Zorayda Sanchez
|
---|
Kapanganakan
| Zorayda T. Sanchez
8 Hunyo 1951
(
1951-06-08
)
|
---|
Kamatayan
| 27 Agosto 2008
(2008-08-27)
(edad 57)
Angono, Rizal, Pilipinas
|
---|
Trabaho
| Artista, komedyante, manunulat, mamamahayag
|
---|
Anak
| 1
|
---|
Si
Zorayda Sanchez
(Hunyo 8, 1951 ? Agosto 27, 2008) ay isang komedyante, artista, manunulat ng senaryo sa pelikula at telebisyon, at
mamamahayag
na mula sa
bansang
Pilipinas
. Nagsimula siya bilang manunulat para sa isang himpilan ng radyo, ang
DZRH
, at lumitaw sa mga ilang pelikula noong dekada 1980. Naging malawak ang pagkakilala sa kanya nang lumabas sa telebisyon sa komedyang palabas na
Goin' Bananas
. Nabanggit ang kanyang pangalan sa awitin ng rapper na si
Andrew E.
na "Humanap Ka ng Panget" na nailabas noong dekada 1990, at tinutukoy sa kanta ang itsura niya na naging puhunan niya sa pagpasok sa shobis.
Lumaki si Zorayda sa
Angono
,
Rizal
at nakapagtapos siya ng kursong
Pamamahayag
(o
Journalism
sa
wikang Ingles
) sa pribado at
Romano Katolikong
pontipikal
pamantasan
ng
Unibersidad ng Santo Tomas
(UST) noong 1972.
[1]
Kahit noong nag-aaral pa lamang sa UST, lagi na siyang tinutukso ng kanyang mga kaklase dahil sa kanyang itsura at sinasabihan ng "
aswang
, aswang."
[2]
Magiging puhunan niya ang kanyang itsura sa pagpasok niya sa shobis.
Pagkatapos na magkapagtapos sa kolehiyo, sumulat siya ng mga iskrip para sa mga
drama
na pinapakikinggan sa himpilan ng
radyo
na
DZRH
.
[1]
Itinayo ng noo'y
Unang Ginang
Imelda Marcos
ang
University of Life Training and Recreational Arena
o ULTRA (
PhilSports Arena
na ngayon) at nagkaroon ng trabaho si Zorayda sa institusyon na ito bilang isang manunulat din.
[1]
Interasado si Zorayda sa pag-arte kaya kinuha niya ang pagkakataon na sumama sa Dulaang Bayan, isang pangkat
panteatro
ng ULTRA.
[1]
Nang lumaon, naisipan ng direktor ng Dulaang Bayan na si Frank Rivera na kunin ang mga artistang nasa kanya na lumabas sa mga pelikula.
[1]
Isa si Zorayda sa mga napasok ni Rivera sa namamayaning shobis
[1]
at unang lumabas siya sa pelikulang
Shame
na pinagbibidahan ng aktres na si
Claudia Zobel
noong 1983.
[3]
Lumabas din siya sa isang
patalastas
ng sabong panlaba na ikinagulat ng kanyang mga kaklase sa kolehiyo.
[2]
Dahil mas malaki ang kinikita niya sa pelikula kaysa sa pagsusulat, nagbitiw siya at tinuon ang sarili sa pag-arte sa pelikula.
[1]
Isa sa mga hindi makakalimutang linya niya ay sa pelikulang
Working Girls
noong 1986 nang sabihan niya sa karakter ni
Carmi Martin
na "Hmp, ang pangit naman!"
[1]
Gumanap din siya bilang isang
guro
sa pelikulang
Bagets
noong 1984.
[4]
Nagpa-ekstra-eksta siya sa iba't ibang pelikula hanggang napabilang siya sa pelikulang dinidirehe ni
Laurice Guillen
.
[1]
Nang makita siya ng asawa ni Laurice, si Johnny Delgado, sa
set
ng pelikula, inimbitihan ni Johnny si Zorayda na maging isa sa mga
mainstay
ng
Goin' Bananas
, isang komedyang palabas sa telebisyon na umere sa
ABS-CBN
.
[1]
Naging sikat agad siya sa paglabas sa
Goin' Bananas
[4]
at dahil dito naimbitihan siya magpresenta sa kauna-unang
PMPC Star Awards
para sa telebisyon noong 1987 kasama si
Edu Manzano
,
Toni Rose Gayda
at
Aiza Seguerra
at ginanap ang parangal sa
Araneta Coliseum
.
[1]
Kahit naging sikat siya, hindi siya nagkaroon ng tagapamahala (o
talent manager
) at buo niyang nakukuha ang bayad sa kanyang talento.
[1]
Noong 1990, nilabas ng rapper na si
Andrew E.
ang kanyang awitin na may pamagat na "Humanap Ka ng Panget" at binanggit niya ang pangalan ni Zorayda at pinatungkol ito sa itsura niya.
[5]
Bagaman tila nakakasakit ng damdamin ang pagkutya sa kanyang itsura, sinabi ni Zorayda na "naging malawak ang kanyang kaisipan dahil sa pagiging manunulat at isa lamang siyang karakter sa iskrip, at kung hindi niya tanggapin ang karakter baka may iba pang kumuha nito."
