Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Si
Alfonso ang Mapagbigay
[a]
(1396 – Hunyo 27, 1458) ay ang
Hari ng Aragon
at
Hari ng Sicilia
(bilang
Alfonso V
) at ang pinuno ng
Korona ng Aragon
[b]
mula 1416 at
Hari ng Napoles
(bilang
Alfonso I
) mula 1442 hanggang sa kaniyang kamatayan. Isa siya sa mga pinakakilalang politikal na personalidad ng unang bahagi ng
Renasimyento
.
Ipinanganak sa
Medina del Campo
, siya ay anak ni
Fernando ng Trastamara
at
Eleanor ng Alburquerque
. Si Fernando ay kapatid ni Haring
Enrique III ng Castilla
, at si Alfonso ay ipinagkasal sa anak na babae ng kaniyang tiyuhing si Haring Enrique na si
Maria
noong 1408. Noong 1412,
napili
si Ferdinand upang magmana sa mga teritoryo ng
Korona ng Aragon
. Ang kasal nina Alfonso at Maria ay ipinagdiwang sa
Valencia
noong Hunyo 12, 1415.