Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang
elektrisidad
ay isang pangkat ng mga pisikal na pangyayari na nauugnay sa presensya at daloy ng
karga ng
kuryente. Ang elektrisidad ay nagbibigay ng iba't-ibang uri ng mga kilalang epekto tulad ng
kidlat
,
statikong elektrisdad
,
induksiyong elektromagnetiko
at
kuryente
. Sa karagdagan, ang elektrisidad ay pinapayagang gumawa at tumatanggap ng
radiasyong elektromagnetiko
gaya ng mga liboy ng radyo.
Sa elektrisidad, ang mga karga ng kuryente ay lumilikha ng mga elektromagnetikong
field
na umeepekto sa mga iba pang karga. Ang elektrisidad ay nangyayari dahil sa mga iba't ibang uri ng
pisika
:
Sa
inhinyeryang elektrikal
, ang elektrisidad ay ginagamit para sa:
Ang mga pangyayaring na tungkol sa elektrisidad ay matagal ng napagaralan; bagaman ang pagsulong sa panteoryang pang-unawa nito ay nanatiling mabagal hanggang sa ikalabimpito at ikalabing-walong siglo. Ngunit kahit ang mga aplikasyong praktikal para sa elektrisidad ay kakaunti lamang, nagamit parin ito ng mga inhinyero sa mga industriyal at pantahanang gamit sa mga huling taon ng ikalabinsiyam na siglo. Ang mabilisang paglawak ng mga teknolohiyang nangangailangan ng elektrisidad ay nakapagpabago sa industriya at lipunan. Ang kapansin-pansin na malawak na kaalaman ng elektrisidad ay nangangahulugan na pwede ito ilagay sa halos walang hanggang pangkat ng mga aplikasyon na ang mga halimbawa ay paglilipat, pagpapainit, pagpapailaw, komunikasyon, at komputasyon. Ang lakas ng dagitab ay isa na ngayong gulugod ng makabagong industriya ng lipunan.
[1]
Ang salitang
electricity
ay mula sa Bagong Latin na
?lectricus
, "tulad ng
amber
"
[a]
na inimbento noong 1600 mula sa Griyegong
?λεκτρον
(elektron) na nangangahulugang
amber
dahil ang mga epektong elektrikal ay klasikong nililikha sa pamamagitan ng pagkukuskos ng amber.
- ↑
Jones, D.A. (1991), "Electrical engineering: the backbone of society",
Proceedings of the IEE: Science, Measurement and Technology
,
138
(1): 1?10,
doi
:
10.1049/ip-a-3.1991.0001
{{
citation
}}
: CS1 maint: date auto-translated (
link
)