ang Funimation sa isang grupo ng mga mamumuhunan kabilang na si Fukunaga sa halagang $24 milyon.
[3]
Sa parehong taon, ang tatak ng kompanya na bola, bituin at bughaw na baras ay tinanggal mula sa logo at pinalitan ang pangalan bilang
Funimation
.
[4]
Noong Mayo 2013, isinama ng Funimation ang lahat ng kanilang dibisyon sa ilalim ng bagong kompanya na Group 1200 Media. Ang Funimation ay ang pinagsamang salitang
Ingles
na "
fun
" at "an
imation
".
Itinatag ang kompanya noong Mayo 9, 1994 ng isang negosyanteng Hapones na si
Gen Fukunaga
.
[5]
Ang tito ni Fukunaga ay isa sa mga tagagawa ng sikat na seryeng anime na
Dragon Ball
; nilapitan niya si Gen tungkol sa pagdala ng serye sa Amerika. Pinalagay niya na kung gagawa ng isang kompanyang produksyon si Fukunaga at kumita ng sapat na pera, lilisensyahan ng
Toei Animation
ang kanilang karapatan para palabasin ang palabas. Nakipagkita si Fukunaga kay Daniel Cocanougher kung saan ang kanyang pamilya ay nagmamay-ari ng isang mill sa [[:en:Decatur, Texas]|Decatur, Texas] at kinumbinsi ang pamilya ni Cocanougher na ibenta ang kanilang negosyo at magsilbing mamumuhunan para sa kanyang kompanya. Ang kompanya ay orihinal na tinatag sa
Silicon Valley, California
bilang Funimation Productions noong 1994, pero sa bandang huli lumipat din sa
Flower Mound, Texas
, malapit sa
Fort Worth
.
[6]
Nakipagtulungan din sila sa ibang mga kompanya tungkol sa
Dragon Ball
, katulad ng BLT Productions,
Saban Entertainment
at Pioneer. Noong 1998, pagkatapos mabigo ng dalawang beses na dalhin ang
Dragon Ball
na prankisa sa mga manunood ng Estados Unidos, nakahanap naman ito ng tagumpay sa block ng
Cartoon Network
na
Toonami
, at mabilis na nakilala ang
Dragon Ball
sa loob ng Estados Unidos katulad din ng ibang lugar. Dito nagsimulang maglisensya ng ibang anime ang Funimation sa U.S.
Noong Mayo 11, 2005, binili ang Funimation ng
Navarre Corporation
, na ngayo'y wala na, sa halagang
US$
100.4 milyon at 1.8 milyong shares ng ari-arian ng Navarre. Bilang parte ng pagbili, ang presidenteng si Fukunaga ay ibinaba mula sa posisyong ulo ng kompanya, patungo sa posisyong CEO, at pinalitan ang pangalan ng kompanya mula Funimation Productions patungong Funimation Entertainment.
[7]
[8]
Noong 2007, lumipat ang Funimation mula
North Richland Hills, Texas
patungong Flower Mound; dinoble ng pasilidad ang espasyong maaaring magamit ng kompanya, na noo'y nakikihati lamang sa ibang mga nangungupahan.
[9]
Lumipat ang Funimation sa Lakeside Business District na merong sampung taong pangungupahan.
[10]
Ayon sa isang panayam noong Pebrero 2008 sa CEO ng Navarre Corporation na si Cary Deacon, ang Funimation ay nasa maagang estado ng pakikipagsundo para makakuha ng mga titulo na lisensyado ng Amerikanong debisyon ng
Geneon
, na itinigil ang lahat ng kanilang operasyon noong Disyembre 2007.
[11]
Noong Hulyo 2008, kinumpirma ng Funimation na nakakuha sila ng karapatan na ipamahagi ang ilang mga titulo na ginawa ng Geneon, kabilang na ang mga hindi nila natapos pagkatapos nilang itigil ang kanilang operasyon.
[12]
Sa
Anime Expo
noong 2008, inanunsyo ng Funimation na nakakuha sila ng 30 titulo mula sa katalogong
Sojitz
na dating nakalisensya sa
ADV Films
.
[13]
Noong 2009, ang Funimation ay nakakuha ng karapatan mula sa
Toei Animation
na ipalabas ang ilan nitong mga seryeng anime online sa pamamagitan ng Funimation website, at
Hulu
.
[14]
Pagbenta ng Navarre, pagsasama ng Nico Nico at ang pagkaka-ayos sa pamamahagi
[
baguhin
|
baguhin ang wikitext
]
Sa unang kwartel ng 2010, ini-uri ng Navarre Corporation ang Funimation bilang isang "operasyong diskuwento" at sinimulang ihanda ang kompanya para ibenta. Nagpalabas ng isang pahayag ang Navarre noong Abril 2011 na kinukumpirma na ibinenta na nila ang Funimation sa isang grupo ng mga mamumuhunan, kasama ang orihinal na may-ari na si Gen Fukunaga, sa halagang $24 milyon.
[3]
Ipinagkwentuhan nga na binenta ang Funimation sa mababang halaga (kung saan orihinal itong binili sa halagang $100 milyon ng pera at $15 milyon ng ari-arian noong 2005) kase gusto ng Navarre na mamahagi ng mga gamit na may relasyon sa kanilang produkto, kaso ayaw nila sila'ng gumagawa. Ipinagpatuloy ng Navarre ang pamamahagi ng mga titulo ng Funimation hanggang 2013, kung saan nagsarado ang kompanya.
Noong Oktubre 14, 2011, inanunsyo ng Funimation ang isang permanenteng pagsasama sa Niconico, ang wikang Ingles na bersyon ng
Nico Nico Douga
, upang mabuo ang tatak na 'Funico' para sa paglisensya sa anime na pang-stream at
home video release
. Simula sa puntong ito, lahat ng titulong ipinapalabas ng Niconico ay nakuha na ng Funimation.
[15]
Noong Hunyo 22, 2015, Ang Funimation at ang
Universal Pictures Home Entertainment
ay nag-anunsyo ng higit sa isang taong pagsasa-ayos na mamahagi ng
home video
. Pinapayagan ng pagsasa-ayos ang UPHE na mamahala sa pamamahagi at pagbebenta ng mga titulo ng Funimation.
[16]
Sisimulan ng Universal na mamahagi ng mga titulo ng Funimation sa Oktubre.
[17]
Noong 2005, ang kagawarang legal ng Funimation ay naging agresibo na maprotektahan ang mga lisensyadong ari-arian ng kompanya, at nagsimulang magpadala ng mga
"cease and desist" (C&D) letters
sa mga sites na nagbibigay ng mga links sa mga
fansubs
ng kanilang mga titulo. Ang ganitong kilos ay pareho sa ginawa ng ngayo'y wala na, na
ADV Films
noon sa ilang mga sikat na torrent sites.
Ang kagawarang legal ng Funimation ay nagpadala ng mga
C&D letters
para sa mga seryeng hindi pa inanunsyong lisensyado, tulad ng
Tsubasa: Reservoir Chronicle
,
Black Cat
, at
SoltyRei
, kabilang na ang ilan sa mga sikat na seryeng sinabi sa sulat.
[18]
Nagpakita pa ang Funimation ng maraming lisenya noong Oktubre 6, 2006 pagkatapos nitong magpadala ng mga sulat sa mga torrent sites na nagdedemanda na ang pamamahagi ng mga seryeng
xxxHolic
,
Mushishi
,
Ragnarok the Animation
, at iba pang serye ay iligal.
[19]