Ang
wikang artipisyal
ay mga wika o lengguwaheng inimbento. Ilang halimbawa ang
Esperanto
,
Lojban
,
Interlingua
,
Klingon
,
Toki Pona
,
Lingua Franca Nova
,
Vling
,
Afrihili
,
Na'vi
,
Kotava
,
Solresol
,
Quenya
,
Lingwa de planeta
,
Fremen
,
Galach
,
Pandunia
, at
Novial
. Sa wikang Ingles, ang kalimitang tawag dito ay
conlang
, mula sa
constructed language
. Puwede rin tawagin ito sa Ingles bilang
artificial language
,
planned language
,
model language
o
invented language
o iba pa. Kung minsan, sa wikang Ingles, ginagamit ang
auxlang
, mula sa
auxiliary language
; itong bagay ay partikular na
conlang
na para gamitin sa internasyonal na komunikasyon. Sa wikang Tagalog, ang
conlang
ay maaari ring tawaging
wikang guni-guni
.
Ang taliwas ng
conlang
ay ang
natlang
, mula sa
natural language
, ang wikang likas, katulad ng Kastila at Griyego. May
conlang
na parang natural (
naturalistiko
) na sadyang nilagyan nga ng mga iregularidad, katulad ng
Interlingua
at
Quenya
.
Ayon sa layon, ang karamihan ng mga wikang artipisyal ay may mga sumusunod na klasipikasyon:
- Inhenyerong wika
(
engelangs
,
IPA
/??nd??læŋz/), na kabilang ang lohikong wika (
loglangs
), pilosopikong wika, at eksperimental na wika; gawa para sa obhetibo ng eksperimentasyon sa lohiko, pilosopiya, o dalubwikaan;
- Awksilyar na wika
(
auxlangs
) gawa para sa internasyonal na komunikasyon (at saka mga IAL, para sa Internasyonal na Awksilyar na Lengguwahe);
- Artistikong wika
(
artlangs
) gawa para sa estetiko o pagiging katawa-tawa; malimit na ang mga sekretong wika at mistikong wika ay klasipikadong
artlang
. Ang
altlang
o alternatibong wika'y artistikong wika ng alternatibong kasaysayan; halimbawa, ang Anglish ay Ingles na wala ang impluwensiya ng Latin.
Ang mga wikang guni-guni ay may kategorisasyon nang
a priori
at
a posteriori
. Ang mga wikang guni-guning
a priori
ay may katangian bilang bokabularyo, gramatika, atbp. na hindi hinango sa umiiral na wika. Ang
a posteriori
naman ay taliwas nitong bagay. May mga wikang artipisyal na haluhalo nang
a priori
at
a posteriori
ang mga katangian.
Kung hindi letrang Romano ang gamit sa wikang guni-guni, maaaring may
conscript
o sulat na guni-guni. Puwedeng ponograma, silabograma, logograma, piktograma, haluhalo, atbp. Ginagamit itong bagay sa "
paggawa ng daigdig
." Sa mga Hapong
animeng
Kemono no S?ja Erin
(?の奏者エリン) at
Violet Evergarden
(ヴァイオレット?エヴァ?ガ?デン), may mga sari-saring sulat sa mga libro at karatula. Maraming anime ay may
conscript
. Sa Hapong animeng
The Mystic Archives of Dantalian
(ダンタリアンの書架), may ginagamit na wikang parang Pseudo-Latino.
Ang mga wikang guni-guni ay ginagamit sa mga pelikula, teleserye, at literaturang ang karamihan ay
piksiyong espekulatibo
nga na kabilang ang
pantasya
at
siyensiyang piksiyon
. Ang wikang Eloi ay wika ng katauhang Eloi sa kinabukasang taong 802 701 CE sa siyensiyang piksiyong prangkisang
The Time Machine
ni H.G. Wells. Ang wikang Barsoomian ay wika ng mga
Marsiyano
sa siyensiyang piksiyong prangkisang Barsoom ni Edgar Rice Burroughs. Ang wikang Vulcan ay wika ng pilosopikong katauhang Vulcan ng siyensiyang piksiyong sansinukob ng prangkisang
Star Trek
, na mayroon ding mga wika ng mga Romulan, Klingon, Ferengi, Andorian, at maraming iba-iba pang mga tagaibang-daigdig.