Bhumibol Adulyadej
|
---|
|
Selyo
|
|
Thai
| ??????????????
|
---|
RTGS
| Phumiphon Adunyadet
|
---|
|
Si
Bhumibol Adulyadej
(
Thai
:
??????????????
;
RTGS
:
Phumiphon Adunyadet
;
binibigkas
[p?uː.mi.p?on ?a.dun.ja.deːt]
(
pakinggan
)
;
see full title below
; (ipinanganak
Lunes
, 5 Disyembre 1927 - 13 Oktubre 2016
Huwebes
, 13 Oktubre 2016 sa
taon ng mga kuneho
), ay ang dating hari ng bansang
Thailand
. Opisyal na tinatawag bilang
"the Great"
(
[1]
[2]
[3]
[4]
)
Datapwat si Bhumibol ay isang haring konstitusyonal, siya ay sa maraming pagkakataon, nagkaroon ng mga desisyon na nagkaroon ng epekto sa politika ng Thailand, kasama na ang krisis pampolitika noong taong 2005-2006. Siya ay itinuturing na susi sa pagbabagong demokratiko ng bansa noong dekada 90, ngunit sa mas maagang panahon ng kanyang panunungkulan ay sinuportahan niya ang rehimeng militar. Sa kasalukuyan, in-endorso niya ang
military junta
na nagpatalsik sa rehimen ni
Thaksin Shinawatra
noong kudeta ng taong 2006. Isang bilyonaryo at isa sa mga pinakamayamang tao sa buong mundo, ginamit ni Bhumibol ang ilang bahagi ng kanyang kayamanan upang pondohan ang mga proyektong pampaunlad lalo na sa mga kabukiran. Siya ay popular sa buong Thailand at pinaniniwalaang kalahating-banal
(semi-divine)
ng ilang Thai. Ang kanyang mga kritiko, na karamihan ay nasa labas ng bansa, ay isinisisi ito sa supresyon o pagpigil ng kritisismo laban sa hari at ng kanyang rehimen.
[5]
Si
Vajiralongkorn
(Rama X), ang kanyang anak, ay ang kasalukuyang hari ng Thailand.
Si Bhumibol ay ipinanganak sa Ospital ng
Mount Auburn
sa
Cambridge
,
Massachusetts
, sa
Estados Unidos
. Siya ang nakababatang anak ni Prinsipe
Mahidol Adulyadej
at ni
Srinagarindra
(Mom Sangwal) na naging Ang Kanyang Kamahalan Prinsesa Srinagarindra, Prinsesang Ina: Somdet Phra Si Nakharinthra Boromaratchachonnani. Sa panahon ng kanyang kapanganakan, kinilala siya sa buong bansa bilang Phra Worawongse Ther Phra Ong Chao Bhumibol Adulyadej (???????????? ?????????????????????????), na nagpapakita na ang kanyang ina ay isang hindi maharlika. Kung naipanganak siya ng mas maaga ng ilang taon, bago pa man naipasa ng kanyang tiyuhin ang batas na tinatanggap ang mga anak ng isang prinsipe at hindi maharlika na tawaging
Phra Ong Chao
(isang prinsipe na may mas mababang katungkulan sa isang maharlikang prinsipe), siya ay tinawag sana bilang
Mom Chao
(ang pinakamababang uri ng mga prinsipe) ganun din sa kanyang kapatid na lalaki na si Ananda Mahidol (nakatatanda) at ng kanyang kapatid na babae na si Galyani Vadhana (nakababata).
[6]
Siya ay pumunta sa Thailand noong 1928, pagkatapos makatamo ni Prinsipe Mahidol ng katibayan sa Harvard. Siya ay dumalo ng daglian sa Mater Dei School pero dinala ng ina niya ang pamilya sa Suwisa, kung saan pinagpatuloy niya ang edukasyon sa Ecole Nouvelle de la Suisse Romande. Natamo niya ang
baccalaureat des lettres
(diploma sa mataas na paaralan na may kursong Panitikang Pranses, Latin at Griyego) sa Gymnase Classique Cantonal ng Lausanne at nag-aral ng agham sa Unibersidad ng Lausanne nang matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, at bumalik ang pamilya sa Thailand.
Ang buong artikulo o mga bahagi nito ay isinalin magmula sa artikulong
Bhumibol Adulyadej
ng Ingles na Wikipedia, partikular na ang
bersiyong ito
.
|
---|
Pandaigdigan
| |
---|
Pambansa
| |
---|
Akademya
| |
---|
Artista
| |
---|
Tao
| |
---|
Iba pa
| |
---|