Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Andreas Vesalius
|
---|
|
Kapanganakan
| 31 Disyembre 1514 (Huliyano)
- (Marolles - Marollen, Pentagon,
Bruselas
, Arrondissement of Brussels-Capital, Brussels-Capital Region, Brussels, Kuype of Brussels, Duchy of Brabant, Habsburg Netherlands)
|
---|
Kamatayan
| 16 Oktubre 1564 (Huliyano)
- (Zakynthos Municipality, Zakynthos Regional Unit, Ionian Islands Region, Decentralized Administration of Peloponnese, Western Greece and the Ionian Islands, Gresya)
|
---|
Nagtapos
| Unibersidad ng Padua
|
---|
Trabaho
| anatomista, biyologo, manggagamot, siruhano, propesor ng unibersidad, manunulat
|
---|
Si
Andreas Vesalius
(
Brussels
, 31 Disyembre 1514 ?
Zante
, 15 Oktubre 1564) ay isang
Plamengko
o
Planderong
manggagamot
,
anatomo
, at may-akda ng isa sa pinakamaimpluhong mga aklat ukol sa
anatomiya ng tao
, ang
De humani corporis fabrica
(binabaybay ding
De Corporis Humana Fabrica
[1]
, na may ibig sabihing "Hinggil sa Kayarian ng Katawang Pantao"). Karaniwan siyang itinuturing bilang ang Tagapagtatag ng Makabagong Anatomiya ng Tao, dahil sa pagkakagawa niya ng tumpak na mga pag-aaral kaugnay ng anatomiyang pantao. Dahil dito, tinagurian din siya bilang unang dakilang sinaunang
anatomista
.
[1]
Ang bobo nyu bat kayu nag search mga gagu
Nagturo ng
anatomiya
si Vesalius sa ilang mga
pamantasang
Italyano
. Hindi katulad ng mga nauna pa sa kaniyang mga anatomo o anatomista noong
Gitnang mga Kapanahunan
, na hindi nagsasagawa ng sariling mga pag-aaral at paghihiwa ng mga walang-buhay na katawan ng tao o
diseksiyon
. Nagsagawa si Vesalius ng sarili niyang mga paghihiwa at pag-aaral sa katawang pantao. Naging katulad ang kanyang gawi sa Italyanong si
Mondino de Luzzi
. Isinagawa rin niya ang sariling mga paghihiwa at mga pananaliksik dahil hindi niya naibigan ang mga pangit na kinalalabasan ng mga diseksiyon ng mga katu-katulong ng mga anatomista.
[1]
Isa sa dakilang ambag ni Vesalius sa pag-aaral ng anatomiya o agham ng kayarian ng katawan ang pagkakasulat niya ng
Ang Kayarian ng Katawan ng Tao
(kilala sa Ingles sa pamagat na
The Fabric of the Human Body
). Isinulat niya ito sa Pamantasan ng Padua sa
Padua
,
Italya
. Nalimbag ito sa
Basel
,
Suwisa
. Ibinatay ang mga ilustrasyon o ginuhit na mga larawan na nasa loob ng mga pahina ng kanyang aklat mula sa mga tunay na mga katawan ng tao. Itinama rin niya ang mga kamaliang hindi natagpuan ng mga kasama niya sa larangan. Napabayaang hindi naitatama ang mga tinutukoy niyang kamalian sa loob ng daan-daang mga taon, sapagkat sinisipi, ginagaya, at kinokopya lamang ang mga ito ng sinaunang mga maestro ng larangan ng agham, anatomiya, at panggagamot, na kinopya naman ng mga sumunod pang mga dalubhasa, bago sumapit ang pagtatama ni Vesalius.
[2]
- ↑
1.0
1.1
1.2
Firth, Lesley (Patnugot Panlahat) atbp. (1985). "Andreas Vesalius (1514-1564),
Who was the Greatest Early Anatomist?
".
Who Were They? The Simon & Schuster Color Illustrated Question & Answer Book
. Little Simon Book, Simon & Schuster, Inc., Lungsod ng Bagong York,
ISBN
0671604767
.
{{
cite ensiklopedya
}}
: CS1 maint: date auto-translated (
link
)
, pahina 100.
- ↑
Maling banggit (Hindi tamang
<ref>
tag
;
walang binigay na teksto para sa
refs
na may pangalang
NBK
); $2
|
---|
Pandaigdigan
| |
---|
Pambansa
| |
---|
Akademya
| |
---|
Artista
| |
---|
Tao
| |
---|
Iba pa
| |
---|