[1]
Dahil itinuon ang sarili sa pag-aalaga ng anak, hindi siya gaanong naging aktibo sa shobis ngunit bumalik siya sa pagsusulat.
[1]
Naging manununulat siya para sa
pahayagang
Manila Bulletin
.
[6]
[7]
Sumulat din siya sa lingguhang balita-magasin na
Ang OFW Ngayon
na tinatalakay ang mga usapin tungkol sa mga
Pilipinong nasa ibayong-dagat
.
[8]
[1]
Manunulat din siya ng mga iskrip para sa pelikula at telebisyon.
[9]
May isang anak si Zorayda, si Alexis Joyce,
[8]
at pinalaki niya ito ng mag-isa lamang.
[2]
Si Dax Rivera, isang aktor sa entabalado, ang ama ni Alexis Joyce.
[8]
Nanatili pa rin si Zorayda sa Angono at may pagkakataon na nasunog pa ang bahay niya subalit ipinatayo muli ito ng kanyang kapatid na may istilong
Mediteraneo
.
[2]
Kahit sikat na si Zorayda, gumamit pa rin siya ng pampublikong
transportasyon
sa pagpunta sa
shooting
ng kanyang pelikula.
[2]
Kabilang sa tinuturing niyang tapat na kaibigan sa shobis sina Evelyn Vargas,
Beverly Salviejo
,
Tiya Pusit
, at Lou Veloso.
[2]
Namatay si Zorayda dahil sa
kanser sa suso
noong Agosto 27, 2008 sa gulang na 57.
[10]
[11]
Inilibing siya sa Angono.
[2]
- ↑
1.00
1.01
1.02
1.03
1.04
1.05
1.06
1.07
1.08
1.09
1.10
1.11
1.12
1.13
1.14
Francisco, Butch (2007-02-06).
"TV's face of '87"
.
Philstar.com
(sa wikang Ingles). The Philippine Star
. Nakuha noong
2022-03-30
.
{{
cite web
}}
: CS1 maint: date auto-translated (
link
)
- ↑
2.0
2.1
2.2
2.3
2.4
2.5
2.6
Alano, Ching M. (2008-09-14).
"Zorayda A life of laughter & tears"
.
Philstar.com
(sa wikang Ingles). The Philippine Star
. Nakuha noong
2022-03-30
.
{{
cite web
}}
: CS1 maint: date auto-translated (
link
)
- ↑
"Zorayda Sanchez, 58"
.
Philstar.com
(sa wikang Ingles). 2008-08-29
. Nakuha noong
2022-03-30
.
{{
cite web
}}
: CS1 maint: date auto-translated (
link
)
- ↑
4.0
4.1
Gulle, Ramil Digal (2008-08-28).
"Actress Zorayda Sanchez is dead"
.
ABS-CBN News
(sa wikang Ingles)
. Nakuha noong
2022-03-30
.
{{
cite news
}}
: CS1 maint: date auto-translated (
link
)
- ↑
IRIS (2022-01-10).
"Andrew E"
.
The World of Second Chances
(sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa
ang orihinal
noong 2022-05-21
. Nakuha noong
2022-03-30
.
{{
cite web
}}
: CS1 maint: date auto-translated (
link
)
- ↑
Plaza, Gerry (2015-10-04).
"Zorayda Sanchez, comedienne and writer, takes final bow - INQUIRER.net, Philippine News for Filipinos"
.
Philippine Daily Inquirer
(sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa
ang orihinal
noong 2015-10-04
. Nakuha noong
2022-03-30
.
{{
cite web
}}
: CS1 maint: date auto-translated (
link
)
- ↑
"Author Search Results"
.
ds.mainlib.upd.edu.ph
(sa wikang Ingles)
. Nakuha noong
2022-03-30
.
{{
cite web
}}
: CS1 maint: date auto-translated (
link
)
[
patay na link
]
- ↑
8.0
8.1
8.2
Villasanta, Boy (2008-09-01).
"Zorayda's daughter accepts mom's death with an open heart"
.
ABS-CBN News
. Nakuha noong
2022-03-30
.
{{
cite news
}}
: CS1 maint: date auto-translated (
link
)
- ↑
Balagtas See, Aie (2008-08-28).
"Ex-comedienne Zorayda Sanchez passes away"
.
GMA News Online
(sa wikang Ingles)
. Nakuha noong
2022-03-30
.
{{
cite web
}}
: CS1 maint: date auto-translated (
link
)
- ↑
Macaraeg, Pauline (2019-04-03).
"Nakakatawa! These Filipino Comedians Made Generations Laugh"
.
Esquiremag.ph
. Nakuha noong
2022-03-30
.
{{
cite web
}}
: CS1 maint: date auto-translated (
link
)
- ↑
Almo, Nerisa (2008-08-28).
"Veteran comedienne Zorayda Sanchez dies of breast cancer"
.
PEP.ph
(sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa
ang orihinal
noong 2022-03-30
. Nakuha noong
2022-03-30
.
{{
cite web
}}
: CS1 maint: date auto-translated (
link
)