Ang
Aserbayan
(
Aseri
:
Az?rbaycan
), opisyal na
Republika ng Aserbayan
, ay bansang transkontinental sa pagitan ng
Silangang Europa
at
Kanlurang Asya
. Bahagi ng Timog Kaukasya, hinahangganan ito ng
Dagat Kaspiyo
sa silangan,
Armenya
at
Turkiya
sa kanluran,
Rusya
sa hilaga,
Heorhiya
sa hilagang-kanluran, at
Iran
sa timog. Ang kabisera at pinakamalaking lungsod nito ay
Baku
.
Orihinal itong tinirhan ng kabihasnang Kawkausong Albanes (Aghvank), isang bayang Kristiyanong lokal na mayroon ng kanilang sariling alpabeto, ngunit halos nawalan ito ng bakas dahil sa Islamikong panlulupig. Sa kalaunan ay naging mayoryang-Muslim ang lugar, ngunit isa sa mga pinakasuportado sa sekularismo at pagpaparayang relihiyoso. Iprinoklama ng
Republikang Demokratiko ng Aserbayan
ang kasarinlan nito mula sa
Republikang Pederatibong Demokratiko ng Transkaukasya
noong 1918 at naging ang kauna-unahang estadong sekular at demokratiko sa mundong Islamiko. Naipatalsik ang pamahalaan nito ng Ika-11 Hukbo ng
Hukbong Pula
noong 1920, at pagkatapos ay naitatag ang
Republikang Sosyalistang Sobyetiko ng Aserbayan
bilang isa sa 15 republikang bumuo ng
Unyong Sobyetiko
. Nagsimula ang
Unang Digmaan ng Nagorno-Karabah
noong 1988 sa pagitan ng mga mayoryang etnikong Armenyo sa rehiyong
Nagorno-Karabah
at Aserbayan; nang naganap ang digmaan ay nagdeklara ng kasarinlan ang modernong
Republika ng Aserbayan
noong 30 Agosto 1991 habang binuo ng mga Armenyo ang
Republikang ng Artsah
sa Nagorno-Karabah noong 2 Setyembre, ilang buwan bago mabuwag ang Unyong Sobyetiko. Nagtapos ang digmaan noong 1994 nang pandaigdigang kinilala ang lugar at pitong distritong nakapalibot bilang bahagi ng Aserbayan habang
de factong
nag-isa ang Artsah at Armenya. Muling sumibol ang mga tensyon at umumpisa ang
Ikalawang Digmaan ng Nagorno-Karabah
noong 27 Setyembre 2020. Tumagal ito hanggang 10 Nobyembre ng parehong taon, kung saan naibalik ang halos lahat ng teritoryong nakuha ng Armenya sa unang digmaan.
Ang bansa ay isang
republikang
sekular
,
unitaryo
,
semi-presidensyal
, at
konstitusyonalista
. Isa ito sa anim na estadong Turkikong malaya at kasaping aktibo ng
Organisasyon ng mga Estadong Turkiko
at ng pamayanang
TURKSOY
. Mayroon ito ng mga relasyong diplomatiko sa 182 bansa at pagkakasapi sa 38 organisasyong internasyonal, kabilang ang
Nasyones Unidas
,
Konseho ng Europa
,
Kilusang Di-Nakahanay
,
OSCE
, at ang
programang pangkapayapaan
ng
Alyansang Hilagang Atlantiko
. Isa itong estadong tagamasid ng
Organisasyong Pandaigdig ng Komersyo
at kasaping tagapagtatag ng
GUAM
,
Komonwelt ng mga Estadong Malaya
, at
Organisasyon para sa Pagbabawal ng mga Sandatang Kimiko
. Naihalal ang estado noong 9 Mayo 2006 bilang kasapi ng bagong nilikhang
Konseho ng Karapatang Pantao
ng
Asembleyang Pangkalahatan ng ONU
. Sinimulan ng bansa noong 1 Enero 2012 ang dalawang taong termino nito bilang kasaping di-permanente ng
Konsehong Pangkatiwasayan ng ONU
, at noong 2015 ay naging kasaping tagamasid ito ng
Poro ng mga Bayang Nagluluwas ng Gas
.
Ang Aserbayan isang
bansang umuunlad
, kung saan ika-88 ito sa
Talatuntunan ng Kaunlarang Pantao
. Ito ay may mataas na antas ng pag-unlad sa
ekonomiya
,
alpabetisasyon
, at pamantayan ng pamumuhay, at may mababang antas ng omisidiyo at kawalan ng trabaho kung ikukumpara sa mga bansa sa Silangang Europa at Komonwelt ng mga Estadong Malaya. Gayunpaman, inakusahan ang naghaharing
Bagong Partido ng Aserbayan
, na nasa kapangyarihan mula pa noong 1993 sa ilalim ng dinastiyang Aliyev, ng
pamumunong awtoritaryo
at pagpapalala ng talaan ng
karapatang pantao
sa bansa. Kabilang sa mga paratang ay ang pagtaas ng mga paghihigpit sa kalayaang sibil, partikular sa kalayaan sa pamamahayag at pampolitikang panunupil.
Ang Aserbayan ay nahahati sa sampung rehiyong pang-ekonomika, 66 na
rayon
(
rayonlar
, mag-isa
rayon
) at 77 na lungsod (
??h?rl?r
, mag-isa
??h?r
) na kung saan ang 11 ay nasa direktang pamamahala ng republika.
[1]
Dagdag pa rito, kasama sa Aserbayan ang
Nagsasariling Republika
(
muxtar respublika
) ng
Awtonomong Republika ng Nakhichevan
.
[2]
- Rehiyong Pang-Ekonomika ng Absheron
- Rehiyong Pang-Ekonomika ng Aran
- Rehiyong Pang-Ekonomika ng Daghlig
|
- Ganja-Gazakh
- Guba-Khachmaz
- Kalbajar-Lachin
- Lankaran
|
- Nakhchivan
- Shaki-Zaqatala
- Yukhari Garabakh
|
|
Paalala: Ang mga lungsod na nasa direktang pamamahala ng republika ay naka-italisado
.
CIS
- ↑
"The State Statistical Committee of the Republic of Azerbaijan, Administrative and territorial units of Azerbaijan Republic"
. Azstat.org.
Inarkibo
mula sa orihinal noong 2011-05-12
. Nakuha noong
2011-05-22
.
{{
cite web
}}
: CS1 maint: date auto-translated (
link
)
- ↑
CIA The World Factbook, Azerbaijan
Naka-arkibo
2014-07-29 sa
Wayback Machine
. 2013