Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang
bagong midya
ay ang pagkanakakapunta sa o pagkanakakakuha ng nilalaman anumang oras ayon sa pangangailangan, sa anumang
aparatong dihital
, pati na sa interaktibong tugon ng tagagamit, malikhaing pakikilahok at pagbubuo ng pamayanan sa paligid ng nilalaman ng midya. Isa pang mahalagang pangako ng bagong midya ay ang "
demokratisasyon
" ng paglikha, paglalathala, pagpapamudmod at
pagkonsumo
ng nilalaman ng midya. Ang isa pang aspeto ng bagong midya ay ang pangtunay na panahon na paglikha ng bago at walang patakarang nilalaman.
[
kailangan ng sanggunian
]
Karamihan sa mga teknolohiyang nilalarawan bilang "bagong midya" ay dihital, na kadalasang may katangian ng pagiging
mamanipula
(mababago), mainenetwork,
masinsin
,
mapipiga
, at
interaktibo
.
[1]
Ang ilan sa mga halimbawa ay ang
Internet
, mga
websayt
, mga
larong bidyo
, mga
CD-ROM
, at mga
DVD
. Hindi kasama sa bagong midya ang mga
programang pantelebisyon
, mga pelikulang tampok, mga
magasin
, mga
aklat
, o mga lathalain nasa papel ? maliban na lamang kung naglalaman ang mga ito ng mga teknolohiyang nagpapagana ng interaktibidad na dihital.
[2]
Ang
Wikipedia
, isang ensiklopedyang nakaugnay sa linya ng Internet, ay isang halimbawa, na naglalangkap ng dihital na tekstong dihital, mga imahe at mga bidyo na may mga kawing na pangweb na napupuntahan sa Internet, at mayroon ding pakikilahok ng mga tagapag-ambag, interaktibong tugunan ng mga tagagamit at pagbubuo ng isang pamayanan ng mga kalahok na mga patnugot at mga tagapagkaloob ng donasyon para sa kapakinabangan ng mga mambabasa na hindi kasapi sa pamayanan. Ang
Facebook
ay isang halimbawa ng modelo ng
social media
, kung saan ang karamihan ng mga tagagamit ay mga kalahok din.
- ↑
Flew, 2008
- ↑
Manovich, Lev. "New Media From Borges to HTML." The New Media Reader. Patnugot. Noah Wardrip-Fruin & Nick Montfort. Cambridge, Massachusetts, 2003. 13-25.
Ang lathalaing ito na tungkol sa
Komunikasyon
ay isang
usbong
. Makatutulong ka sa
Wikipedia
sa
pagpapalawig
nito.