Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang
Apartheid
ay isang sistemang pangpolitika sa
Timog Aprika
, na ginamit noong ika-20 daantaon pangunahing sa pagitan ng dekada ng 1940 at ng dekada ng 1980. Ang
apartheid
ay ang patakaran ng segregasyon o paghihiwalay ng mga puting tao at taong itim o negro sa Timog Aprika. Sa pagbubukod na ito, nabibigyan ng kapangyarihan at pabor ang mga taong may puting balat kaysa mayroong itim na kulay ng balat.
[1]
Sa sistema, ang mga tao ng Timog Aprika ay hinati sa kanilang mga
lahi
. Bagaman ang mga taong itim ang nakararami sa bansa, ang isang bilang ng
mga taong puti
ang namuno sa kanila at humawak ng mga tanggapang pampolitika. May mga batas nagpanatili sa paghihiwalay ng mga lahi. Binuwag ang sistema sa Timog Aprika noong 1994. Ang huling pangulo ng rehimeng Apartheid ay si
Frederik Willem de Klerk
, at ang unang hindi-puting pangulo ay si
Nelson Mandela
. Kapwa sila ginawaran ng
Gantimpalang Nobel na Pangkapayapaan
dahil sa kanilang pagpupunyaging maalis ang Apartheid. Sa kasalukuyan, ang salitang
apartheid
ay paminsan-minsang ginagamit upang tumukoy sa mga katulad na sistema sa ibang mga bansa.
Ang lathalaing ito na tungkol sa
Politika
,
Kasaysayan
at
Timog Aprika
ay isang
usbong
. Makatutulong ka sa
Wikipedia
sa
pagpapalawig
nito.