Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang
buturaning sandata
,
sandatang nuklear
o
sandatang nukleyar
ay isang
sandata
na hinango ang kanyang enerhiya mula sa mga reaksiyong nuklear ng
fission
at/o
fusion
. Mas makapangyarihan ang pinakamaliit na sandatang nuklear kaysa mga konbensiyonal na eksplosibo maliban sa malalaking uri nito. Maaaring lipulin ng sampung-megaton na sandata ang buong
lungsod
. Maaari naman masunog ng sandaang-megaton na sandata (bagaman impraktikal ang paghusga) ang mga bahay na yari sa kahoy at ang mga gubat sa isang bilog na 60-100 milya (100-160 kilometro) sa diyametro. Naipadala ng ikalawang ulit ang sandatang nuklear sa
kasaysayan
ng pakikidigma ? parehong tinapos ang
Ikalawang Digmaang Pandaigdig
; nangyari noong umaga na 6 Agosto 1945 ang unang ganoong pagbomba, noong hinulog ng
Estados Unidos
ang isang
uranium
na nasa mala-baril na kasangkapan na pinangalang "
Little Boy
" o "Maliit na Bata" sa lungsod ng
Hiroshima
,
Hapon
at nangyari naman pagkalipas ng tatlong araw ang paghulog ng ikalawang bomba sa
Nagasaki
, Hapon; ipinangalan naman ang pangalawang bomba bilang "
Fat Man
" o "Matabang Lalaki" na isang
plutonium
na nilagay sa isang kasangkapan na sumasabog paloob.
Ibinase ang caption ng larawan sa tekstong makikita sa Wikimedia Commons. Tignan ang kasaysayan ng
pahina
para sa mga atribusyon.
Ang lathalaing ito na tungkol sa
Militar
ay isang
usbong
. Makatutulong ka sa
Wikipedia
sa
pagpapalawig
nito.