Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Texas
|
---|
|
Texas (pula) sa Estados Unidos
|
Watawat
| Sagisag
| |
Pinagmulan ng pangalan: friend
|
Palayaw:
"Lone Star State"
"
Nag-iisang Bitwing Estado
"(
Tagalog
)
|
Bansag:
"Friendship"
"
Pagkakaibigan
"(Tagalog)
|
Republika ng Texas
| Marso 2, 1836 - Disyembro 29, 1845
|
---|
|
? Gobernador
| Greg Abbott (
Republican Party
)
|
---|
? Gobernador-Tinyente
| Dan Patrick
|
---|
|
? Kabuuan
| 695,662 km
2
(268,597 milya kuwadrado)
|
---|
? Lupa
| 676,493 km
2
(261,193.9
[1]
milya kuwadrado)
|
---|
? Tubig
| 19,169 km
2
(7,401 milya kuwadrado)
|
---|
Taas
| 500 m (1,700 tal)
|
---|
Pinakamataas na pook
| 2,667 m (8,749 tal)
|
---|
Pinakamababang pook
| 0 m (0 tal)
|
---|
Populasyon
| 30,029,572
|
---|
? Ranggo
| ika-2
|
---|
? Kapal
| 43.16/km
2
(111.8/milya kuwadrado)
|
---|
Demonym
| Texan
|
---|
Sona ng oras
| UTC-5:00
|
---|
Kodigo ng ISO 3166
| TX
|
---|
Websayt
| https://www.texas.gov
|
---|
1.
^
Itinantya lamang ang lawak kaya maaaring hindi eksaktong bilang ang kabuuang lawak nito.
|
Ang
Teksas
, pormal na tinatawag bilang
Estado ng Teksas
, ay isang
estado
ng
Estados Unidos
. Ang kabisera ng estado ay
Austin
. Ang katabi nitong mga estado ay ang
Bagong Mehiko
sa kanluran,
Louisiana
sa silangan,
Arkansas
sa hilagang-silangan,
Oklahoma
sa hilaga, at ilan sa mga estado ng Mehiko, ang Tamaulipas sa timog, Bagong Leon sa timog-timog-kanluran, Coahuila sa timog-kanluran, at
Chihuahua
sa kanluran-timog-kanluran. Nakapalibot sa timog-silangan nito ang
Golpo ng Mehiko
. Ang Texas ay nangunguna sa pinakamaraming mga
kondado
na binubuo ng 254 kondado, ikalawa sa pinakamalaking dami ng tao sa isang estado ng Estados Unidos, na pinangunahan ng
California
at ikalawa sa pinakamalawak na estado na pinangunahan naman ng
Alaska
.
Sinakop ng mahigit sa limang mga bansa:
Pransiya
,
Espanya
, ang Imperyong Mexico, ang
Mga Kumpederadong Estado ng Amerika
, at ang ngayo'y sakop na ng Estados Unidos bilang isang estado.
[4]
Noong 1685, itinatag ang Fort Saint Louis ng Pranses, na ngayon ay timog-silangang Texas.
[5]
Ang Espanyol ay inaangkin ang pagmamay-ari ng teritoryo ng Texas noong 1519 bilang bahagi ng
Bireynato ng Bagong Espanya
.
[6]
[7]
Sumiklab ang Digmaan ng Mexico para sa Kalayaan laban sa Espanya noong
Setyembre 16
, 1810 hanggang
Setyembre 27
, 1821 na nagresulta sa kalayaan ng
Imperyong Mexico
(ngayon ay Mehiko) na sakop ang Texas noon. Nagkaroon ng kalayaan ang Texas bilang Republika ng Texas noong
Marso 2
, 1836, at noong Abril 21, 1836 ay naganap ang Digmaang San Jacinto mula sa Mehiko na nagresulta sa nagwagi sa Rebolusyong Teksas.
[8]
Isinanib sa Estados Unidos ito noong
Disyembre 29
, 1845 bilang ika-28 estado.
[9]
[10]
Noong
13 Mayo
1846, nagdeklara ng
digmaan ang Estados Unidos sa Mehiko
na opisyal na natapos noong
2 Pebrero
1848 na may paglagda ng
Kasunduan ng Guadalupe Hidalgo
[9]
na naglalaman ng pagsuko ng Mehiko ng 55% ng lupaing ito (noong panahong iyon) at pagbabago sa hangganan nito sa timog, ang Ilog Rio Grande.
[11]
Noong
1 Pebrero
1861, tumiwalag ang Texas sa Unyon
[12]
at sa kalaunan, sumali ito sa Kumpederasyon bilang ikapitong estadong sumali rito noong Marso 2 ng parehong taon,
[13]
ngunit bumagsak at natalo ang mga ito noong 9 Abril 1865.
[14]
Pagsalubong ng ika-20 siglo, nangyari ang pinakanakamamatay na bagyo na tumama sa Galveston na ikinasawi ng mahigit walong-libo sa lugar.
[15]
Ang lathalaing ito na tungkol sa
Estados Unidos
ay isang
usbong
. Makatutulong ka sa
Wikipedia
sa
pagpapalawig
nito.