Ang
Wikipediang Waray
(
Ingles
:
Waray Wikipedia
) ay isang edisyong
wikang Waray
ng
Wikipedia
. Sinimulan ito noong Setyembre 25, 2005.
[1]
Ngayong Hunyo 23, 2024, ang edisyong ito ay may
1,266,541 artikulo
[2]
at ito ang ikalabing-isang pinakamalaking edisyon ng Wikipedia.
[3]
Kahit kaunti lamang ang kanyang aktibong tagagamit (69), ang Wikipediang Waray ay may mataas na bilang ng mga artikulong awtomatikong nabuo na nilikha ng mga
bot
, karamihan mula sa
Lsjbot
ni Sverker Johansson, isang Wikipedistang Suweko.
[4]
[5]
[6]
Sinasalita ang
Waray
ng halos 2.6 milyong
[7]
katao sa
Silangang Kabisayaan
sa
Pilipinas
.
Unang inorganisa ang Wikipediang Waray sa
Tacloban
noong 25 Setyembre 2005 ni Harvey Fiji. Naging kaunti lamang ang mga taga-ambag, na wala pang sampung patnugot bawat buwan hanggang Abril 2009. Naganap ang unang pagpupulong ng mga patnugot noong Enero 2013 sa
Tacloban
.
[8]
[9]
Noong unang bahagi ng 2011, nakatawag-pansin ang Wikipediang Waray dahil naglaman ito ng mahigit sa doble ng artikulo sa
Wikipediang Tagalog
, na nakabatay sa pangunahing wika ng
Pilipinas
. Ipinaliwanag itong agwat ng napakaraming artikulong awtomatikong naidagdag ng mga bot, na walang direktang kontribusyon mula sa tao.
[10]
[11]
Noong unang bahagi ng Enero 2014, nakamtan ng Wikipediang Waray ang napakalaking bilang ng 1 milyong artikulo, ngunit isang napakababang
lalim ng artikulo
na mas mababa sa 3. Ang lalim ng artikulo ay isang pagtatangka upang sukatin ang kalidad ng pakikipagtulungan sa mga artikulo, batay sa bilang ng pagbabago kada artikulo.
Ayon sa datos ng Wikimedia na awtomatikong naisasapanahon, pagsapit ng Hunyo 23, 2024, ang Wikipediang Waray ay may may 2,871,321 pahina (kabilang ang mga pahina ng tagagamit, pahinang pantulong, atbp.), 69 aktibong tagagamit, at 7,601,911 kabuuang pagbabago. Ang
lalim ng artikulo
sa Wikipediang Waray ay 4.25?isang di-pulidong tagapaghiwatig ng kalidad ng pakikipagtulungan sa mga artikulo?kumpara sa 146.92 sa Wikipediang Tagalog. (Magkamag-anak na wika ang Waray at Tagalog na kabilang sa
Malayo-Polynesyong
sangay ng
mga wikang Austronesyo
.)
Gabay panlakbay sa
Wikipediang Waray
mula sa Wikivoyage
Mga tala ng Wikipedia sa bilang ng artikulo
|
---|
5,000,000+
| |
---|
2,000,000+
| |
---|
1,000,000+
| |
---|
500,000+
| |
---|
200,000+
| |
---|
100,000+
| |
---|
50,000+
| |
---|
20,000+
| |
---|